Hindi naman sa nagmamagaling ako pero nakakahiya yung pagkakatambak sa kanila sa mismong court nila tapos game 7 pa.
Wala na nga lang talagang magagawa sobrang alat nilang lahat kabaligtaran ng nilaro ng mga Mavs players na talagang swak ang pukol.
Grabe yong ginawa ni Luka sa series na to, akala ko talaga na hindi nya kakayanin na buhatin yong team nila laban dito sa Suns.
Nakakahiya nga yon pero alam naman natin na pwede rin itong mangyari sa kahit na kung sinong team at saka professional naman sila para tanggapin ang pagkatalo nila kaya walang problema to pwera nalang sa ibang fans na hirap tanggapin yong pagkatalo ng Suns at nagsunog pa ng jersey ni CP3.
Palagay nyo, sino kaya ang mas magaling, si Luka or Dirk?
Bias ako pero yung batang Luka marami pang papahirapan nagsisimula palang yung pagsikat nya at sa malamang kung hindi man sila makakalusot ngayon gagawa ng paraan ang team owner ng Mavs para mapalibutan sya ng mga magagaling na players para makatulong, katulad din ng ginawa nila kay Dirk nuon na pinalibutan ng mga role players na talagang nakatulong nya sa pagbuhat ng Mavs.
Sa ngayon, focus muna tayo sa ipapakita pa ni Luka after nilang silatin ang Suns sa sarili nilang court ang tanong if kung sakaling maulit ng Mavs na mapaabot ng game 7 itong series kaya din kaya nilang talunin ang Warriors? masyado pang maaga para mag conclude kaya enjoy muna natin ag game 1 tapos tuloy natin ang obserbasyon at mga opinyon natin..