Pages:
Author

Topic: Napapanahon bang bumili ng altcoin? - page 3. (Read 572 times)

jr. member
Activity: 153
Merit: 7
October 27, 2019, 09:07:03 PM
#40
Mahirap sagutin yang tanong mo. Mas maganda maging specific ka. Kapag sinabi mo kasing murang altcoin lang, baka iniisip mo eh yung mga outside top  100 na. Mura nga naman pero high risk siya. Marami mababang presyo dyan pero mabagal ang development o kaya naman ay abandonado na.

Anong mga altcoins ba naiisipan mong bilhin?



By the way, gamitin natin ang tamang board sa susunod. Dito ang discussion ng altcoins sa local https://bitcointalk.org/index.php?board=243.0 Pakilipat na lang dun, makikita mo "move topic" sa bandang ibaba.

Salamat sa link ng tamang board kabayan. Naisip ko mas okay mamili sa top 20 na altcoins  Nakakatulong kasi ang ganitong interaction sa buying decision. Salamat sa mga suggestions nyo.
sr. member
Activity: 1400
Merit: 283
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
October 27, 2019, 03:50:16 PM
#39
Magandang araw po!

Plano ko sana bumili ng altcoin yung mababa ang presyo. Good timing ba na bumili ngayon ng altcoin?  At saang exchanges maganda bumili?

Maraming salamat po sa mga sasagot.
Parang pa ulit2x natong tanong na ito nababasa ko palagi sa thread ng pilipinas at nasagot ko naman pero sige nalang sasagutin ko nalang ulit ito. Siguro sa panahon ngayon di pa natin alam kung ito na ba ang time na bibili tayo ng altcoins pero kung bibili man tayo dapat siguradohin lang din yung mga matitinong altcoins at may future talaga na taas at kikita tayo ng malaki sa pag bili lang din.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
October 27, 2019, 03:07:04 PM
#38
Mas maganda kung nung nakaraang linggo ka bumili kasi sobrang baba ng price pero kung gusto mo talaga sa altcoins, wala namang problema. Anong altcoin na mababa ba yung gusto mo? ang dami mo namang pwede pagpilian pero bakit ayaw mo muna bumili ng bitcoin bago ka pumili ng mga altcoins na gusto mo? Maraming mga altcoins na mababa yung price ay merong malaking supply, ganitong altcoins ba yung gusto mo? Tungkol naman sa exchange, kung yung choice mo nasa coins.ph, doon ka na pero mas maganda sa Binance.
sr. member
Activity: 1932
Merit: 442
Eloncoin.org - Mars, here we come!
October 27, 2019, 12:16:21 PM
#37
[snip]
Well, tama ka nga bro nag search ako nito malaki nga ang tubo niya. Pag mag invest paba dito may chance pa kaya tumaas pa ang presyo mula sa sa price na binili mo ang coin na yan. Ingat lang po kayo sa hype altcoin, marahil mahulog din kayo sa trap nila. Good timing a nd good research ang dapat i-apply natin dito. Indeed, para sa akin sa ngayon ay hindi tama ang timing kasi tumaas pa at baka mag dump ulit. At kung mangyari nag mag dump uli that is a good for buying point. OP, focus ka nalang muna sa Bitcoin at hold mo for long term.
legendary
Activity: 2954
Merit: 1153
October 27, 2019, 10:45:27 AM
#36
Magandang araw po!

Plano ko sana bumili ng altcoin yung mababa ang presyo. Good timing ba na bumili ngayon ng altcoin?  At saang exchanges maganda bumili?

Maraming salamat po sa mga sasagot.

Comparing the ATH of the coin price  at ang presyo ngayon , masasabi nating magandang bumili ng altcoin  ngayon, but dapat mo ring malaman na maaring matagalan bago makaahon ulit ang mga altcoins na yan (top 100 altcoins)  Just to lessen the risk mas magandang iresearch mo ang bawat token na nakita mong magandang mag-invest at huwag kang papadala sa mga hype.  Huwag kang bumili kapag ikaw ay overhyped dahil nawawala ang pagiging rational natin kapag tayo ay too emotional.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
October 27, 2019, 10:30:08 AM
#35
Sa altcoin mas mabuting maghintay ka pa ng ilang linggo,  Medyo mahirap bumili mgayon dahil mataas pa ang mga presyo nito dahil mga din sa mataas na presyo ng bitcoin. Pero kung ako ang tatanungin mas okey na mag invest ka nalang muna sa Bitcoin at pag aralan mo na rin munang mabuti ang mga altcoin.

Mukhang mahihirapan na tayong makasigurado na kikita pa kung sa mga susunod na linggo pa tayo bibili ng mga Altcoins. Kahit ang mga ibang investors ay hindi na nagdadalawang isip na sakyan ang takbo ng market ngayon, kaya patuloy ang pagtaas ng presyo ngayon. Kung meron kang malaking puhunan, kailangan mong paghandaan ang bawat kilos na gagawin mo dahil sa anumang oras pwedeng bumaba ang presyo nito. Pero kung kaya mo naman, eh mas makakabuti na pumili kana ng mga Altcoins na bibilihin mo.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Cashback 15%
October 27, 2019, 10:18:33 AM
#34
Para sa akin, magandang bumili ngayon dahil karamihan sa altcoin ay bumaba in terms of BTC pricing all the while bitcoin soared up, which means may automatic ka nang profit agad the moment na bumili ka ng altcoin, say for example XRP. Nung Friday, ang pricing ng XRP ay 3700-3725 sats/coin, at after ng surge ay bumaba ito ng 3200 sats each, which means na kung ang bitcoin mo ay around 0.01, may tubo ka na agad na at least 10% from your initial bank roll. Dito ko lang nilalaro ang btc ko ngayon at so far ay maganda naman ang nagiging resulta para sa akin.
sr. member
Activity: 1111
Merit: 255
October 27, 2019, 10:01:34 AM
#33
Sa altcoin mas mabuting maghintay ka pa ng ilang linggo,  Medyo mahirap bumili mgayon dahil mataas pa ang mga presyo nito dahil mga din sa mataas na presyo ng bitcoin. Pero kung ako ang tatanungin mas okey na mag invest ka nalang muna sa Bitcoin at pag aralan mo na rin munang mabuti ang mga altcoin.
sr. member
Activity: 882
Merit: 260
October 27, 2019, 09:44:57 AM
#32
Sa aking palagay mas okay kung magiinvest tayubsa bitcoin ngayun dahil malaki talaga chance na next year makikita ulit natin magpump ang btc pero sa palagay ko oka rin bumili ng mga top altcoins like ethereum and neo.
hero member
Activity: 1414
Merit: 505
Backed.Finance
October 27, 2019, 09:22:00 AM
#31
Magandang araw po!

Plano ko sana bumili ng altcoin yung mababa ang presyo. Good timing ba na bumili ngayon ng altcoin?  At saang exchanges maganda bumili?

Maraming salamat po sa mga sasagot.

When it comes to timing oo pwede kang mag invest sa alts ngayon dahil may mga alts na mababa ang presyo kaya nga lang wala kang assurance na tataas ang presyo nyan. Suggest ko sayo na mag invest ka sa btc medyo mataas nga lang ang presyo pero worth the wait yan.

Tama at mas mabuting mag matyag na lang muna sa galaw ng merkado.Risky pa rin paar sa akin ngayon, kahit na medyo naka recover na ng konti. Pero kung gusto sumugal, sumugal  lang sa kayang ipatalo para di masakit sa kalooba pag nawala.
hero member
Activity: 2954
Merit: 796
October 27, 2019, 09:21:51 AM
#30
May Coins.pro naman tayo kaya pwede ka na bumili don directly kesa dadaan ka coins.ph lang tapos sesend mo pa sa Binance and so on and so forth.
Kumbaga, huwag mo ng pahabain ang prosisyon ika nga ng matatanda tutal supported naman ni coins.pro ang ibang altcoins.

Try coinmarketcap para mag check ng mga top altcoins kung medyo may doubts ka sa ibang coins. Better sa trusted ka na bumagsak.
Better munang gamitin coins pro if ETH, XRP, BCH na alts din naman ang bibilhin, currently XRP at ETH dun muna Kung wala pang ibang alts na gustong bilhin. Link is good choice din pero wala sa yobit kaya sa sure exchanges kana magtrade like Binance. Depende sa alt at Kung available naman sa trusted exchange mas better dun na magtrade, since risky na ang pagiinvest so let's lessen it sa pamamagitan ng pag gamit ng exchanges na tested na kahit medyo malaki fee.
hero member
Activity: 1120
Merit: 553
Filipino Translator 🇵🇭
October 27, 2019, 09:05:43 AM
#29
Magandang araw po!

Plano ko sana bumili ng altcoin yung mababa ang presyo. Good timing ba na bumili ngayon ng altcoin?  At saang exchanges maganda bumili?

Maraming salamat po sa mga sasagot.
Sa ngayon, laylo muna siguro. Masyadong dominant ang BTC ngayon, dahil doon mas malaki ang tsansa na mas maiwan ni BTC ang ibang mga altcoins. Tungkol sa exchange kung saan maganda bumili, dipende sa preferrences mo yan; kung gusto mo mababang fee wag kang bumili sa mga sikat na exchanges na pang high volume traders bagkus ay pumunta ka sa mga exchange na kung saan saktuhan lang ang tradeing at withdrawal fee gaya ng Hitbtc, Yobit, atbp.
hero member
Activity: 1582
Merit: 523
October 27, 2019, 08:54:20 AM
#28
Kung kaya mo magrisk ngayon buy ka ng altcoin na nasa top market. Kung long term goal ka naman para sa akin bili ka yung afford mo maginvest sa altcoin. Kailangan may pasensya ka pag naginvest since hindi natin masabi kung kailan tataas ang presyo nito.
legendary
Activity: 3318
Merit: 1133
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
October 27, 2019, 07:38:40 AM
#27
May Coins.pro naman tayo kaya pwede ka na bumili don directly kesa dadaan ka coins.ph lang tapos sesend mo pa sa Binance and so on and so forth.
Kumbaga, huwag mo ng pahabain ang prosisyon ika nga ng matatanda tutal supported naman ni coins.pro ang ibang altcoins.

Try coinmarketcap para mag check ng mga top altcoins kung medyo may doubts ka sa ibang coins. Better sa trusted ka na bumagsak.
hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
October 27, 2019, 07:09:20 AM
#26
Magandang araw po!

Plano ko sana bumili ng altcoin yung mababa ang presyo. Good timing ba na bumili ngayon ng altcoin?
subukan mo din i consider some tokens baka mas makahanap ka ng mababa at mas may future,teka ano ba ang plan mo?daytrading?semi long term?or Long term holding?or arbitrage?
dapat malinaw muna sayo ang kagustuhan at plano mo bago ka magdesisyon bumili
  At saang exchanges maganda bumili?

Maraming salamat po sa mga sasagot.
subukan mo sa binance,coinbase ,Bittrex,Okex,Kucoin or Huobi
sr. member
Activity: 924
Merit: 265
October 27, 2019, 06:58:24 AM
#25
Magandang araw po!

Plano ko sana bumili ng altcoin yung mababa ang presyo. Good timing ba na bumili ngayon ng altcoin?  At saang exchanges maganda bumili?

Maraming salamat po sa mga sasagot.

When it comes to timing oo pwede kang mag invest sa alts ngayon dahil may mga alts na mababa ang presyo kaya nga lang wala kang assurance na tataas ang presyo nyan. Suggest ko sayo na mag invest ka sa btc medyo mataas nga lang ang presyo pero worth the wait yan.
sr. member
Activity: 672
Merit: 250
CryptoTalk.Org - Get Paid for every Post!
October 27, 2019, 06:45:21 AM
#24
May mga nagsasabi na malapit na ang altcoin season kaya sa tingin ko ay maganda nga na bumili ng mga altcoin ngayon habang mura pa. huwag lang kalimutan na mag-research muna bago mo bilhin ang coin na balak mo pero kung gusto mo medyo maliit ang risk, ang piliin mo yung mga nasa top 50 kasi mataas ang potensyal nilang umangat ang presyo kapag altcoin season na.
hero member
Activity: 2492
Merit: 542
October 27, 2019, 06:32:22 AM
#23
Kung ang pagbabasehan natin e yung huling bull run I must say yes sa tingin ko mas ok na bumili ngayon ng altcoins compared last 2017 medyo malaki na rin ang binaba ng mga altcoins ngayon for example XLM yung price niya last 2018 January is $0.9 ngayon nasa $0.06 nalang siya bale bumaba siya ng -93% so yan ang mga maganda bilhin ngayon but of course bago ka bumili research ka muna kung ano ang status ng altcoins na un like roadmaps, future updates kung marami silang plano in the future mas maganda pag ganun active ang development parang eth sa ngayon by 2020 bka i-launch na nila ang eth 2.0 mas maganda ng features niyan compared sa ngayon total upgrade tlga sila halos lahat naman ng predictions na nababsa ko by the start og 2020 bka pataas na ulit si btc malamang sasabay diyan pati altcoins ako Im trying to accumulate as many as possible bsta may extra funds bumibili ako paunte onte malay natin next bull run is coming.. Grin #hodl.
sr. member
Activity: 1078
Merit: 310
October 27, 2019, 06:16:37 AM
#22


Hindi biro yung tinataas ng ibang Altcoins ngayong, pag tumama ka talaga ng katulad ng nasa Picture na ito, tyak limpak2x na salapi ang kikitain mo. dapat lang talaga marunong tumiming at may knowledge na sa mga Altcoins na kung saan kayo mga Invest. Ang laki talaga ng tinaas nitong coins nato talo pa ang ibang mga Top Altcoins sa market.


Maganda din pag maka timing ka sa pagsabay pag ganito nung pa umpisa pa lang yung pump kasi kadalasan mga pump and dump scheme ito. Yung ginagawa ng iba ay sasabayan nila pagtaas ng coin/token pero bibitawan din pag na hit na yung target na gusto nila.

Mahirap din i hold mga ganitong klaseng coins kasi malulugi ka talaga sa bandang huli pag hinde ka mag dump lalo na pababa na yung presyo kaya hinde advisable mag invest mga tulad nito lalo na pag hinde kilala yung project.
hero member
Activity: 2688
Merit: 540
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
October 27, 2019, 05:35:51 AM
#21
Magandang araw po!

Plano ko sana bumili ng altcoin yung mababa ang presyo. Good timing ba na bumili ngayon ng altcoin?  At saang exchanges maganda bumili?

Maraming salamat po sa mga sasagot.
Ika nga sa kasabihhan "Dont put all of your eggs in one basket" pag dating sa investment at about sa tanong mo kung
napapanahon ba bumili ng alt coin ay nakadepende yan sayo since sayo yung pera which means aware ka sa possibleng risk
ng pagka lugi.Kung nag short ka ng top alts last week,for sure meron ka nang profit ngayon kasi yung top alts
ay tumaas ang presyo ng bahagya.Kung long term aspects naman ay dun ka na sa mga alts na nasa top ranks.
Pages:
Jump to: