Ganda ng laban ng Warriors vs Clippers kanina. Akala ko tapos na ang Clippers nung nalamangan ng malaki, pero hindi talaga marunong sumuko ang Clippers kahit na undermanned sila. Hindi pala naglaro si Kawhi Leonard, pero buti maganda ang laro ni PG and Harden, kahit nag fouled out si PG sa 4th quarter na marami pang oras.
Westbrook talaga, grabe ang energy, kahit maliit pero kumukuha nag offensive rebounds.
Bukas naman tayo before the all star.
Bucks -11.5
Warriors -2
Wolves -9
Congrats kabayan, naka isa kana kasi 3 points panalo nag Warriors. Muntik pang makabalik, buti nalang nag turnover ang Jazz at yung last attempt hindi pumasok. Sa Bucks, sayang, okay sana kahit di nag cover basta nanalo lang sila, pero talo sila, parang may sakit tong Bucks, on and off ang laro, mahirap pagkatiwalaan ito.
Wolves -9.. magandang naging umpisa sa first quarter, 30 points lamang, pero unti until ng bumabalik ang Portland.
10 points nalang ang lamang ng wolves, pero mahaba pang oras, sana manalo ka dito para 2-1 at profit ka.
Congrats! Buti pa to naka 2-1 at meron net win. 1-1 lang ako ngayon pero talo dahil mas malaki talpak ko sa parlay ng Bucks at Wolves, mababa lang kasi odds kaya nilakihan ko na. Walangyang Bucks, nawala na yung dating ruthless na team. Simula si Doc Rivers naging coach mukhang nagkaproblema.
Swerte lang, muntikan pa yung Warriors ko, buti nalang -2 lang. Wala talagang safe pag 3 point shooters yung magkalabang team dahil ang dali lang makabalik kahit tambak. Buti nagulo yung last play ng Jazz at hindi na umabot ng overtime, pero ang sakit siguro kung natalo pa gaya ng nangyari ng laban nila kontra sa Clippers.
Medyo mahaba-haba pahinga at sa Lunes pa ang All-Star games. Baka meron pa hahabol sa trade deadline. So far walang superstar kahjit isa ang nalipat sa ibang team.
Enjoy nalang tayo sa all star, may betting pa rin naman, pwede rin magpahinga tayo.
Maganda tayaan ang 3 point shooting at slam dunk, baka trip mo.
Meanwhile, nag-penalty and NBA ng $75k kay P.J. Tucker dahil nagdemand raw ito ng trade ibinahagi sa publiko. Ito na pala ang pinakalamaking penalty ngayon season.
Di ko na kabisado saan na tong si P.J Tucker, mula kasi ng umalis sa Rockets, humina na ang laro niya.
Malaki man ang penalty, pero kaya niya yan, milyones naman na kinita nya sa NBA.