Pages:
Author

Topic: MIR4 NFT game? - page 32. (Read 9265 times)

legendary
Activity: 2534
Merit: 1115
March 05, 2022, 01:00:47 AM
-snip
grabe lake ng agwat sa exp bonus ko haha. 360% lang akin with epic exp tonic. di ko pa na try mag samarti and I don't really plan to kasi plano ko talaga ng mag pure F2P.


ayus lang ^^, about na sa pagpapalevel kung 23 hours uptime (30 mins pahinga ng pc)  kaya ng 3 days basta gagamit ng 8 ms ticket per day at lure for max EXP at exp chamber III.  Yung kaclan ko nga naglvl up ng 3x  ng wala pang 1 week di ko lang alam diskarte nya siguro sa MS na natutulog ung character nya.
ganyan din yung mga top players sa guild ko at other top players sa allied guild. tatlong beses kung lumevel sa isang linggo. as for diskarte naman, as far as I know, dalawang spot sa exp chamber ang ginagamit nila if maluwag yung MS exp chamber. alternate sila sa from spot1 to spot2 para di na nag aantay mag respawn yung mobs after nila patayin.

-snip
sana lang talaga either koiga or byoho yung makuha ko mamaya.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
March 04, 2022, 11:23:27 PM

grabe, kainggit! bukod sa pvp deck , dream deck ko yang full exp pet. ilan max exp bonus(including epic exp tonic)?


Chineck ko yung provided % ng exp nasa 422% (samarti enabled, rare exp tonic consumed)

kung idadagdag ang lacking bonuses which is
+15% exp bonus kapag ginamit ang epic exp tonic
+18% kung iseset sa complete epic growth
+28% (4x7%) kung masasalpakan ng Millenial Sables Essence (epic spirit treasure)
+20% sanctuary

aabot din ng 503% higit pa kung isasama ang bonus sa codex na di pa  natatap.

sarap nyan sa exp chamber or kahit sa common map pag mag papa level. ilang days ka per level(sorry daming tanong hahaha)?

ayus lang ^^, about na sa pagpapalevel kung 23 hours uptime (30 mins pahinga ng pc)  kaya ng 3 days basta gagamit ng 8 ms ticket per day at lure for max EXP at exp chamber III.  Yung kaclan ko nga naglvl up ng 3x  ng wala pang 1 week di ko lang alam diskarte nya siguro sa MS na natutulog ung character nya.

Mas ok sana kung naglegendary (asa pa ako hehehe) pero masaya na rin ako dahil exp at lucky drop chance ang bigay ni Koiga.
best pve pet ang koiga, di ka mag sisisi if makuha mo since gamit na gamit mo yan sa pag papalevel, questing or farming.

oo laking tulong nga sa pve si Koiga dahil sa tatlong bonuses nya, Natural Hunter, Law of the Jungle, Lesson of the Wild


 
legendary
Activity: 2534
Merit: 1115
March 04, 2022, 03:35:23 PM
Ok din naman ang kinalabasan ng pagcombine ng apat na dupli  pet ko (2 biyoho, 1 sparkler at 1 flamehorn)ay si Brutal Lionheart Koiga.
grabe, kainggit! bukod sa pvp deck , dream deck ko yang full exp pet. ilan max exp bonus(including epic exp tonic)? sarap nyan sa exp chamber or kahit sa common map pag mag papa level. ilang days ka per level(sorry daming tanong hahaha)?

Mas ok sana kung naglegendary (asa pa ako hehehe) pero masaya na rin ako dahil exp at lucky drop chance ang bigay ni Koiga.
best pve pet ang koiga, di ka mag sisisi if makuha mo since gamit na gamit mo yan sa pag papalevel, questing or farming.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
March 04, 2022, 12:59:10 PM
-snip
naisip ko na rin yan na material na lang kunin ko instead of pet kasi mas malaki na yung chance na mag dupli since apat na yung epic spirit. pero need ko talaga exp pet, doesn't matter which one(pero it would be best kung koiga or byoho ang makuha) and I am willing na I take yung risk. if mag dupli yung pet I'd probably get epic material sa susunod na maka ipon ulit ako ng statue para may progres na mangyari haha.

Kung sabagay worth it naman yung risk for dupli kasi kapag nakaipon ka ng apat na dupli epic pet pwede icombine at me chance na makalegendary pet.

awts. kung sakin nangyari baka nag quit na ko.

Ok din naman ang kinalabasan ng pagcombine ng apat na dupli  pet ko (2 biyoho, 1 sparkler at 1 flamehorn)ay si Brutal Lionheart Koiga.  Mas ok sana kung naglegendary (asa pa ako hehehe) pero masaya na rin ako dahil exp at lucky drop chance ang bigay ni Koiga.



Grabe naman na kamalasan yun, apat na dupli aray ko po! ung mga ka-clan ko nagka dupli nawalan din ng gana halos one week ata nagmina

sa sobrang pikon, pero siguro talagang hindi natin controlado yung sitwasyon, ung mga anak ng MIR4 kahit isang summon lang nakakapitas

ng epic hahaha, samantalang yung mas marami umaasa sa epic statue at kung mamalasin ka pa madudupli pa hahaha. Grin

Parang yung kaclan ko lang, mas masakit nangyari dun dahil pagkakuha nya ng pangatlong pet nya dupli nung isa sa current two pet nya.  Then gumastos siya ng almost 10k gold para iexchange hoping na maiba naman sa hawak nyang pet kaso ang result nang exhange epic pet nya eh dupli pa rin, kapareho naman ng isa pa nyang pet.
hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
March 04, 2022, 11:50:16 AM
2 na epic pet, 1 more sa Saturday. Fingers crossed na wag mag duplicate at sigurado iiyak ako.  Cheesy
same, saturday makakapag open din ako ng isa . panalangin ko din na wag mag dupli. tapos sana koiga or byoho yung makuha ko para mas bumilis pag clear ng mobs sa magic square or sa mga common map pag nag papa level.

Kung medyo kabado ka for dupli ng pets try mo na lang ipalit ng epic dragon coffer for materials.  At least kahit na magdupli magagamit mo pa rin lalo na kung epic dragon leather ang makuha mo ^^.  Sa sobrang palad ko dito sa MIR4 apat na sunod sunod na epic pet dupli kaya aun tagal na tengga ng development ng character.  Tapos samahan pa ng alat sa pagcombine.  Btw, server 94 here.



Grabe naman na kamalasan yun, apat na dupli aray ko po! ung mga ka-clan ko nagka dupli nawalan din ng gana halos one week ata nagmina

sa sobrang pikon, pero siguro talagang hindi natin controlado yung sitwasyon, ung mga anak ng MIR4 kahit isang summon lang nakakapitas

ng epic hahaha, samantalang yung mas marami umaasa sa epic statue at kung mamalasin ka pa madudupli pa hahaha. Grin
legendary
Activity: 2534
Merit: 1115
March 04, 2022, 10:17:08 AM
-snip
naisip ko na rin yan na material na lang kunin ko instead of pet kasi mas malaki na yung chance na mag dupli since apat na yung epic spirit. pero need ko talaga exp pet, doesn't matter which one(pero it would be best kung koiga or byoho ang makuha) and I am willing na I take yung risk. if mag dupli yung pet I'd probably get epic material sa susunod na maka ipon ulit ako ng statue para may progres na mangyari haha.

Sa sobrang palad ko dito sa MIR4 apat na sunod sunod na epic pet dupli kaya aun tagal na tengga ng development ng character.  Tapos samahan pa ng alat sa pagcombine.  Btw, server 94 here.
awts. kung sakin nangyari baka nag quit na ko.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
March 04, 2022, 07:56:17 AM
2 na epic pet, 1 more sa Saturday. Fingers crossed na wag mag duplicate at sigurado iiyak ako.  Cheesy
same, saturday makakapag open din ako ng isa . panalangin ko din na wag mag dupli. tapos sana koiga or byoho yung makuha ko para mas bumilis pag clear ng mobs sa magic square or sa mga common map pag nag papa level.

