Mukhang lahat ng team na nalilipatan ni Kawhi gumaganda lalo yung performance. Malakas chance na aabot ang LAC sa finals kapag ganito sila kaconsistent. At malaki ulit ang chance niya na maging finals MVP, KUNG lang naman na aabot sila sa finals.
Hindi na bago yan kabayan, posible talaga siya ulit maging MVP pag nagkataon. If we imagine hindi sya ganun kalakas ang impact habang naglalaro hindi tulad ni Curry na mapapanganga ka sa sobrang layo tumira o kaya naman mapapasigaw ka like pag nakita mo naman si Irving magfancy moves, gayunpaman napakaeffective niya. Simple lang ang galawan niya like Kobe pero ang lakas bumuhat ng team.
Ang lakas ng charisma ni Kawhi syempre pati na rin yung laruan niya kaya pinag-aagawan ng mga team eh. Kung mag champ man siya ulit ngayon tingin ko aalis ulit siya tapos lipat lang ulit ng ibang team na may maganda offer din.
Eto link sa live bro
https://www.facebook.com/NBAPhilippines/videos/2351483531829446/ Via FB yan. Sa fb lang kasi may mabilis na streaming sa mobile.
Lakers to bro mag lalaro si Kuzma ngayun.
Anyway may nabalitaan ako na may mag bubukas uli ng cable channel ng NBA. Hopefully sana totoo yun kasi wala pang reliable source eh.
Nanonood ako sa live ngayon. Hehe.
Yung sa cable, kung wala pang announcement baka hanggang rumor nalang yan total meron naman na silang FB live.
Currently watching via link you posted. Medyo blurry nga lang di ko lang alam kung sa net namin o sa paglilive di naman napuputol to bro? kasi yung ibang live na napapanoodan ko napuputol yung live tapos di mo na mapanood ulit pero since NBA PH naman to mukhang tuloy tuloy naman. Bad start sa lakers pero 1st quarter palang naman madami pang mangyayare.
Malinaw siya sa akin at walang problema naka 720p ako, tuloy tuloy lang baka net mo yan. Ilang mbps ka ba?