Ang taoist talagang kailangan arbalist ang next choice, pero ewan ko sa iba. At least ngayon medyo mababawasan, pati mga nagaapply sa clan puro arbalist din. Yung isang applicant dalawa pa daw ipapasok nia parehas arbalist.
Hahaha, mabilis kasi palvl ang arbalist dahil sa skill cooldown at burst damage. Ako nga 2nd class sana ng main (Lancer) ko arbalist para medyo mabilis palvl kaso nagkamali ako ng craft nung epic armor di ko napansin dahil sa antok nakaarbalist pala ako, kaya ayun nasama na tuloy ako sa mga nakakaumay na arbalist character.
Ako hindi, sayang kasi yung materials pang upgrade din ng constitution yun di ba. Hirap pa naman makahanap ng epic na halaman. Or kung magcraft man daming need na UC or Rare. Sayang oras sa pagharvest then dagdag gastos sa pagcraft. Kapag tumataas pa naman level ng Inner mas malaki ang need na energy.
Kahit sa Phantasia ang dami na naghaharvest, hindi makasingit sa pula. Hinahanap ko na lang yung mga nakakalat.
So tyagain na walang XP tonic? Alat kasi sa clan box sa Expedition pati nung drum event. 1 lang nakuha.
It's not worth yung time na gugugulin pang farm ng tonic materials, oras din ang kakainin. Then ang madadagag lang eh nasa 2k+ kung ang exp drop ng monster ay nasa 24k+ kapag gumamit ng epic tonic.