Ang problema lang din sa mga kababayan natin pakitaan lang ng pera at luxury item ay madali na silang maloko kaya sana maging realistic sila at isipin lagi na hindi ganyan kadaling kitaan ang pera at lahat ng nagsasabi na super dali lang nun at mag invest kalang samin ay dapat ituring na nilang scam agad yun.
Eto ang sad reality na hanggang ngayon, sa ganyang mga pakitaan ng mga magagarang kotse at limpak, limpak na pera ay nahahype na agad.
Hanggang ganyan lang naman ang kayang gawin ng mga yan, then at the end of the day inuto ka lang na maglabas ng pera. Kumbaga, pinatakam lang ang sikmura mo.
Yung bang tipong sinabihan ka lang na tutulungan ka namin or payayamanin ka namin ay akala mo naman ay totoo na talaga pero prank lang pala. Basta kapag yung mismong investors napasukan din ng greed ay asahan mo madaling mahuhulog sa mga patibong yan ng mga scammers na tao.
Sa mundo ng investing madali malalaman kung may hidden agenda o potential na scam, pag nagsabi na hindi ito scam malamang scam ito, pag nagsabing ito ang kikitain mo, ang totoo ito ang kikitain nila, pag nagsabi sayang ang opportunidad ang opportunidad nilang kumita ang masasayang.
Self interest ito at dinadaya ka lang nila sa pamamagitan ng pagpapalabas na ikaw ang higit na makikinabang, kaya nga todo suporta sila sa yo habang indi ka pa nag iinvest pero pag nag invest ka na doon na matatapos ang lahat, malalaman mo na pakitang tao lang pala ang lahat.