Sa altcoin mas mabuting maghintay ka pa ng ilang linggo, Medyo mahirap bumili mgayon dahil mataas pa ang mga presyo nito dahil mga din sa mataas na presyo ng bitcoin. Pero kung ako ang tatanungin mas okey na mag invest ka nalang muna sa Bitcoin at pag aralan mo na rin munang mabuti ang mga altcoin.
Mukhang mahihirapan na tayong makasigurado na kikita pa kung sa mga susunod na linggo pa tayo bibili ng mga Altcoins. Kahit ang mga ibang investors ay hindi na nagdadalawang isip na sakyan ang takbo ng market ngayon, kaya patuloy ang pagtaas ng presyo ngayon. Kung meron kang malaking puhunan, kailangan mong paghandaan ang bawat kilos na gagawin mo dahil sa anumang oras pwedeng bumaba ang presyo nito. Pero kung kaya mo naman, eh mas makakabuti na pumili kana ng mga Altcoins na bibilihin mo.
Oo tama ka pwede din nila sabayan yung pag angat ng bitcoin ngayon, Kaso medyo risky ito lalo pag bumagsak ang presyo ng bitcoin siguradong sasabay nanaman ang pagbagsak ng mga alts kapag nagkataon.
Kaya ang suggestions ko ay maghintay muna ng ilang linggo kung babagsak ang presyo ng altcoins.
Nakadepende talaga yan sa mga mangyayari at hindi natin alam kung ano takbo ng bitcoin ngayon pero sabi mo nga kung may puhunan naman mas maigi na bumili na ngayon baka maiwanan din tayo pag umangat yung price.