Magtatanong lang po sana ako kasi di ko pa nasubukang maglaro ng MIR4 at eto na naman may lumabas na namang bagong version in which sabi ng mga reviews sa YT ay maganda at okay din daw ang kitaan, kaya medyo duda ako pag ganyang mga reviews. Nakikita ko kahit sa mga comments ay medyo nakakaduda. Kakaglobal launch lang po nila noong Jan. 30, 2023 kaya itatanong ko sana kung worth it ba mag laro(game wise) ?? kasi andami kong nabalitaan nung sa MIR4 na pahirapan daw sa grind dahil sa bots at daming PK. That time axie lang nilalaro ko at dahil nga sa mga balibalita nilang ganyan daw MIR4 di ko sinubukang laruin.
Eto po yung link sa google play :
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.wemade.mirmglobal&gl=USPS. Di po ako nagpopromote nitong laro nagtatanong lang po ng maayos kasi di ko pa nalaro kahit kailan yung MIR4, asking lang po ako ng opinions at feedbacks nyo salamat
.
Now ko lang nabasa itong thread, mukhang interesante ang laro, meron ba itong pc version? Di kaso ako gaanong naglalaro sa mobile version at hindi rin yata pwede ito sa bluestacks.
Naolats ako sa NFT eh, di naman literal na olats kumbaga nakatulong naman kaso nga lang parang ako yung naging pinaka-paen ng mga scholars ko sa Axie.
Well, ganyan talaga ang buhay. Sa mga nauna at naging profitable ang kanilang NFT journey, maganda yun para sa kanila kaya mas maraming mga investors at gamers ngayon ang gusto mauna sa mga new launching na NFT games.
Yep, Alam nila na pag maaga ka sa laro is mas mataas yung pwede mo kitain especially pag maganda yung potential ng game. Nasanay kasi tayo last bull market na yung mga nauuna lang yung kumikita at yung mga late na pumasok is hindi sigurado kung makakapag ROI sila given na unti unti na lumalabas yung mga early players at investors sa game. I think it is bad for the whole industry given na walang mag tatagal ng NFT games if ganyan yung palaging mangyayari. Let's hope na mabago yung mindset ng mga tao regarding that at magkaroon tayo ng real long term game na hindi lang sa una kikita talaga.
Mahirap na mabago yung mindset nating lahat patungkol sa mga NFT games. At sa tingin ng marami, mahirap na makabawi mga NFT games kasi kapag may nag-trend, parang sobrang labo na makabawi ulit e.
Pero dahil din sa mga NFT games, ang daming natuto sa market at hindi lang pala sa NFT games umiikot ang crypto at yun nalang yung magandang impact na iniisip ko para sa mga bago lang sa market.
Just play for fun na lang wag na isipin ang return if there is, bonus na lang iyon at pwede naman maglaro ng hindi gumagastos since ang game is accessible para sa free play.
Checking this site meron pala itong window installer, meron din silang upcoming Mir version maliban sa Mir M, Mir W naman pero di siya RPG kung hindi strategy game.
Heto pala ang recommended specs para laruin itong game: