I get the sentiment pero hindi ko malaman kung saan nanggagaling yung pagkabahala ng marami, lalo na yung mga kasisimula pa lamang sa online selling.
Malamang sa malamang nito, ang mga eligible for taxation lamang ay yung mga stores na malalaki na at established, and those who are raking a certain figure that will fit the criteria of the government dun sa mga stores na dapat magbayad ng tax. Hindi ako sang-ayon fully na i-tax itong small ventures pero kung iisipin, malaki ang nawawala sa gobyerno due to online shops dahil most of them aren't registered sa DTI, and most of them do not face liabilities kung sakali man may malabag sila sa consumer protection acts/regulations.
Even lately, maraming physical stores ang hindi registered sa ating gobyerno kaya ganon na lamang sila nakakapag evade ng taxes, mas pinipili nilang magbayad sa mga may ari ng lugar kesa sa gobyerno dahil mas mura. Ako kung saan mas makakabuti para sa lahat doon ako, di ko naman sinasabing tama o mali na patawan ng tax ang small businesses pero kung kinakailangan sige gawin pero dapat fair and proportion sa kinikita nila. Maliit lang kung tutuusin na pitas pero kung madami naman sila makakatulong din ng sobra.
I have a friend na kumikita ng almost 200k a day sa pagbebenta ng iPhones, iPads at airpods. Malaki at established na siya sa online selling pero hindi siya registered sa DTI. Yung 200k na kinikita niya per day dito sa pagtitinda ay average na, at ang 'slump' days sa kanya ay pumapalo pa rin ng 50k a day. Malaki-laki yun kung susumahin mo at pasok na sa taxation kung iisipin, pero hindi. 'Di sa pangdadown pero karamihan sa mga units na binibenta nila ay refurbished from Japan, at yung mga airpods ay OEM na may chance masira any time. They offer a generous after-sales support though, na kinahangaan ko rin, pero what if the warranty period ends? Nada.
Eto siguro yung mga nakikita ko online na nakabalot ng bubble wrap ang mga iphone, then nakahiwalay yung box, replaced na yung charger at iba na rin ang accessories. Malaki talaga ang kita dito lalo na kung iphone, brand ang binibili kase ng karamihan sa atin e, lalo na kung medyo mura? papatok talaga dito sa pinas yan.
It's a double-edged sword na kailangang rebyuhin ng maige ng nasa DTI, congress at ng mga economists, hindi yung sige lang sa bira. I understand the sentiment of both sides but I can't seem to find the reason para mag-overreact yung mga small-time shops na maaaring hindi pumasok sa criteria for taxation ni BIR.
True, maaari namang umalma kung hindi makatarungan ang ipapataw sa kanila, maraming paraan para lumaban para sa tama.