Pages:
Author

Topic: Nag Rug Pull Na Nang Inis Pa, Dev Abandon NFT games - page 3. (Read 411 times)

sr. member
Activity: 1316
Merit: 356
Sa tingin nyo dahil ba dito magiging mapag matyag na ang mga Pinoy gamer kasi ang daming mga Pinoy ang na involved sa Play to earn ng dahil sa Axie at Dpet meron pa kayang mga susunodn arug pull.
Ang rug pull sa crypto ay hindi na bago kasi maraming mga project na ang gumagawa nito. Pero ngayon ko lang nalaman na may mga tao palang ganito, na kahit ninakaw na nila ang pera ng mga tao ay may lakas loob pa na magpost at insultuhin sila. Nakaka amaze lang isipin na madami palang mga user ng P2E sa ating bansa. Kaya sa mga gumagamit ng P2E, kinakailangan talagang magresearch ng mabuti lalong-lalo na yung walang masyadong alam sa crypto o mga baguhan.
hero member
Activity: 1498
Merit: 547
Be nice!
Anong NFT Game ito? Outdated nako sa mga ganitong project since mostly scam or slow rug pull na dahil wala ng bagong pumapasok na bagong player same din sa Axie at DPET na stagnant na dahil wala ng bagong naglalaro para bumili ng tokens.


Marami pa rin tayong mga kababayan na umaasa na mayroon pang darating na Play To Earn na kagaya ng Axie kaya patuloy pa rin ang paghahanap ng ating mga kababayan sa ganitong platform, lalo na yung mga nakaranas na kumita ng napakalaki sa AXIE maghahanap at maghahanap yang mga yan kasi pag naranasan mo na kung paano kumita ng malaki sa ganitong concept di ka talaga titigil kasi ang dami pa ring dumarating pero sa sobrang dami parang sugal na.

Palagay ko hindi pa ito ang huli marami pang mga rug pull na mangyayari kaya sana ay dapat maging matalino na ang ating mga kababayan kasi meron na sila mga example ng rug pull na Play to earn.
Pinaka common na linyahan na naririnig ko sa mga kababayan natin na patuloy pa rin naghahanap ng mga play to earn na laro ay lagi nilang sinasabi na "wala namang mawawala kung susubukan" pero later on kapag nakakita sila ng kaunting kita possible na imbes na maglabas sila ng sarili nilang pera hangang sa dahan dahan magrurug pull na yung laro. Parang ponzi na lang din yung mga NFT games ngayon na nagsisilabasan na sa simula ka lang kikita tapos kung kelan naglabas ka ng pera dun bigla mawawalan ng value.

Para sakin talaga much better na lang na maghanap ng NFT games na sure mong lalaruin regardless na yung kita tulad ng MIR4 at kahit Axie as long as nage-enjoy ka. Kasi nawala na yung hype sa NFT games kaya humina na rin yung market nila.
legendary
Activity: 3416
Merit: 1225
Enjoy 500% bonus + 70 FS
Anong NFT Game ito? Outdated nako sa mga ganitong project since mostly scam or slow rug pull na dahil wala ng bagong pumapasok na bagong player same din sa Axie at DPET na stagnant na dahil wala ng bagong naglalaro para bumili ng tokens.


Marami pa rin tayong mga kababayan na umaasa na mayroon pang darating na Play To Earn na kagaya ng Axie kaya patuloy pa rin ang paghahanap ng ating mga kababayan sa ganitong platform, lalo na yung mga nakaranas na kumita ng napakalaki sa AXIE maghahanap at maghahanap yang mga yan kasi pag naranasan mo na kung paano kumita ng malaki sa ganitong concept di ka talaga titigil kasi ang dami pa ring dumarating pero sa sobrang dami parang sugal na.

Palagay ko hindi pa ito ang huli marami pang mga rug pull na mangyayari kaya sana ay dapat maging matalino na ang ating mga kababayan kasi meron na sila mga example ng rug pull na Play to earn.
sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Hindi ko alam kung anong games itong sinasabi mo, hindi ako updated sa ngayon sa mga NFT games ngayon dito sa bansa natin. Dahil ang huling investment ko ay yung sa Mir4, nung kasagsagan nito kasi ay talaga naman na kikita ka, nabawi ko naman yung roi ko dito sa P2E ng MIR4.

Pero ngayon hindi na siya katulad ng una, kung dati mabilis kang kumita through darksteel, ngayon, mas kumikita na sila sa gold hindi na sa Darksteel, though minsan nalang din ako maglaro ng games na ito, tapos naalala ko yung sa Dpet, nasayang lang ininvest ko dyan, ni hindi ko nagamit na laruin eh. Pero sa ngayon, nawala na talaga yung init na momentum ng NFT, pero sa tingin ko mag-iingay ulit yan isang araw.
sr. member
Activity: 896
Merit: 303
Anong NFT Game ito? Outdated nako sa mga ganitong project since mostly scam or slow rug pull na dahil wala ng bagong pumapasok na bagong player same din sa Axie at DPET na stagnant na dahil wala ng bagong naglalaro para bumili ng tokens.

Actually para sakin hindi siya NFT Game, isa lang siyang ponzi scheme style na kinoconnect sa NFT para makahakot siguro ng mga taong mahikayat na mag invest at magaya sa Axie before. Ang name ng laro is Legend of Constellations Awakening. As in hindi siya laro, parang iclaclaim mo nga lang yung token sa laro tapos convert sa pera.
now pano hahabulin ng mga biktima pera nila dyan? at obvious na hindi English speaking ang owner dahil sa pag gamit nya ng mga sentence , or talaga bang yan nga ang owner/developer? hindi ba parang napaka tragic naman na victim kana eh iinisin kapa?

Sigurado wala nanaman mangyayari dito at hinding hindi magtatanda ang mga pinoy hanggat walang napapanagot. Baka iniiba lang nila para magulo ang imbestigasyon, dapat din sana magawan ng batas mga referrer sa mga ganitong investment scam para mas maging maingat na sa susunod itong mga taong ito at mas maging responsable sila sa pag iinvite ng kung sino sino. Parang ganito lang din scenarios sa mga influencer na nagpapainvest, naloko din kami si ganito ang may hawak ng pera. Sana may mapanagot kasi kung wala, uulit at uulit lang ang cycle nato. Alam ko may mga physical offices sila eh baka connected yung mga tao dun sa team nitong larong ito.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
Buti nalang talaga hindi ako nakinig sa tropa ko nung College , kinulit nya ako recently na laruin to dahil kumikita naman na talaga sya , pero ramdam ko na katulad din ng amraming NFT games na scam din sa dulo .

Sabagay safe na sya kasi kumita naman na sya and matalino din ang hindi nya pag invest ng sobrang laki .

now pano hahabulin ng mga biktima pera nila dyan? at obvious na hindi English speaking ang owner dahil sa pag gamit nya ng mga sentence , or talaga bang yan nga ang owner/developer? hindi ba parang napaka tragic naman na victim kana eh iinisin kapa?
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Anong NFT Game ito? Outdated nako sa mga ganitong project since mostly scam or slow rug pull na dahil wala ng bagong pumapasok na bagong player same din sa Axie at DPET na stagnant na dahil wala ng bagong naglalaro para bumili ng tokens.

Sa tingin nyo dahil ba dito magiging mapag matyag na ang mga Pinoy gamer kasi ang daming mga Pinoy ang na involved sa Play to earn ng dahil sa Axie at Dpet meron pa kayang mga susunodn arug pull.            

