Dito ako nakuha ng maganda gandang bigay nung nalaman ko yung sa Uniswap. Na iscam pa ako bago ko malaman yun. Kung di pa ako na scam na may claimable pala na ganun, baka until now di ko pa na claim.
True ito, namimiss ko ung kalakasan ng mga ICO, as in nagulat din ako sa kinita ko. Signature campaign lang sinalihan ko nun as in petiks lang. Newbies pa ako ng time na un at wala akong idea pa dito. Basta ginawa ko lng mag post sa mga forum at ma reach ung task sa deadline na binigay. Sakto, wala ako work kasi full time mom ako. Laking pasasalamat ko nakatulong ako kay hubby nun. Nakaramdam ako ng fulfillment dahil nakatulong ako sa bahay.
Ako 2017 rin unang nakasubok sa mga kampanya dito sa forum. Nagulat din ako sa mga kitaan. Di sigurado dahil di naman lahat ng altcoin ay nagkaka-value pero noong bull run na yun ay ang daming pumuputok talaga. Nagkakapera ako ng biglaan na di ko inaasahan. Talo pa sahod ko sa normal na trabaho at savings na pinag-iipunan ko ng ilang taon.
Noong last cycle 2020-2021 nahuli ako at di ko nagrab mga opportunities sa market. Kaya sa cycle na ito ay di na pwede mamiss. 2022 pa lang ay nagsimula nako mag DCA at ngayon naman focus sa altcoins hanggang next year.