Si booker ay naka score ng 42 points, pero ang teammates niya mababa lang ang score, kaya talo pa rin.
Abangan natin sa game 5 kung mananalo ang Suns.
Para sa akin, kahit mag 50 points pa si Booker basta hindi lang makakascore na malaki kasama niya, tiyak lamang ang bucks. Nakikita naman natin na napagod talaga si booker, so maganda ang naging strategy ng Bucks dahil hindi masyadong na spread ang bola pag si booker ang tumitira.
Booker 28 FG attempts, at wala palang naipasok ng kahit isang 3 points man lang, pero maganda naman ang percentage niya compared kay middleton.
Maganda ang na produce ni Booker pero si Chris Paul naman ang nagkulang. Nawala na rin ang contribution ni Bridges, pagkatapos maka pag score ng 27 points sa game 2, biglang bumaba ang production sa game 3 and game 4.
Game 3 - 4 points
Game 4 - 7 points.
Mukhang di na makakabawi yang si Bridges dahil patagal ng patagal ang series mas nakukuha ng ng Bucks mabuti kung anong dapat nilang gawin sa depensa. Si Giannis, Middleton at pati si Holiday, nag improve talaga sila, hindi matatalo ng Suns kung ang kanila big 3 ay hindi consistent.
Baka game 5 babawi na yan, ganito kasi ang nangyayari, ang Suns mas maraming shooters kaya lamang sila sa offense, samantalang ang bucks naman, magaling sa defense kaya nalilimit nila ang production ng ibang shooters ng Suns. Meron silang 2 days break para maka pag isip, so expect natin ang malaking pagbabago or adjustment sa game 5.
Kung maganda ang magiging laro pareho ni CP3 at booker, tiyak Suns na mananalo diyan dahil expected na maganda ang pwestuhan ng mga shooters ng Suns.
Walang masyadong line movement, maaring mas maraming pabor sa Bucks na macover ang spread sa larong ito.