Sobrang dali kasi utuin ng mga pinoy kaya favorite tayong target ng mga foreign scammer. Basta may hype at kumita lang ay todo recruit na ang karamihan sa kakilala nila para maginvest kahit walang assurance na legit yung project. Karaniwang motto ng mga pinoy ay basta paying legit.  Cheesy

For me, Kahit anong NFT games ngayon old or new ay hindi trusted since wala ng market masyado yung mga ganitong project. Nagiging profitable lang kasi yung mga ganitong NFT games kung consistent na may bumibili ng token since sa liquidity pool dn naman kumukuha ng pangbayad sa mga players. Bali nagiging literal na laro nalang talaga yung mga NFT games sa sobrang baba ng potential earnings sa paglalaro.
sr. member
Activity: 896
Merit: 303
Muntikan nadin akong mapasali sa ganitong investment pero alam ko naman talagang magru rugpull ito. Karamihan sa mga pang imbita talaga rito is yung daily payout nila na mas mapapababa yung risk ng pinasok mo since daily ka ngang makakapag labas ng pinuhunan mo bukod sa thursday to sunday dun ata nahihinto ang payout tapos tuloy sa monday ulit kasama yung mga ilang araw na hindi napayout malalabas dito. Karamihan sa mga pinoy alam naman ang risk pero kinakagat ang mga ganitong oppurtunity dahil sa laki ng kitang naipangako. Isipin mo in just 17-27 days balik na puhunan mo at after nun kita nalang ang aabangan mo, tapos ang kikitain pa is dodoble or triple ang pera mo. Mostly mga OFW ang mga nahikayat dito kasi kita ko sa telegram nila mga itsura ng mga OFW na mga nag invest at kumita. Ang problema nga lang is nirere invest ata din nila lahat ng kinikita nila kaya imbes na sila kumita talaga mas pinapalaki lang nila yung marurugpull nung nasa team. Ang reason lang talaga kaya hindi ako sumali nung mga last week dahil sa promo nilang Anniversary pack. Isipin mo umabot pa ng anniversary, mga ganitong ponzi scheme usually buwan lang dapat ito. Kaya napaisip ako baka last na nila ito, tama ako. Last na nga, pero after nun nag invest parin ang mga pinoy ng 45 usdt para makawithdraw na mas nakadadag ng pondo nanaman ng mga scammer na ito.
sr. member
Activity: 1260
Merit: 315
www.Artemis.co
Ilang linggo ko din tong sinubaybayan. Hindi ako nag invest pero may mga kakilala ako na nilaro yang P2E na yan at naka ROI naman. Kawawa lang yung mga huling pumasok na late nainvite, ang dami ko nakikitang group sa social media na tuloy padin sa pag refer ng new players, kesyo 900 lang daw ang investment at naka roi in 10 days.

Depende pa din sa mga pinoy kung patuloy sila magririsk kung may dumating na mga bagong P2E, alam naman natin na karamihan sa mga pinoy ay mahilig sa easy money at kung makakita lang sila ng naka earn kahit bago pa yan, madami na agad ang mag uunahan pasukin kahit ano basta mapagkakakitaan.
legendary
Activity: 3416
Merit: 1225
Enjoy 500% bonus + 70 FS
Hindi ako gamer pero lumabas lang ito sa feeds ko at sa reesearch isang NFT games ang nag rull pull na sikat sa mga Pilipinong gamer, bagaman hindi ito kinoconsider na Crypto dahil wala naman sila sa Mainnet at wala sila sa market pero ginagamit nila ang features at ang sumasabay sila sa hype ng Play to earn

Sa tingin nyo dahil ba dito magiging mapag matyag na ang mga Pinoy gamer kasi ang daming mga Pinoy ang na involved sa Play to earn ng dahil sa Axie at Dpet meron pa kayang mga susunodn arug pull.

At bukod pa doon parang isang malaking sampal ito sa atin karamihan kasi sa nag rurugpull hindi na nag papaalam bigla na lang umaalis sila ng Thank you pa  Angry





            

            
Pages:
Jump to: