Regarding sa TIN siguro swerte na din ako na pumasok ako sa stock exchange na estudyante ako at friendly yung stock broker namin na kahit wala daw tin basta nasa college ka pa din. When I asked kung paano naman yung mga hindi makakapag-submit ng TIN na graduate or matanda na hindi din naman sila pinag-babawal ang gagawin lang nila is iho-hold yung dividends na makukuha mo until makapag-provide ka ng TIN number sakanila.
Lucky! As far as I know nowadays pag wala kang TIN, kailangang ipangalan sa parents mo muna.
I don't know the exact numbers pero mukhang mas madami pa ang nasa crypto trading kumpara sa sariling stock market natin. Natatandaan ko dun sa isa kong
post at least 17% ng internet users ay may hawak ng cryptocurrencies kumpara naman sa stock market na wala pang 1% ng populasyon ang kasama dito. Di ko alam ang totoong dahilan pero may dati nadin kasing research na yung mga millenials sa South Korea and Japan ay nagte-tend to invest in the crypto market dahil mas mabilis yung price movement dito kumpara sa stock market and baka kasama na din ito sa dahilan ng mga Filipino kung bakit mas madami ang nasa crypto trading kumpara sa sarili nating stock market.
Whatever the number is, I wouldn't be surprised. Malayong mas madali kasi pasukin ang cryptocurrency markets dahil hindi pa mahigpit lahat ng exchanges sa ngayon; and not to mention ung mga UI/UX ng most of mga stock brokers natin dito sa PH e parang website na ginawa nung 90s pa. *I'm looking at you, COL Financial*
Tama naman na maraming necessary documents ang pagiinvest sa stocks pero as far as I know kapag ikaw mismo ang nagtrade ng stocks especially sa mga platforms gaya ng BDO, BPI, Philstocks, is mas convenient like the common KYC na ginagawa naman ng karamihan sa atin.
Actually hindi talaga mas convenient ang KYC ng typical stock brokers. Kailangan ng TIN number from BIR, tapos minsan kailangan pa minsan ng videocall for verification(with COL Financial).
And I won't disagree na totoong galing crypto mismo ang profits ng karamihan rito sa forum pero kasi di din mawawala yung fact na mas solid ang pagtetrade sa stocks na good for both long term and daily trading.
Stocks vs crypto being better for trading and investing is hugely subjective.