Pages:
Author

Topic: MIR M: Vanguard & Vagabond bagong version ng MIR4 NFT game - page 2. (Read 278 times)

legendary
Activity: 2562
Merit: 1119
not really sure kung gaano kaganda ang kitaan since di ko pa sya na try pero base sa napaunod ko sa YT, masyado rin syang Pay to win(parang mas pay to win pa sa mir4). tsaka if gusto mo talaga kumita dun sa laro parang need mo talaga muna gumastos kasi gaya ng sabi ni LogitechMouse may bayad para makapag mina.

Pang-apat, PK area ang buong mining area hindi kagaya sa Mir4 na may penalty ka kapag papatay ka, sa MirM ata wala so kapag low level ka lang, hindi ka rin makakapag-mina.
base dun sa napanuod ko, may penalty din pag pumatay ka ng player pag hindi free pk zone yung area.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1043
Need a Marketing Manager? |Telegram ID- @LT_Mouse
Magtatanong lang po sana ako kasi di ko pa nasubukang maglaro ng MIR4 at eto na naman may lumabas na namang bagong version in which sabi ng mga reviews sa YT ay maganda at okay din daw ang kitaan,
Kung kitaan lang ang habol mo, wag mo na lang laruin.

Una, para makapag-mina ka sa Bicheon or Snake Valley, need mo bumili ng Mining Pass worth $9.99. Pangalawa, yung mga mobs dun sa valley ay aggro meaning kapag nalapitan mo sila or nilapitan ka nila automatic na aatakehin ka. Pangatlo, kada pukpok mo dun hindi sure na may makukuha kang Darksteel. Mataas ang Drone token sa ngayon dahil kakalabas pa lang ng laro pero bigyan mo yan ng ilang buwan, bababa rin ang price nyan. Same lang sa nangyari sa Draco at Hydra. Pang-apat, PK area ang buong mining area hindi kagaya sa Mir4 na may penalty ka kapag papatay ka, sa MirM ata wala so kapag low level ka lang, hindi ka rin makakapag-mina.

Kakaglobal launch lang po nila noong Jan. 30, 2023 kaya itatanong ko sana kung worth it ba mag laro(game wise) ?? kasi andami kong nabalitaan nung sa MIR4 na pahirapan daw sa grind dahil sa bots at daming PK. That time axie lang nilalaro ko at dahil nga sa mga balibalita nilang ganyan daw MIR4 di ko sinubukang laruin.
Game wise, matagal na akong naglalaro ng MMORPG games pero di ko pa natry maglaro ng isang MMORPG game na one-sided yung camera at hindi narorotate. Di ko pa nalaro yung Diablo pero base sa naririnig ko same lang ata sila ng camera pero mas gusto ko yung narorotate ang camera. Mahirap pang i-judge yung buong laro kasi kakalabas pa lang din at hindi pa naeexplore ang lahat. Mas maganda if manood ka na lang sa Youtube ng kanilang mga karanasan sa paglalaro ng Mir M.

Pahirapan sa grind dahil sa bot? Ang ibig mo bang sabihin mahirap mag-mina dahil sa mga bot? Dahil nakakapag grind pa rin naman ako kahit may bots. Wala naman silang problema dahil adjusted na ang nakukuhang Darksteel ng bots. Napakababa na kumpara noon.

Ayokong icompare yung Mir4 at MirM dahil kulang ang time ko para laruin ang MirM. Malay mo may mga nag try dito na naglaro ng MirM at sila ang magshashare ng kanilang karanasan.
sr. member
Activity: 588
Merit: 351
Magtatanong lang po sana ako kasi di ko pa nasubukang maglaro ng MIR4 at eto na naman may lumabas na namang bagong version in which sabi ng mga reviews sa YT ay maganda at okay din daw ang kitaan, kaya medyo duda ako pag ganyang mga reviews. Nakikita ko kahit sa mga comments ay medyo nakakaduda. Kakaglobal launch lang po nila noong Jan. 30, 2023 kaya itatanong ko sana kung worth it ba mag laro(game wise) ?? kasi andami kong nabalitaan nung sa MIR4 na pahirapan daw sa grind dahil sa bots at daming PK. That time axie lang nilalaro ko at dahil nga sa mga balibalita nilang ganyan daw MIR4 di ko sinubukang laruin.

Eto po yung link sa google play : https://play.google.com/store/apps/details?id=com.wemade.mirmglobal&gl=US

PS. Di po ako nagpopromote nitong laro nagtatanong lang po ng maayos kasi di ko pa nalaro kahit kailan yung MIR4, asking lang po ako ng opinions at feedbacks nyo salamat  Smiley.
Pages:
Jump to: