nakita nyo na ba yung next update, may idadagdag silang war based feature sa MIR4 ang tawag ay "sabuk clash", tapos nag babalik ulit yung legendary magic stone challange event nila. naalala ko yung spirit treasure event, ang dami umiyak nung DS yung gamit instead na copper.
tsaka, totoo ba na quitting na daw si Jet? may nakita akong post sa FB na naka NFT na yung char nya. inantay nya lang ata matapos yung gera ng PHA vs CN, nasa NA na kasi ngayon karamihan ng core ng PHA.
Sa Sabuk Clash, wala akong idea kung ano yun pero as long as merong idadagdag na war content ang Wemade sa laro, magiging maganda ito para sa mga players dahil alam naman natin na heavily driven ang laro sa PVP events. Tungkol naman sa Legendary Magic Stone, ibinalik nila yun dahil sa marami raw nagrerequest na ibalik ung event na yun. Kung DarkSteel ang gagamitin dun (which is ganun naman talaga), hindi na ako magpaparticipate sa event na yun. 30M DS? Pang cracraft ko na lang ng epic gears ko yun.
Tungkol naman kay Jet Fighter, oo quitting na siya. Siguro focus na siya sa kanyang real life. May mga rumors akong nababasa GC namin na bibilhin daw ni VegasRJ yung account niya at ilalagay sa IMENA continent since naghahanap siya ng Lancer. Kung di niyo kilala si VegasRJ, naglaro na rin siya noon ng MIR4 (leader namin siya noon sa server 134 under WERJ alliance). Since nag quit na siya sa Nino Kuni, yun ang rumors na lumalabas pero di pa confirmed.
Lumipat na ng NA yung mga cores ng PHA gaya nila Chibiby at Butcher. Baka sumunod na rin yung mga iba.
Dami rin nasira ng Nino Kuni na yan eh no? Nagquit din ako diyan nung nakita kong pabagsak na ng pabagsak yung value ng token nila. Nabawi ko lang yung ininvest ko na black diamond ba yun, para lang mai-withdraw din yung pwedeng ipalit sa exchange. 100 pesos naging 200 yata, pwede na din.
Pati yung top ng server namin dati naloko diyan. Kapag mag Clan Challenge or Expedition nagmamadali dahil may event din daw sa laro na yan sa same oras ng time namin kaya kami na nag-adjust.
Anyway, kung mabenta nga yung kay Jet tapos ilagay sa IMENA, may chance na kaya yung mga natirang PHA or nagpaiwan at bawiin ang kanilang mga lupain?
Hindi ba sobrang peaceful naman sa NA server na yan? Parang boring din naman kapag ganoon.
Sabuk War, yan na nga kaya ang solution para magkaroon ulit ng ligaya ang PVP world ng Mir4. Puro makukulit na lang ang natira eh, wala na yung lalaban talaga.