Pages:
Author

Topic: Nagresign sa trabaho dahil kumitw ng malaki sa Bitcoin? - page 4. (Read 785 times)

hero member
Activity: 2464
Merit: 594
Meron ako kakilala personally at kaibigan na muntik ng bitawan ang kanyang regular job ng maglaro kami ng axie noon. Ako ang nauna maglaro at shinare ko lang sa kanila ng maghanap pa ng ibang skolars yung manager ko. So yun, alam naman natin na naging maganda ang takbo ng axie ng na hype ito, kumikita na kami ng 30K every 2 weeks, so 60K per month na rin yun. Nung time na yun naka work from home na rin naman sya noon dahil sa pandemic at aftermath nito. Nagkaroon din kami ng sariling negosyo na babuyan pero ngayon wala na ilang taon na rin nakalipas. Tapos binabalak na rin sana namin nung bumili ng sa riling team at mag invest. Pero noong unti-unti ng bumagsak ang axie at hanggang ngayon, nasasabi nya pa sakin na buti na lang daw hindi nya natuloy na bitawan ang regular job nya, at ngayon nga, ako naman yung natulungan niyang maipasok sa IT industry, mag 2 years na rin this year. Ayun napa kwento na tuloy ako…  Grin
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Meron na ba dito na nagresign sa trabaho at nagfull time na sa Bitcoin investment at iba pang pagkakakitaan sa crypto?

Dati kasi may mga ka office ako na nagresign sa trabaho at hanggang ngayon ay hindi para bumabalik sa work dahil kumita ng malaki sa Bitcoin investment lalo na nung panahong patok ang Axie since early investors sila noon na pinagsisihan ko dahil hindi ako sumali sa knila noong panahong nagyayaya sila.

Na curious tuloy ako now if meron ba ditong user na nag fulltime na sa crypto at iniwan ang pagiging worker?  Medyo malaki na dn kasi ang ipon ko at sapat na din ang crypto investment at insurance ko para sa future plans ko. Yun nga lang ay natatakot pa dn ako na hindi umasa sa trabaho para sa fix income.

Enjoying life while young kahit enough lang ang ipin or ipon hard now then enjoy later once matanda na basta ensured na financially?

Wala akong personal na kakilala pero sa natatandaan ko nung bago bago pa ako dito, late 2017 sa altcoin boards ang dami kong nakikita dati na nag resign na daw sila at nag-focus sa trading ng mga cryptos. Hindi ko alam ang edad, at karamihan sa tin that time at talagang bagong salta sa larangan ng crypto at sa tingin natin eh eto ang nagpapayaman.

Pero, pagpasok ng 2018, bear market, so ang hirap mag trade nun although first quarter maganda pa naman yata ang presyo ng crypto nun. Pero pagkatapos ng March or April eh talagang ang sama na. At since mga baguhan tayo at yung iba daw eh nag resign, natanong ko rin kung paano kaya sila naka survived kung asa lang talaga sila sa crypto para magbigay ng pagkain sa pamilya nila ng 24x7.

So mahirap talaga, much better parin na mga regular work, 9-5 jobs, wake up early bago pumasok, silip dito tapusin and posting quota for the day. Then trabaho muna, manaka nakang sumilip from work at post ng kaunti at tapusin na lang later pag uwi.

Swerte talaga ang mga bata bata pa na nalaman ang community na to at least kung sabay sabay tayo pumasok ng 201 eh malamang may ipon na yang mga yan or may na pondar na thru earnings sa campaign, trading or naging HOLDer talaga.
full member
Activity: 2324
Merit: 175
Kumita ako dati ng malaki sa Cryptocurrency sa altcoins bounty pero nag trade ako sa Bitcoin at sa iba pang top coins, pero hindi ko naisipan na mag resign sa trabaho need pa rin talaga kasi hindi naman sa lahat ng panahon ay steady ang kita sa Cryptocurrency may mga panahon na sobrang tumal lalo na pag bagsak ang market na di ka pwede maglabas ng pera, pero between job at business mas ok kung maganda na ang kita mo ay mag business ka na lang para hawak mo ang oras mo at open time ka pa kaysa sa naka fix ka sa 8 to 5 na oras.
sr. member
Activity: 1260
Merit: 315
www.Artemis.co
Meron na ba dito na nagresign sa trabaho at nagfull time na sa Bitcoin investment at iba pang pagkakakitaan sa crypto?

