Eto na nga yung sinasabi ko eh yang load management na yan ay parang cheating na din iniiwasan ng isang team na ma injured yung key players sa laro habang yung ibang team ay mag fufull force sa pinaka malakas na line up nila. Unfair kasi eto sa mga fans na nag babayad para lang makita nila ang mga idol nila only to find out na hindi mag lalaro dahil umiiwas sa injury.
Source : https://www.nytimes.com/2019/11/07/sports/basketball/kawhi-leonard-clippers-fined.html
Mukhang maliit to para sa buong kompanya ng Clippers pero yung issue ang matindi dito.
Biglang nagbukas ang iba't iba kuro kuro tungkol kay Kawhi Leonard at kung bakit siya binebaby ng ganon.
Ano nga ba talaga ang dahilan sa likod nito?
Sadya bang injured siya?
Bakit magkaiba ang sinasabi ng coach niya at ng medical teams?
Si Kawhi ba ang gusto talagang magpahinga or pinipilit ba siya upang sagad ang lakas niya sa susunod na game?
Yan mga tanong na yan ang gigisa sa kanila ngayon.