Kung medyo kabado ka for dupli ng pets try mo na lang ipalit ng epic dragon coffer for materials.  At least kahit na magdupli magagamit mo pa rin lalo na kung epic dragon leather ang makuha mo ^^.  Sa sobrang palad ko dito sa MIR4 apat na sunod sunod na epic pet dupli kaya aun tagal na tengga ng development ng character.  Tapos samahan pa ng alat sa pagcombine.  Btw, server 94 here.

legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
March 02, 2022, 04:15:04 PM
Problema yan ng maglead ng team para sa boss hunt dahil dapat maparamdam niya sa lahat ng sasali na worth it yung time nila.
maayos naman mag lead yung guild leader namin ang problema lang talaga maraming tamad samin(isa na ko dun). pag may war nga kami, instead na nag huhunt kami nung ka war, nag aantay na lang kami na sila lumapit samin then saka namin susubukan patayin, pero madalas na nangyayari eh nag ttp agad pag nalaman nilang hindi afk yung papatayin nila.


Yung mga usapan sa DC para mang haunt tapos kadalasan abangan sa mga secret passage, nakakatuwa yun mga afk killer na pinapakagat na afk yung high PS pinapabant muna tapos biglang papatulan at pipitikin talaga, kadalasan ganun nangyayari sa mga ka clan ko na makukulit eh, yung tipong lalabas ng hidden passage para mang haunt ng ka war tapos mababasa mo sa clan chat sila yung tumumba hahaha...
legendary
Activity: 2534
Merit: 1115
March 02, 2022, 11:03:16 AM
2 na epic pet, 1 more sa Saturday. Fingers crossed na wag mag duplicate at sigurado iiyak ako.  Cheesy
same, saturday makakapag open din ako ng isa . panalangin ko din na wag mag dupli. tapos sana koiga or byoho yung makuha ko para mas bumilis pag clear ng mobs sa magic square or sa mga common map pag nag papa level.


try mo rin mag spam ng mga boss raid or nomal raid, may bigay dun na rare blue dragon statue na pwede mo ipalit ng glittering powder.
-snip
try mo priority mga box sa sp. ang alam ko madalas mag drop ng life elixir yung mga nakakalat na box dun lalo na pag nag "lucky" after mo ma open. nag ddrop din ata ng glittering powder yung box at mga gems na kailangan para makapag trade dun sa npc na nasa sp. if wala ka ibang priority sa sp, try mo gawin yun.
legendary
Activity: 3346
Merit: 1134
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
March 02, 2022, 09:56:41 AM
Sinuwerte ulit sa combination. 2 na epic leather and 2 horns. Mats talaga problema.
sana all talaga. ilang months na ko nag aasam ng epic scale, leather at horn. ako kahit papano sinwerte kanina, nakapag ako combine ng epic pet. inabot nga lang ng 20 combines bago swertehin.
Kahit ako nagugulat sa swerte ko sa combination ng epic dragon eh.  Grin Congrats sa epic pet. Sinuwerte din ako sa combine niyan. 8 na rare pets lang ang kinain sa akin sinuwerte kahit papaano. 2 na epic pet, 1 more sa Saturday. Fingers crossed na wag mag duplicate at sigurado iiyak ako.  Cheesy
try mo rin mag spam ng mga boss raid or nomal raid, may bigay dun na rare blue dragon statue na pwede mo ipalit ng glittering powder.
Reserved ko sana yang rare blue dragon for life elixir pero mukhang magagamit ko na din.
Binabaan na nila ang drops ng shards sa Magic Square at kapag nagpunta ka Treasure Chamber mapapansin mo. Yung dating always may Boundless shard per chest hindi na ganon, chances na. May time pa na walang laman yung box or glittering lang or life elixir. Walang any shard. Kaya wala na tumatambay ngayon sa treasure chamber, more on killing the mobs na lang.
~
May naka-relate.  Grin Progress talaga habol ko kaya kapag may makulit, bahala ka diyan. Gamitin lahat ng paraan para sa progress.
legendary
Activity: 2534
Merit: 1115
March 01, 2022, 08:40:28 AM
Problema yan ng maglead ng team para sa boss hunt dahil dapat maparamdam niya sa lahat ng sasali na worth it yung time nila.
maayos naman mag lead yung guild leader namin ang problema lang talaga maraming tamad samin(isa na ko dun). pag may war nga kami, instead na nag huhunt kami nung ka war, nag aantay na lang kami na sila lumapit samin then saka namin susubukan patayin, pero madalas na nangyayari eh nag ttp agad pag nalaman nilang hindi afk yung papatayin nila.

Sinuwerte ulit sa combination. 2 na epic leather and 2 horns. Mats talaga problema.
sana all talaga. ilang months na ko nag aasam ng epic scale, leather at horn. ako kahit papano sinwerte kanina, nakapag ako combine ng epic pet. inabot nga lang ng 20 combines bago swertehin.

Iniisip ko sa MS 5f lang dapat ako tumambay para sa epic loots pang exchange ng glittering. Kaso parang hindi ko ramdam yung loot set ko 100 percent drop rate without elixir + 45 percent lucky. Parang mababa pa din.
try mo rin mag spam ng mga boss raid or nomal raid, may bigay dun na rare blue dragon statue na pwede mo ipalit ng glittering powder.
hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
March 01, 2022, 07:35:30 AM
Marami kasi talaga kating kati mag-pk. Lalo na kapag na taas ka na siguro, magiiba na pananaw mo tapos mas mahaba na yung oras na bored na bored ka na dahil wala na masyado gagawin at paulit ulit na lang. Ako hangga't maari iniintindi ko yung mga ganyan.
Ang rule ko sa sarili ko, mauna ka tsaka ako papalag. Kaso madalas din patay ako dahil naunahan nga or pulado bago makapatay. Nagbubuo na rin kami ng malaking alliance sa mga neutral players para mabawasan na ang PK na unnecessary. Kahit papaano peaceful na, free mine sa Valley pero kapag sa MS diyan nagkakagirian, agawan ng spot.

Natuwa ako sa sinabi mo, totoong totoo yan sa mga naglalaro relate na relate tayo dyan sa mga klase ng tao, siguro mga high school or

college student yung mga tipong palong palo, pero syempre kung progress habol mo iintindi at iiwas na lang if kaya pa nman pag naipit na dun na lang

pumalag or pag mainit ulo mo hahaha patay kung patay. Maganda yung may malaking alliance at nagkakasundo para puro progress target sa pwestuhan

kasi normal lang yun magkapatayan lalo na pag nagkaagawan dapat sport lang at wala na lang damayan kung sino pumatay dun na lang bumawi..
legendary
Activity: 3346
Merit: 1134
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
March 01, 2022, 02:43:00 AM
Marami kasi talaga kating kati mag-pk. Lalo na kapag na taas ka na siguro, magiiba na pananaw mo tapos mas mahaba na yung oras na bored na bored ka na dahil wala na masyado gagawin at paulit ulit na lang. Ako hangga't maari iniintindi ko yung mga ganyan.
Ang rule ko sa sarili ko, mauna ka tsaka ako papalag. Kaso madalas din patay ako dahil naunahan nga or pulado bago makapatay. Nagbubuo na rin kami ng malaking alliance sa mga neutral players para mabawasan na ang PK na unnecessary. Kahit papaano peaceful na, free mine sa Valley pero kapag sa MS diyan nagkakagirian, agawan ng spot.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
February 28, 2022, 05:30:57 PM
Di din kasi maiiwasan na ganun talaga mangyari lalo na kapag malakas na yung kalaban at ang tanging paraan nalang ng iba ay umanib sa malakas na clan para makapag farm din sila ng maayos dahil at makapag mina sa valley na hawak ng ka ally nila pero limited lang din mamimina nila dahil mostly yung blue ds lang binibigay ng valley holder.

Kaya di natin masisisi din ibang pinoy na umanib sa ibang lahi dahil in the laro parin to at need mag progress ng character nila para lumakas.
Sa akin wala problema to. Kampi muna sa malakas hangga't maari para tuloy ang progress. Tapos kapag time na para bumaligtad pwede naman. Lalo na kung mga Chinese ang naghahari, kung medyo maayos ang pagpapatupad nila sa rules at maluwag, kampihan muna at kung sakaling mabuo na yung alliance ng mga Pinoy mang hudas na.  Grin Naging pay to win na rin kasi ang dating, kapag marami ka pera talagang makakalamag ka ng malayo tapos ang maganda mababawi mo rin.

Minsan mas maayos din mamalakad ng clan yung ibang chinese dahil fair sila pagdating sa hatian kasi may ibang pinoy clan na sugapa sa resources at maliit magbigay ng sahod kaya minsan may ganitong scenario talaga na kung daan kakapit ang iba sa malalakaw na chinese clan para mas mapadali ang pag progress ng account nila. Sa experience ko lang naging pangit yung kinalabasan nung dati naming ally
pinoy din dahil matapos ma break yung allience ay nang bully na yung mas malakas at araw araw talaga kami hinahunting ng iba nilang clan members dati.

Ansagwa nung ganun, parang walang pinagsamahan kahit alam naman na break alliance pero meron sanang kahit konting pakisama, pero wala talaga

tayong magagawa may mga bully talaga at maraming malakas mang rip, pagdating sa usapang resources ganun din nangyari sa dating holder pero

chinese naman yung king na napalayas ng kapwa chinese gulo na bigla ng server kasi walang neutral parehong side patay ka kasi mapagkakamalang

kang ka alliance ng kalaban nilang clan..

Ganun talaga personalan yung iba at tsaka yung ibang members din makikisalinsa sigalot kaya sisiklab talaga ang gulo kaya ang matatangingagagawa nalang talaga lalo na pag low PS kapa ay mag tago sa lugar na kung saan hindi madalas puntahan ng tao o tago na masyado para makapag pa level up dahil pag nakita ka nila ay tiyak bubulagta ka talaga lalo na, mahirap din mag afk leveling or grinding mats sa ganitong sitwasyon dahil may threat fr time to time.
hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
February 28, 2022, 11:22:32 AM
Di din kasi maiiwasan na ganun talaga mangyari lalo na kapag malakas na yung kalaban at ang tanging paraan nalang ng iba ay umanib sa malakas na clan para makapag farm din sila ng maayos dahil at makapag mina sa valley na hawak ng ka ally nila pero limited lang din mamimina nila dahil mostly yung blue ds lang binibigay ng valley holder.

Kaya di natin masisisi din ibang pinoy na umanib sa ibang lahi dahil in the laro parin to at need mag progress ng character nila para lumakas.
Sa akin wala problema to. Kampi muna sa malakas hangga't maari para tuloy ang progress. Tapos kapag time na para bumaligtad pwede naman. Lalo na kung mga Chinese ang naghahari, kung medyo maayos ang pagpapatupad nila sa rules at maluwag, kampihan muna at kung sakaling mabuo na yung alliance ng mga Pinoy mang hudas na.  Grin Naging pay to win na rin kasi ang dating, kapag marami ka pera talagang makakalamag ka ng malayo tapos ang maganda mababawi mo rin.

Minsan mas maayos din mamalakad ng clan yung ibang chinese dahil fair sila pagdating sa hatian kasi may ibang pinoy clan na sugapa sa resources at maliit magbigay ng sahod kaya minsan may ganitong scenario talaga na kung daan kakapit ang iba sa malalakaw na chinese clan para mas mapadali ang pag progress ng account nila. Sa experience ko lang naging pangit yung kinalabasan nung dati naming ally
pinoy din dahil matapos ma break yung allience ay nang bully na yung mas malakas at araw araw talaga kami hinahunting ng iba nilang clan members dati.

Ansagwa nung ganun, parang walang pinagsamahan kahit alam naman na break alliance pero meron sanang kahit konting pakisama, pero wala talaga

tayong magagawa may mga bully talaga at maraming malakas mang rip, pagdating sa usapang resources ganun din nangyari sa dating holder pero

chinese naman yung king na napalayas ng kapwa chinese gulo na bigla ng server kasi walang neutral parehong side patay ka kasi mapagkakamalang

kang ka alliance ng kalaban nilang clan..
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
February 28, 2022, 07:26:53 AM
Di din kasi maiiwasan na ganun talaga mangyari lalo na kapag malakas na yung kalaban at ang tanging paraan nalang ng iba ay umanib sa malakas na clan para makapag farm din sila ng maayos dahil at makapag mina sa valley na hawak ng ka ally nila pero limited lang din mamimina nila dahil mostly yung blue ds lang binibigay ng valley holder.

Kaya di natin masisisi din ibang pinoy na umanib sa ibang lahi dahil in the laro parin to at need mag progress ng character nila para lumakas.
Sa akin wala problema to. Kampi muna sa malakas hangga't maari para tuloy ang progress. Tapos kapag time na para bumaligtad pwede naman. Lalo na kung mga Chinese ang naghahari, kung medyo maayos ang pagpapatupad nila sa rules at maluwag, kampihan muna at kung sakaling mabuo na yung alliance ng mga Pinoy mang hudas na.  Grin Naging pay to win na rin kasi ang dating, kapag marami ka pera talagang makakalamag ka ng malayo tapos ang maganda mababawi mo rin.

