Ginagawa kasi namin is after namin mag World Boss, pumupunta kami kaagad sa Phantasia Labyrinth 4F at pupuwesto sa mga posibleng dadaanan nila. Di naman sila ganun karamihan (mga 15 max siguro) at bilang lang yung mga malalakas sa kanila (siguro nasa 4 lang) kaya mabilis namin silang maburst at hindi makakarating sa World Boss.
Kahapon, dahil alam nilang di sila makakapunta sa World Boss sa Phantasia Labyrinth 4f, ang ginagawa na lang nila is nang aagaw sila ng World Boss particularly sa Bichon Labyrinth 4F dahil kayang kaya nila yung mga nag boboss doon. Ang gagawin naman namin is, magbabantay muna yung mga 200k PS dun sa entrance ng Bicheon Labyrinth hanggang makuha lahat ng boxes then saka kami tatalon sa Phantasia Labyrinth or kung saang Labyrinth need ang help. Mahalaga ang Discord rin para mabilis ang respo.
Kakabenta ko lang ng Tier 1 Epic Boots kahapon (nasa 2.8K Gold rin minus tax). Ginamit ko pang codex yung karamihan sa mga napagbentahan ko at from 449, ngayon at 453 na. Mahirap mag codex ngayon lalo na pag nasa Uncommon na +7 or +8 na ang need mo. Karamihan sa mga jan ang presyo is nasa 100+ gold bawat isa. Napapaisip na lang din ako minsan kung bibilhin ko ba or gagamitin ko na lang pang upgrade ng gears ko.