Talo na naman ang Bulls, at ang masama pa nito same result lang din sa game 3 kung saan denomina na naman ang Bucks ang laro. Wala na talagang pag asa, kahit meron pang isang game na natira, pero kung same lang din naman ang laro ng Bulls, tiyak matatapos ang ang series sa home court ng Bucks.
-snip
Sinabi mo pa, kung same type lang din ng game3 and 4 ang ipapakita nila kahit konting pag asa wala na silang magagawa, masyadong na dominate ng Bucks yung series, yung performance ni DeRozan last game 2 hindi na nasundan parang nabasa agad ng Bucks kung anong klaseng adjustment ang magiging epektib para sa kanila at mailimit yung production nla DeRozan at Lavine. Siguro sa ngayon magandang achievement na rin para sa bulls after ng mahabang panahon na wala sila sa playoff.
Maganda ang laro ni Giannis sa laban na iyon. Siya ay nagkamit ng 32 puntos at 17 na rebound at nagkaroon din ng 7 na assist
! Siya ay malaking pundasyon sa Bucks upang manalo sa larong iyon. Si Holiday din ay nag-ambag ng 26 puntos.
Tingin ko ang Chicago Bulls ay wala pa rin sa tuktok ng kompetisyon. Sa tuwing humaharap sila sa koponan mula sa itaas na lebel ay parang hindi sila nagpapakitang gilas.
Another exciting one,
Pelicans VS SunsHindi magkapareho ng lebel ang Pelicans at ang Phoenix Suns.
Pero tingin ko ay tabla ngayon ang serye at lahat ay nakatutok sa ikalimang laro ng serye. At talagang naniniwala akong malaki ang tsansa nilang upsetting sa Phoenix Suns
.
Tingin ko sina Ingram at Jonas ay magiging importante ulit para sa mga Pelicans. Sa huling laban, ay naging maganda ang laro nila sa court. Nagkaroon si Ingram ng 30 puntos, 4 na rebound, at 5 na assist. Si Jonas naman ay nagkamit ng 26 puntos na may 15 na rebound at 4 na assist.
Para sa Suns, magaling ang laro ni Deandre sa huling laban pero di pa rin sapat, nagkaroon siya ng 23 puntos at 8 na rebound.