Sayang naman. I-open sana nila ulit kahit 3 pets to stake lang para ilagay ko yung mga natirang common ko pa at mapalakas yung mga na-stuck doon. Kahit for the foods lang kung talagang titipirin nila yung DPET rewards for other purposes/features.
Although complete accessories ang karamihan sa mga nakuha ko kaya masasabi kong panalo pa rin. Sa next boss fight, auto ignore na naman sa akin ang light and dark property hehe. Pero next week baka maghatch ulit ako.
Nakakaumay pag lagi di nalabas iyong gusto mo at limitado lang ang budget ko.
Sa breeding, tatlo sa limang breed ay ibang species yung offspring na lumalabas. Nabanggit naman noon pa na may chance mangyari yun pero hindi ko inasahan na mapaparami sa akin. Buti sana kung namana yung aura nung magulang pero wala din. Pampalubag loob na lang rare WP at Epic na Panda.
Sa hatching naman, magkasunod na AoShun (dark element) lumabas pero 3 accessories lang kaya ginawa ko na lang spirits dahil sa inis ko Buti sa huli ay Fang na Epic.