Minsan mas maayos din mamalakad ng clan yung ibang chinese dahil fair sila pagdating sa hatian kasi may ibang pinoy clan na sugapa sa resources at maliit magbigay ng sahod kaya minsan may ganitong scenario talaga na kung daan kakapit ang iba sa malalakaw na chinese clan para mas mapadali ang pag progress ng account nila. Sa experience ko lang naging pangit yung kinalabasan nung dati naming ally
pinoy din dahil matapos ma break yung allience ay nang bully na yung mas malakas at araw araw talaga kami hinahunting ng iba nilang clan members dati.
legendary
Activity: 3346
Merit: 1134
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
February 28, 2022, 01:34:48 AM
Di din kasi maiiwasan na ganun talaga mangyari lalo na kapag malakas na yung kalaban at ang tanging paraan nalang ng iba ay umanib sa malakas na clan para makapag farm din sila ng maayos dahil at makapag mina sa valley na hawak ng ka ally nila pero limited lang din mamimina nila dahil mostly yung blue ds lang binibigay ng valley holder.

Kaya di natin masisisi din ibang pinoy na umanib sa ibang lahi dahil in the laro parin to at need mag progress ng character nila para lumakas.
Sa akin wala problema to. Kampi muna sa malakas hangga't maari para tuloy ang progress. Tapos kapag time na para bumaligtad pwede naman. Lalo na kung mga Chinese ang naghahari, kung medyo maayos ang pagpapatupad nila sa rules at maluwag, kampihan muna at kung sakaling mabuo na yung alliance ng mga Pinoy mang hudas na.  Grin Naging pay to win na rin kasi ang dating, kapag marami ka pera talagang makakalamag ka ng malayo tapos ang maganda mababawi mo rin.
yep, yan yun napag usapan ng members alliance sa discord after matapos yung distribution nung mga chest. natatawa lang ako kasi sobrang hindi worth yung 2hrs na ginugol para sa box. may pakiramdam nga ako na may mga memebrs samin na ayaw na ulit mag krukan eh. hahaha.
Problema yan ng maglead ng team para sa boss hunt dahil dapat maparamdam niya sa lahat ng sasali na worth it yung time nila.
Sinuwerte ulit sa combination. 2 na epic leather and 2 horns. Mats talaga problema.
Iniisip ko sa MS 5f lang dapat ako tumambay para sa epic loots pang exchange ng glittering. Kaso parang hindi ko ramdam yung loot set ko 100 percent drop rate without elixir + 45 percent lucky. Parang mababa pa din.

legendary
Activity: 2534
Merit: 1115
February 27, 2022, 08:02:03 PM
Mukhang kailangan diyan may usapan ng rotation ng boxes kung sino kukuha ng gold or reds. Mahirap kung laging yung nasa high PS lang makakuha dahil katulad nga niyan, magkakatamaran na sumali yung iba dahil hindi na worth it.
yep, yan yun napag usapan ng members alliance sa discord after matapos yung distribution nung mga chest. natatawa lang ako kasi sobrang hindi worth yung 2hrs na ginugol para sa box. may pakiramdam nga ako na may mga memebrs samin na ayaw na ulit mag krukan eh. hahaha.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
February 27, 2022, 06:03:17 PM
Di kami makamina sa RedMoon, I mean ung mga clanmates ko kasi mainit ang clan sa Valley Holder. Pero di ba mas maganda ang maraming nagmimina sa Valley? Lalo sa Redmoon na unti ang bot dapat allow lagi ang mining kasi para sa holder din naman ang advantage.
although mas maganda nga na hayaan pag minahim yung mga nag mimina para mas mataas ang daily yield ng valley. pero mostly kasi ng mga valley holder would rather impede yung progress ng mga kaaway/kaalitan nilang guild kaya pinapatay nila sa pk maps or sa valley na hold nila. you should ask your elders na makipag usap dun sa mga valley holder regarding sa issue na yan. sobrang babagal ang progress nyo nyan if hindi kayo makapag mina darksteel sa mga valley.