Dati kasi may mga ka office ako na nagresign sa trabaho at hanggang ngayon ay hindi para bumabalik sa work dahil kumita ng malaki sa Bitcoin investment lalo na nung panahong patok ang Axie since early investors sila noon na pinagsisihan ko dahil hindi ako sumali sa knila noong panahong nagyayaya sila.

Na curious tuloy ako now if meron ba ditong user na nag fulltime na sa crypto at iniwan ang pagiging worker?  Medyo malaki na dn kasi ang ipon ko at sapat na din ang crypto investment at insurance ko para sa future plans ko. Yun nga lang ay natatakot pa dn ako na hindi umasa sa trabaho para sa fix income.

Enjoying life while young kahit enough lang ang ipin or ipon hard now then enjoy later once matanda na basta ensured na financially?
Mahirap talaga yan lalo na pagdating sa estimation kung makaka survive na ba sa current ipon mo. Ang pwede mo gawin kung hindi ka pa sigurado kung sapat na ba ang naipon mo pati na ang crypto investment mo para iwan na ang pagiging empleyado, pwede ka sumubok ng 1-2 months para umalis sa trabaho, mag paalam ka ng leave or LOA, tapos subukan mo kung makakasurvive ba kung sakaling ganun ang setup mo.
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Meron na ba dito na nagresign sa trabaho at nagfull time na sa Bitcoin investment at iba pang pagkakakitaan sa crypto?

Dati kasi may mga ka office ako na nagresign sa trabaho at hanggang ngayon ay hindi para bumabalik sa work dahil kumita ng malaki sa Bitcoin investment lalo na nung panahong patok ang Axie since early investors sila noon na pinagsisihan ko dahil hindi ako sumali sa knila noong panahong nagyayaya sila.

Na curious tuloy ako now if meron ba ditong user na nag fulltime na sa crypto at iniwan ang pagiging worker?  Medyo malaki na dn kasi ang ipon ko at sapat na din ang crypto investment at insurance ko para sa future plans ko. Yun nga lang ay natatakot pa dn ako na hindi umasa sa trabaho para sa fix income.

Enjoying life while young kahit enough lang ang ipin or ipon hard now then enjoy later once matanda na basta ensured na financially?

Mapa-sana all nalang ako sayo kabayan hehe. Though i'm not an expert when it comes to financial advise pero tingin ko okay rin yan plano mo na mag-invest sa crypto, bitcoin specifically kasi hindi naman bumababa yong presyo nya in the long run pero huwag naman lahat ilagay mo sa isang basket, diversify your investment, ika nga. Yang takot ay hindi talaga mawawala pero may statistical basis naman tayo pagdating sa usapin tungkol sa crypto.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
Ako fulltime na sa crypto mula sa pagiging full time na trabaho ko dati na sahod ang fiat pero sa ngayon nagvolunteer na lang din ako sa isang law enforcement team at meron din naman incentives pero maliit lang sobra at nakakabawi lang ako dun sa mga seminars na free naman lahat ng pagkain at syempre yung knowledge na hatid din nun.

Sa crypto naman purong signature campaign lang ako since wala naman akong talent na pwedeng gamitin para makapag offer ng services dito at doon sa BitcoinTalk.

Yung sa Axie naman hindi rin ako nakasabay dun kasi iniisip ko yung pangit na graphics. 😅 Umiiral yung pagkagamer ko kesa sa kumita doon sa NFT games na yun.

Kumita ako ng malaki noong 2017 at alam ko naman na halos lahat tayo ay kumita ng malakihan that time. Nahinto din ako 2018 dahil sa sobrang stress at may ginagawa akong ibang mga bagay that time hanggang sa binayo kami ni bagyong Odette kaya ayun nawalan ako ng signal, internet, kuryente at pag-asa for more or less 7 months dahil nasira cellphone at laptop ko at yun nga tuluyan na silang namahinga.

Nung nakabalik na ang signal, internet at kuryente doon na ako nabuhayan ng loob at pag-asa na lumaban ulit at mag-umpisa. Ayun binenta ko ang silver coins ko na collections para makabili ng bagong smartphone at nang makabalik na ako sa crypto kasi ito na lang ang natatanging pag-asa namin na kumita. Unfortunately, hindi sya madali kasi medyo strict na nga sa forum ng BitcoinTalk at hindi pa ako masyado active dito kaya nagtyaga talaga ako at hinabaan ang aking pasensya kaya ayun heto na ako ngayon full time na sa crypto at sa tingin ko naman mas malaki kinikita ko dito kumpara noong mga previous day job ko na below minimum lang ang pasahod.

Yung Bitcoin sahod ko dito sa mga forums ay ginagawa kong long term  investment para incase mangyayari ulit yung mga bagay na tulad ng pandemic at bagyo ay may reserve funds na ang pamilya ko. Since binata naman ako at wala pa akong responsibilidad pinagkakasya ko na lang yung honorarium ko as volunteer which is hindi ko rin naman ginagastos at iniipon lang tapos bili ng basic needs.

At yun na nga I found home na dito sa crypto industry na ito. Though volatile ang crypto at di dapat asahan as main source of income well depende na lang siguro sa diskarte kung gagawin man itong full time job.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
Meron na ba dito na nagresign sa trabaho at nagfull time na sa Bitcoin investment at iba pang pagkakakitaan sa crypto?

Dati kasi may mga ka office ako na nagresign sa trabaho at hanggang ngayon ay hindi para bumabalik sa work dahil kumita ng malaki sa Bitcoin investment lalo na nung panahong patok ang Axie since early investors sila noon na pinagsisihan ko dahil hindi ako sumali sa knila noong panahong nagyayaya sila.

Na curious tuloy ako now if meron ba ditong user na nag fulltime na sa crypto at iniwan ang pagiging worker?  Medyo malaki na dn kasi ang ipon ko at sapat na din ang crypto investment at insurance ko para sa future plans ko. Yun nga lang ay natatakot pa dn ako na hindi umasa sa trabaho para sa fix income.

Enjoying life while young kahit enough lang ang ipin or ipon hard now then enjoy later once matanda na basta ensured na financially?

Nag resign na ako since 2016 pa and so far so good parin naman ako pero di lang crypto talaga ang focus ko ngayon at madami akong side hustle since sobrang delikads parin talaga kung e asa mo yung kita mo dito since not everytime bullish tayo dahil ang crypto earnings ay temporary lang.

Kung gusto ng mga kababayan natin na makawala sa modern day slavery much better na mag ipon na muna talaga sila at subukan nilang makabili ng asset na magbibigay ng passive income sa kanila like paupahan o di kaya mag online business tsaka pasukin narin ang offline business para maraming income stream mas masaya ang buhay at iwas broke. For sure dyan free na tayo at makakagala ng maayos kung gustuhin natin.
hero member
Activity: 2520
Merit: 568
Payment Gateway Allows Recurring Payments
Marami akong kakilala na nagfull time sa cryptocurrency dahil kumita ng malaki pero after a year or two bumalik na ulit sa pagtatrabaho.  Iyong isang kakilala ko nga naging ambasador ng isang naging patok na altcoin, milyon milyon ang kinita, nagresign sa trabaho para magfull time pero nabalitaan ko ngayon balik na yata ulit sa pagiging employee.

Iba pa rin kasi talaga ang may fix na pagkukunan ng source of fund kesa sa one time big time.  Mabilis din kasi maubos ang pera lalo na at mahilig ang taong bumili ng mga sasakyan at iba pang luxury items.
Iba talaga kung may fix income ka. Kasi itong mga projects na ito temporary lang tapos kung hindi ka pa marunong mag ipon o mag imbak. Yung tipong one day millionaire ka at hindi mo nirereinvest yung kinita mo, balik ka lang din sa dati mong kalalagyan. Kaya mas maganda talaga kung kumita ka, nag full time ka at i-reinvest mo sa iba pang mga assets o business yung kinita mo sa mga trades mo. Huwag lang basta basta na gastos ng gastos. Ganito din nakita ko sa ibang mga kakilala ko dati lalo na sa kasikatan ng axie nga yun, madaming nagsabi na mag axie nalang daw sila kaso yun nga hindi naman stable. Noong kumikita sila panay bili lang ng mga wants nila at hindi nakapag ipon ayun, todas walang napala.
legendary
Activity: 3010
Merit: 1280
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Na curious tuloy ako now if meron ba ditong user na nag fulltime na sa crypto at iniwan ang pagiging worker?  Medyo malaki na dn kasi ang ipon ko at sapat na din ang crypto investment at insurance ko para sa future plans ko. Yun nga lang ay natatakot pa dn ako na hindi umasa sa trabaho para sa fix income.

Marami akong kakilala na nagfull time sa cryptocurrency dahil kumita ng malaki pero after a year or two bumalik na ulit sa pagtatrabaho.  Iyong isang kakilala ko nga naging ambasador ng isang naging patok na altcoin, milyon milyon ang kinita, nagresign sa trabaho para magfull time pero nabalitaan ko ngayon balik na yata ulit sa pagiging employee.

Iba pa rin kasi talaga ang may fix na pagkukunan ng source of fund kesa sa one time big time.  Mabilis din kasi maubos ang pera lalo na at mahilig ang taong bumili ng mga sasakyan at iba pang luxury items.
full member
Activity: 448
Merit: 102
Binance #Smart World Global Token
Meron na ba dito na nagresign sa trabaho at nagfull time na sa Bitcoin investment at iba pang pagkakakitaan sa crypto?

Dati kasi may mga ka office ako na nagresign sa trabaho at hanggang ngayon ay hindi para bumabalik sa work dahil kumita ng malaki sa Bitcoin investment lalo na nung panahong patok ang Axie since early investors sila noon na pinagsisihan ko dahil hindi ako sumali sa knila noong panahong nagyayaya sila.

Na curious tuloy ako now if meron ba ditong user na nag fulltime na sa crypto at iniwan ang pagiging worker?  Medyo malaki na dn kasi ang ipon ko at sapat na din ang crypto investment at insurance ko para sa future plans ko. Yun nga lang ay natatakot pa dn ako na hindi umasa sa trabaho para sa fix income.

Enjoying life while young kahit enough lang ang ipin or ipon hard now then enjoy later once matanda na basta ensured na financially?
Nagresign ako sa pagtuturo nang simulang humupa ang kaso ng covid dito sa atin. Dahil hindi ko kinaya na pumasok sa paaralan ng mga panahong iyon, habang ang ilang tao ay nasa kanilang mga tahanan, isa ako sa mga binilinan na kailangan sa paaralan isagawa ang online class. Hindi ako nagfocus sa Bitcoin investment, pero nagkaroon ako ng dagdag oras para dito dahil ang kinuha kong bagong trabaho pagkatapos ko magresign ay freelancing. Hindi ko na kailangan lumabas o pumunta ng paaralan para magtrabaho. Sa ngayon, ang ginagawa ko ay patuloy lang na dinadagdagan ang aking investment kagaya ng ginagawa ko noong bago maganap ang nakaraang Bitcoin halving.
member
Activity: 560
Merit: 17
Eloncoin.org - Mars, here we come!
Present. Nagresign ako sa trabaho ko last pandemic dahil nagsimula nalang ako magbusiness gamit ang ipon ko sa crypto. Medyo malaki din kasi naipon ko dati during ICO craze at trade ng mga shitcoins noong mababa pa while sobrang baba ng salary ko sa work compared sa stress na binibigay sakin.

Technically hindi ako nagresign para magfull time sa crypto but rather ginamit ko yung profit ko pang start ng business at nag full time na ako sa business management at crypto shenanigans like gambling, campaigns, moderation job and so on. So far worth it naman yung life choice ko since mas malaki ang profit ko sa business compared sa job ko while nakakakuha pa dn ako ng side hustle work na related sa job ko since may bayad ang pirma ko,  Wink

Payo lang. Make sure na enough yung ipon nya na tatagal hanggang 10 years minimum kung gusto nyo mag full time na walang corporate job since hindi biro ang mawalan ng trabaho kung wala kang consistent source of income.

   Grabe, mapapasana all nalang ako sayo sir, congrats din sayo at naging successful ang business na tinayo mo. At sana all din nababayaran ang pirma hehe, accountant kaba o Engr.? Pero gaya nga ng sinabi mo, kung wala naman na ibang sourc of income ang isang tao maliban sa trabaho nya bilang empleyado ay magandang simulan nya muna itong crypto as part-time lang muna.

   Tapos pakiramdaman nya din ang kanyang sarili kung kaya naba nyang kumita ng ayos dito sa crypto space ng higit pa sa sahod nya sa trabaho. At kapag ganun na nga ang ngyari ay dun na dapat magdecide yung tao na iiwan ang kanyang trabaho.
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Present. Nagresign ako sa trabaho ko last pandemic dahil nagsimula nalang ako magbusiness gamit ang ipon ko sa crypto. Medyo malaki din kasi naipon ko dati during ICO craze at trade ng mga shitcoins noong mababa pa while sobrang baba ng salary ko sa work compared sa stress na binibigay sakin.

Technically hindi ako nagresign para magfull time sa crypto but rather ginamit ko yung profit ko pang start ng business at nag full time na ako sa business management at crypto shenanigans like gambling, campaigns, moderation job and so on. So far worth it naman yung life choice ko since mas malaki ang profit ko sa business compared sa job ko while nakakakuha pa dn ako ng side hustle work na related sa job ko since may bayad ang pirma ko,  Wink

Payo lang. Make sure na enough yung ipon nya na tatagal hanggang 10 years minimum kung gusto nyo mag full time na walang corporate job since hindi biro ang mawalan ng trabaho kung wala kang consistent source of income.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
Kung ako sayo, kung tingin mo sapat na ang ipon mo para mag retire at may mga passive income ka tapos may investment ka pa sa crypto. Tantsahin mo kung tingin mo ba kaya mo ng iwan yung trabaho mo. Kasi karamihan sa mga nagreresign para magfocus sa ginagawa nila ay alam ang posibleng mangyari at tinitignan kung kakayanin ba. Kung pamilyado kang tao, mas maganda may stable source of income ka, mapa galing man yan sa investments mo o sa businesses. At kung sapat naman na talaga, enjoyin mo nalang ang life dahil maiksi lang ang buhay natin tapos may holdings ka pa ng BTC, antay lang din sa bull run, take profits, enjoy, reinvest, repeat the cycle. Sa mga nag quit sa trabaho nila, madami nga din akong kilala nung putok yung axie, ngayon naman putok yung airdrops at nagfull time sa pag airdrops.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
Meron na ba dito na nagresign sa trabaho at nagfull time na sa Bitcoin investment at iba pang pagkakakitaan sa crypto?
Ginawa ko ito noong pre at post-ICO era [2016 -2018] pero eventually, naramdaman ko yung pressure sa paghahanap ng trabaho kaya bumalik ulit ako sa dati kong trabaho.
Note: Hindi tungkol sa investment yung nagawa ko noon.

Enjoying life while young kahit enough lang ang ipin or ipon hard now then enjoy later once matanda na basta ensured na financially?
Personally, pipiliin ko ang pangalawang option dahil habang tumatagal, nagiging mas mahirap ang buhay para sa lahat [hindi mo mahahabol yung dream mo kung sobrang late ka mag simula].
full member
Activity: 467
Merit: 100
Binance #Smart World Global Token
Meron na ba dito na nagresign sa trabaho at nagfull time na sa Bitcoin investment at iba pang pagkakakitaan sa crypto?

Dati kasi may mga ka office ako na nagresign sa trabaho at hanggang ngayon ay hindi para bumabalik sa work dahil kumita ng malaki sa Bitcoin investment lalo na nung panahong patok ang Axie since early investors sila noon na pinagsisihan ko dahil hindi ako sumali sa knila noong panahong nagyayaya sila.

Na curious tuloy ako now if meron ba ditong user na nag fulltime na sa crypto at iniwan ang pagiging worker?  Medyo malaki na dn kasi ang ipon ko at sapat na din ang crypto investment at insurance ko para sa future plans ko. Yun nga lang ay natatakot pa dn ako na hindi umasa sa trabaho para sa fix income.

Enjoying life while young kahit enough lang ang ipin or ipon hard now then enjoy later once matanda na basta ensured na financially?
Balak ko rin sana na magresign noon sa trabaho dahil sa Axie na yan. Kumita naman ako kahit paano pero naisip ko kasi na nasa crypto tayo, hindi natin masabi kung magtatagal ba ang Axie o hindi. Kaya ang ginawa ko noon kahit kumikita ay pinagpatuloy ko pa rin ang trabaho. Mas pabor ako na magkaroon ng additional income imbis na iwan ang isang source of income dahil lang mas malaki ang kinikita ko sa isa.
hero member
Activity: 1862
Merit: 601
The Martian Child
Wow! Medyo marami-rami narin pala ang nagresign sa normal jobs dahil sa crypto. Isa rin ako dun although yung original plan is business talaga. Pero dahil nga bullrun napunta ang focus sa crypto.

Meron mga job offers pero mas feel ko pa rin maging free agent para mas mabilis makatutok pag meron mga opportunities. Hindi madali pero sa tingin ko naman worth it pa rin lalo na tayo na ang may hawak sa ating oras. Until now nasa isip pa rin ang business pero kasi paparating na naman ulit ang bull run so it is better to focus sa mga opportunities na bihira lang dumadating like sa crypto.

Sana malaki-laki makuha nitong bullruns this year at 2025 para by 2026 para pwede apartment na lang gawing business at yung free time sa crypto pa rin.
sr. member
Activity: 1022
Merit: 277
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Baka hindi lang bumabalik sa work nyo pero baka nag iba na ng work , or pwede din namang nag negosyo na since malaki ang kinita nya sa crypto, pero hindi yon kinita sa Bitcoin like what your title says because kinita nya yon sa Axie.

and back to the question kung meron kakilala? wala ako natatandaan though merong mga kilala akong till now kumikita pero nag wowork pa din sila.

Isa din ito sa nakikita kong possible na nangyari, pero diba kung ang isang tao ay kumikita ng malaki, mas gugustuhin nalang nila na magtayo ng isang negosyo at iwan na ang pagtatrabaho, or depende sa hilig ng isang tao, kaya baka nga nagchange career nadin yung kakilala ni OP. Totoong malaki ang kinikita noon sa axie, lalo na kung isa sila sa mga naunang naglaro at naka ROI, pero sa panahon ngayon, mabilis maubos ang pera lalo na kung hindi ito magagamit sa tama. May mga kakilala ako noon na muntik ng magresign sa full time job nila nung kasagsagan ng axie pero hindi natuloy, at buti nalang ay hindi sila natuloy dahil kalaunan ay biglang humina at unti unting bumagsak ang presyo ng SLP.
full member
Activity: 1366
Merit: 107
SOL.BIOKRIPT.COM
Kung ifufulltime mo ang crypto lods ang desisyon nakadepende yan sa talent at skills mo na pwede mo maging tools para maging tuloy tuloy yung flow ng money sa iyo. Pero pwede mo naman isabay yan sa isang maliit na business habang nagki crypto ka. Tulad ng sari sari store, internet cafe, piso wifi business yung mga ganitong business ay pwede mong sabayan yan ng pagkikrypto. Pero nasa iyo parin ang disisyon at timbangin mo kung saan ka mas masaya doon ka lods.
sr. member
Activity: 1022
Merit: 277
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Meron na ba dito na nagresign sa trabaho at nagfull time na sa Bitcoin investment at iba pang pagkakakitaan sa crypto?

Dati kasi may mga ka office ako na nagresign sa trabaho at hanggang ngayon ay hindi para bumabalik sa work dahil kumita ng malaki sa Bitcoin investment lalo na nung panahong patok ang Axie since early investors sila noon na pinagsisihan ko dahil hindi ako sumali sa knila noong panahong nagyayaya sila.

Na curious tuloy ako now if meron ba ditong user na nag fulltime na sa crypto at iniwan ang pagiging worker?  Medyo malaki na dn kasi ang ipon ko at sapat na din ang crypto investment at insurance ko para sa future plans ko. Yun nga lang ay natatakot pa dn ako na hindi umasa sa trabaho para sa fix income.

Enjoying life while young kahit enough lang ang ipin or ipon hard now then enjoy later once matanda na basta ensured na financially?

Medyo mahirap yung ganito lalo na kung ang aasahan mo lang kapag nag resign ka ay ang crypto investment mo. Mas okay sana kung mag reresign ka tapos may iba ka pading source of income like small business, na kung saan pwede mong paikutin ang capital na ilalabas mo habang nag fofocus ka sa pag iinvest sa crypto, pero kung wala naman, siguro ay kailangan mong pag isipan ng maraming beses ang tungkol sa bagay na yan, lalo na sa panahon ngayon na napakahirap kung mawawalan ka ng trabaho at walang naka abang na other way para maka earn ng money. kailangan natin maging practical at maging smart wise sa pagdedesisyon dahil alam naman natin na volatile ang presyi ng btc at galaw ng market.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439

Jump to: