Game 5 na tayo mga kabayan, maaaring last game na ito ng Clippers, so sa mga supporters diyan, pakita na kayo.
Anong dapat gawin ng Clippers dito para manalo sila?
Please, wag na nating sabihin na palaruin si Leonard dahil hindi possible sa game na ito.
Maaring mananalo ang Suns pero sure ako magiging close game pa rin ito gaya ng dati.
Ano sa tingin ninyo?
Close game kung ung pagiging agressibo ng Clippers eh nandun pa din, kailangang kailngan nila lahat ng tulong na maiaambag ng bawat players nila
ngayon, dapat mag adjust sila between Mann and PG bigyan nila ng mas madaming opportunities yung bata para lumabas ung totoong potential.
Nakita naman natin ung kapasidad nung bata nung last game nila sa Jazz.
Pagandahan na lang ng balasa ang bawat Coach at kung papano lalaruin ng mga players ang kanilang mga roles, medyo mahirap pumili kasi parehas may magandang chance manalo ang bawat isa.
Si PG pa rin ang magdadala sa outcome ng larong ito, kailangan niyang mas galingan pa para mas ganahan pa ang teammates niya. Sa nakikita ko, hinid is Mann ang umiiskor kapag hirap si PG, kundi si Jackson at napakalaking ambag rin ni Jackson sa playoffs at a series na ito.
Mukhang questionable pa si Zubac sa larong ito, maglaro naman sana siya dahil kailangan talaga dahil sa galing ni Ayton sa loob.
PG 5-20 lang ang shooting last game, napakababa niyan, kailangan in improve to more than 50% para lumaki ang chance nila.