Yun din ang nakikita kong rason kung bakit ayaw magpamina ng valley holder, fear na baka makapag progress yung kalaban at sila ang mabalikan,

siguro kung hindi naman kayo kaagaw sa valley pwede makipag usap yung elder nyo pero kung kaagaw kayo, malamang mahihirapan kayo talaga na

makumbinse na pabyaan kayo kahit pa para sa kanila din naman yung ginagawa nyo. Hirap ng ganyang sitwasyin toxic yung malalakas at ayaw

pasapaw sa valley.

Minsan di din nadadaan sa usapan ang ganyang bagay dahil sadyang me mga kupal talagang valley holder na ayaw mag share ng kanilanh valley sa iba at tanging mga minero lang nila ang allowed at allied clans dahil for sure takot sila malamangan ng iba dahil lahat ng nagpapalakas  dyan e threat talaga sa kanila kaya pinipigilan nila ito makapasok sa valley nila para bumagal ang progress ang worse pa dyan wina war pa nila or matic KOS lalo na pag nakita talaga nila na possible threat sa kanilang pag domina ang player o clan.

Tama to ito ang nangyayari sa amin ngayon. Di na dahil iyon sa pagpapabagal ng progress namin kundi kupal lang talaga literal. Over 2 months na server namin pero di pa rin napapalitan ang valley holder mula sa simula. Ganyan kalakas ang clan na yan at kahit magsama sama Pinoy wala rin.

Dahil nga suko na ibang Pinoy ang ginagawa nila, hihimod na lang sila sa mga Chinese clan para di ma pk. Ang ending, imbes madagdagan pa firepower ng Pinoy, lalo lang babagsak pa kasi kumampi na sa dayuhan.

Online game kaya ganun. Character progress first before anything else haha.

Di din kasi maiiwasan na ganun talaga mangyari lalo na kapag malakas na yung kalaban at ang tanging paraan nalang ng iba ay umanib sa malakas na clan para makapag farm din sila ng maayos dahil at makapag mina sa valley na hawak ng ka ally nila pero limited lang din mamimina nila dahil mostly yung blue ds lang binibigay ng valley holder.

Kaya di natin masisisi din ibang pinoy na umanib sa ibang lahi dahil in the laro parin to at need mag progress ng character nila para lumakas.
legendary
Activity: 3346
Merit: 1134
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
February 27, 2022, 02:54:04 AM
grabe yung krukan na boss(yung boss na makikita sa shackling abbadon). hindi worth na tapusin except sa mga kukuha nung red and yellow box na drop nung boss which is very few. if iniisip nyo kung bakit hindi worth it. aabutin lang naman ng almost 2hrs bago mapatay since sobrang liit lang nung damage ma ddealt nyo kahit mataas na level at ps nyo. althoug madaming box yung dinadrop ng boss(mga 100 pcs ata), sa dami nyong pumatay(3 full guilds kaming nag tulong tulong) panigurado na tig iisang box lang ang makukuha at meron pang hindi makakakuha kasi nga mga nasa 100 lang na box yung drop. balak ulit namin patayin yung krukan next week kaso parang nag dadalwang isip ako sumali haha.
Mukhang kailangan diyan may usapan ng rotation ng boxes kung sino kukuha ng gold or reds. Mahirap kung laging yung nasa high PS lang makakuha dahil katulad nga niyan, magkakatamaran na sumali yung iba dahil hindi na worth it.

Yun ang maganda kasi bago pa at meron pang tantsayaan na nangyayari pero once na may mga nagkupal or nagkaroon ng language problem malamang magkakagulo din, okay din yung ganyang setup na sila ang prio sa red at yds alis ka na lang pag lumapit na sila para peaceful lang ang progress, mas gugustuhin ko na yung ganyan kesa palagi kang asar kasi nga kababayan mo na yung mga nambubully ng kababayan nila.
Ang balita ko aalis din yung mga Chinese. Ewan ko lang paano magiging usapan sa maghohold ng Castle at Valley. Kapag humina sila may pagkakataon ang mga Pinoy to fight back lalo na yung mga nagpaiwan na neutral players. Hangga't maari ma-maximize lang muna yung freedom at mapabilis ang paglakas.
Wala nga kasi balak magdagdag ng ally dahil walang resistance. Hinihintay ko lang magsanib pwersa ulit mga Pinoy dahil 2 clans lang yung mga CH.
Mas malakas pa rin ang marami kaysa sa kaunti na sa PS lang lamang.
Pages:
Jump to: