Isa na lang ang NFT game na natya-tyaga ko pa. Bumalik na lang ako sa android games na normal at online lang walang kaperahan na ilalabas dahil talagang naumay na ako kaka-invest tapos walang long-term profits.
Lahat ng na-bump ko na NFT ay puro short-term, hindi nga nagrug-pull pero hindi naman nila kinaya or nasunod ang mga whitepapers and roadmaps nila.
Ano ba balita sa laro na eto?
Ako pa na OP talaga ang sumuko no? Hindi ko na rin nabubuksan dahil kapag tiningnan mo lang value per DPET mauumay ka na. Kahit sa Discord hindi na ako nakakasilip.
May mga nagboboss event pa ba sa inyo?
Totoo yan, ang laro kapag enjoyable kahit walang kita lalaruin ng mga players. though I am one sa mga naunang naglaro ng mir4 dito sa lokal but I stopped hindi dahil nanawa ako, naging intermittent kasi ang connection ko for several months kaya hindi ko maiafk grind, kaya ayun napag-iwanan until nagdecide n lang akong magquit kesa sa frustration sa connection.
Isang example din ang mobile legend, isipin nyo wala talagang kita dyan pero milyo milyong pinoy ang naglalaro. Karamihan kasi sa mga nft games ay half-baked at minadale. Iilan ilan lang talaga ang may decent gameplay na magugustuhan ng mga tao.
Much better talaga kung sakaling sisikat ulit ang mga NFT games ay yung sure talagang makakapaglaro ng maayos yung mga player without basing sa potential na kikitain but rather sa mismong gameplay.