Bilang tao kailangan natin maka survive sa pandemic na ito kailangan mo maging madiskarte kundi wala kang kakainin at walang makakain ang mga taong umaasa sa inyo.
Pagdating sa mga Pinoy, very limited ung galawan pagdating sa salitang
Diskarte, isa na dyan yung pangungutang in which nakakabaon (actually ako din ganyan pero sinisigurado ko naman na makakabayad ako 😁) ang hirap lang naman dyan eh kung mangungutang tapos wala ka din naman palang pagkukunan.
Hindi bat kilala ang mga pinoy sa pagiging wais? street wise kumbaga madiskarte, marami nga ko nakikita ngayon na binebenta online, nung nakaraan nafeature naman sa jessica soho yung online barter, which we may consider as diskarte sa buhay ngayong panahon ng pandemya. Sa pangungutang naman, kung sa iba first option nila ito kung sakaling mawalan, sa akin naman last resort ko ito kung sakaling kailangan. Speaking of pangungutang, magkano na ba utang ng pilipinas? ibig sabihin ba nito di tayo madiskarte?
Madiskarte nga tayo, ang problema nga lang limited lang, kumbaga kung ano lang ang maisip ay syang syang gagawin, without thinking for any other options. Atska yung sa
KMJS naman di naman ako masyadong kumbinsido dun lalo na sa panahon ngayon (as usual pag sa TV, scripted ang karamihan)
At yung pangungutang, nako paps hindi talaga natin maitatangi na karamihan sa atin ay ganun;
diskarte=utangSpeaking of pangungutang, magkano na ba utang ng pilipinas? ibig sabihin ba nito di tayo madiskarte?
Dyan tayo magaling, ang mangutang, at halos karamihan pagdating sa pagbabayad, kamot ulo ang ilan.at kung hindi naman sila ay si "
bukas na lang or wala dito umalis" kaya di malabo na babagsak ang ekonomiya natin ilang taon sa hinaharap.
Isa pa dyan ung mga bentang bentang Online selling ngayon na madaming pumapatos ngayon lalo na yung mga scammers online. Naalala ko tuloy yung pinanood ko kanina lang (wala na daw mapagkukunan ng pangkain dahil naimpound yung tricycle)
https://youtu.be/S43rRTrsElA Sa online selling nakakasira ng image ang mga scammer pinakaapektado dito yung mga nag sisimula at maliliit pa lang na mga businessman, maliit lang yung bilang ng supporter at saka kakaunti ang likes sa mga online page, kumbaga nafaflag agad sila na scam dahil nga sa mga kaganapan ng iba.
Mahirap kasi magtiwala sa panahon ngayon, maraming gahaman. Lalo na yung mga halang ang bituka, sa gantong panahon ang pinakapaborito nila mambiktima ng kapwa pinoy para lang lumamang o masustentuhan ang nais/luho nila.