Pagcheck ko kasi sa Shop 93,567 pa rin ang remaining v2 eggs. Ang tagal na nung na-introduce ang V2 Pets pero mukhang mahina ang benta ah haha.
Sisiw lang dapat maubos supply nyan kaya lang wrong move kasi sila kaya siguro iyong no choice na lang iyong mga bumili kundi magpatuloy at iyong iba naman totally tinamad na. 10 DPET ba naman ang price eh iyon din naman ang gagawin ng usual pets dahil ang mga v1 is di na applicable sa breeding. Non sense ang taas presyo haha.
Ang daming high-class pet di nahabol sa level 20 para sana applicable mag-transform sa v2 at puwede pa rin ibreed. Syempre mga mataas na rarity ang the best ibreed. Nakakapanghinayang kaya na ang dami mong de-aura na pet tapos di puwede sa breeding haha.
Iyong buong game non-sense na haha. Roadmap pa more na pabago-bago.
Di na kasali sa task ko ngayun ang DPET dati naka open sya 10 hours daily at may alarm ako para maka ipon at maka participate sa Boss fight ngayun once or twice a day ko na lang binubuksan parang silip lang halos isang taon ko ring ginagawa yun halos naging habit na nga pero ngayun na oovercome ko na ang habit na ito, masyado na kasing talo ito ang talo ko na parang hirap tanggapin kasi nakabili ako nung kataasan pa nito biro mo 150 pesos ko nabili yung 15 ko dahil sa FOMO, kalakasan pa kasi noon ng hype ng AXIE at nangarap din ako na baka itong DPET ang version ko ng AXIE, kaso hindi, ang saklap.