Pages:
Author

Topic: Nasubukan niyo na bang mag Stock Trading? - page 2. (Read 656 times)

hero member
Activity: 2184
Merit: 891
Leading Crypto Sports Betting and Casino Platform
My guess is maraming nag ccrypto trading at hindi nag sstock trading dahil:
1. Either walang TIN number, or ayaw lang mag effort ang mga tao na magsubmit ng documents and requirements sa stock brokers. Whereas sa Binance hindi mo na kailangan ng KYC(for now).
2. Probably dahil ang mga funds ng tao dito ay galing sa mga bounties at signature campaigns, hence dinederetso nalang nila sa exchange ung funds, kesa ibenta sa pesos.

Tama naman na maraming necessary documents ang pagiinvest sa stocks pero as far as I know kapag ikaw mismo ang nagtrade ng stocks especially sa mga platforms gaya ng BDO, BPI, Philstocks, is mas convenient like the common KYC na ginagawa naman ng karamihan sa atin. And I won't disagree na totoong galing crypto mismo ang profits ng karamihan rito sa forum pero kasi di din mawawala yung fact na mas solid ang pagtetrade sa stocks na good for both long term and daily trading.

Na check ko yung BDO Nomura parang maraming complain sa official group nila laging down daw ito, gusto ko ring matutong mag trade pero sa totoo lang need mo talaga pag aralan muna ito kasi long term ito di katulad sa Crypto pag kakuha ng rewards sa bounty dump agad o kaya pag hit sa market at may profit sell muna

Madami lang naging complaints si Nomura kasi ang lowest and minimum internet speed para mag live trading rito is 1mbps in which most of the users argued bakit di sila makalog in or nagloloko. I've also asked some people na madalas sa platform and they've said na mas better lang talaga ang BDO nomura for holding and long term investment kasi ikaw mismo ang may hawak ng stocks while most kept arguing the faulty system of the platform kasi daily trading ang hanap nila.

~
Ang tanong ko, magkano ba talaga yong minimum amount para makapagsimula ka sa stocks trading, yong tipong may leverage ka na makapaglaro sa ganitong kalakaran.
~

AFAIK minimum of P5,000 ang pinaka magandang start ng Stock Trading eh sa kahit anong platform kasi mabagal din ang paglaki nito, in example kung magdadaily trading ka, ang JFC is 100 ngayon nang binili mo before magclose ang market then tomorrow pagkabukas ng market nagsimula sa 110 but then yung holdings mo is 3 shares lang meaning 100x3= 300 and 110x3=330 meaning 30 pesos lang ang kikitain mo. Hence, if you really want to earn big, invest bigger.

... may tanong lang ako recommended ba ang maghodl ng matagal dito or kapag kumita ka benta agad?   

Depende sa kung anong klaseng investor and trader ka, are you long term (holding) or short term (day trading)? Mostly kasi sa mga stock traders mga inaaral talaga kung paano gumalaw ang market and how to read yung movement nito which is mostly analyzing ang market and research sa businesses ang ginagawa nila, therefore malaki ang kita mo IF you know when to buy and sell your stocks.
hero member
Activity: 2492
Merit: 542
Hindi ko pa den nasubukan ito kasi crypto lang ako lagi sa stocks kasi parang matagal kumita diyan lalo na kung maliit puhunan mo although marami den ako nakikita sa social media na karamihan sa stocks kagaya nga ng sinabi ni op bumaba ang price ng stocks ngayon dito satin kaya I agree na maganda pumasok ngayon dito pero may tanong lang ako recommended ba ang maghodl ng matagal dito or kapag kumita ka benta agad?   
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Sa totoo lang, gusto ko sanang mag-explore sa stocks trading kaso lang noong nagkwekwentohan kami ng pinsan ko sabi nya ay kailangan ng malaking halaga ng pera para makapag-invest tayo sa stocks at doon ako nawalan ng gana dahil sa palagay ko bakit ako maag-invest ng malaking pera sa bagay na walang kasiguruhan. Baka mali lang impression ko sa stocks trading.

Ang tanong ko, magkano ba talaga yong minimum amount para makapagsimula ka sa stocks trading, yong tipong may leverage ka na makapaglaro sa ganitong kalakaran.

I'm a believer of "If in doubt, please ask" so don't bash me here  Smiley.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
My guess is maraming nag ccrypto trading at hindi nag sstock trading dahil:

1. Either walang TIN number, or ayaw lang mag effort ang mga tao na magsubmit ng documents and requirements sa stock brokers. Whereas sa Binance hindi mo na kailangan ng KYC(for now).

Regarding sa TIN siguro swerte na din ako na pumasok ako sa stock exchange na estudyante ako at friendly yung stock broker namin na kahit wala daw tin basta nasa college ka pa din. When I asked kung paano naman yung mga hindi makakapag-submit ng TIN na graduate or matanda na hindi din naman sila pinag-babawal ang gagawin lang nila is iho-hold yung dividends na makukuha mo until makapag-provide ka ng TIN number sakanila.


2. Probably dahil ang mga funds ng tao dito ay galing sa mga bounties at signature campaigns, hence dinederetso nalang nila sa exchange ung funds, kesa ibenta sa pesos.

I don't know the exact numbers pero mukhang mas madami pa ang nasa crypto trading kumpara sa sariling stock market natin. Natatandaan ko dun sa isa kong post at least 17% ng internet users ay may hawak ng cryptocurrencies kumpara naman sa stock market na wala pang 1% ng populasyon ang kasama dito. Di ko alam ang totoong dahilan pero may dati nadin kasing research na yung mga millenials sa South Korea and Japan ay nagte-tend to invest in the crypto market dahil mas mabilis yung price movement dito kumpara sa stock market and baka kasama na din ito sa dahilan ng mga Filipino kung bakit mas madami ang nasa crypto trading kumpara sa sarili nating stock market.
member
Activity: 952
Merit: 27
Na check ko yung BDO Nomura parang maraming complain sa official group nila laging down daw ito, gusto ko ring matutong mag trade pero sa totoo lang need mo talaga pag aralan muna ito kasi long term ito di katulad sa Crypto pag kakuha ng rewards sa bounty dump agad o kaya pag hit sa market at may profit sell muna
hero member
Activity: 2996
Merit: 808
I'm still doing Stock trading pa minsan minsan, hindi kasing dalas pag sa crypto since sa stocks ok lang I hold knowing na pang long term talaga growth pag sa mga companies sa Pinas ang iinvestan. If nagcrcrypto na and alam na mas may chance na mabilis ang pagbaba akyat ng presyo mas mainam ito bilang trading. Gamit Colfinancial and ngayong quarantine ko lang totally naba naba bantay bantayan stocks ko.
mk4
legendary
Activity: 2940
Merit: 3883
📟 t3rminal.xyz
My guess is maraming nag ccrypto trading at hindi nag sstock trading dahil:

1. Either walang TIN number, or ayaw lang mag effort ang mga tao na magsubmit ng documents and requirements sa stock brokers. Whereas sa Binance hindi mo na kailangan ng KYC(for now).

2. Probably dahil ang mga funds ng tao dito ay galing sa mga bounties at signature campaigns, hence dinederetso nalang nila sa exchange ung funds, kesa ibenta sa pesos.
hero member
Activity: 2184
Merit: 891
Leading Crypto Sports Betting and Casino Platform
Hindi po ito promotional thread hehe

Guys nasubukukan niyo na bang mag trade ng Stocks? Mostly kasi sa 'tin dito sa forum is mas nakakaalam sa Crypto Trading and yung iba is sa Forex. Recently kasi napansin ko na ang baba ng prices ng mga sikat na Companies gaya ng Jollibee, San Miguel Corp., and MerryMart, dahil sa quarantine and higpit ng ordinances pagdating sa mga businesses na madalas is crowded. But then recently nang naging GCQ na ang ibang places sa bansa, naglakihan na din ang price sa stocks dahil nag-operate na muli ang mga kumpanya.

Why not try using BDO Nomura? My cousin who's working at the BDO bank near us shows me na madali lang magtrade doon and she has holdings but then hinold niya lang kasi di naman siya active trader. But the trading time isn't 24/7 but rather 9:00AM to 1:00PM and weekdays lang (dati itong 9:00AM to 3:00PM pero dahil sa quarantine, shinorten). Also, need mo lang is magpaopen ng account sa BDO (Php 2,000 ang minimum balance and di bawal bumaba sa 2k) and of course register or Sign Up your Online Account sa kanilang platform to start trading, but then recently nabasa ko na marami ring fault ang kanilang system (and yung iba nananakawan) kaya if ever na may trust issues ka sa mga banko, it's better na disregard mo nalang ito.

And as far as I know malaki ang kinikita kapag sa Stocks ka nag-invest and this is the best way as an alternative kung medyo takot ka sa crypto-trading na sobrang volatile.

I've also seen a post by Theb indicating Online Stock Broker alternatives na magagamit mo.
Other Bank-owned Stock Brokerage Services...

If you want to start trading, sali kayo sa group ng mga BDO Nomura traders dahil madami active dito and makakatulong sila, Here's the link: https://www.facebook.com/groups/1923933447917465

Ito naman yung link ng Facebook post ng recent accident sa account niya sa BDO: https://www.facebook.com/fabegrace01/posts/3678537728827421

If may suggestions kayo guys like experiences sa BDO or other platforms like BPI or mga better ideas sa stock trading, share niyo naman! Cheesy
Pages:
Jump to: