Congrats kabayan. Mukhang bumalik na ang swerte mo.
Ano kaya balak nitong Clippers? Mas maganda kasi ranked 2nd or 3rd para iwas Denver kaso mukhang mahirap na habulin. Magandang posisyon siguro ranked 6th para TWolves makalaban at kung manalo OKC naman sa second round.
Malayo pa yan kabayan, tingnan nalang latin. Ngayon na healthy na rin si Westbrook, tiyak babalik sa old Clippers yan, saka kahit ano pa ang rank nila, malakas pa rin sila sa playoffs dahil sa experience nila. Basta tingin ko si Leonard talaga magbubuhat dito kasi pag playoffs unstoppable talaga yan si idol Kawhi.
Yan din ang inaasahan ko kabayan, pagdating ng playoffs tapos healthy lahat ng stars ng Clippers medyo mabigat na kalaban sila kasi hindi mahihiyang bumira yung tatlong stars na yan sabayan pa ng mga role players nila na hindi rin matutumbasan yung kakayanan sana lang talaga umabot ng playoffs na healthy ng sabay sabay para magkaalaman na sa west side kung sino ang gigiba sa defending champ hehehe.
Kung batang team pa makakatapat nila like Kings or kahit na Suns, tingin ko sa Clippers pa rin ako. Medyo sure ako 1st round exit ulit ang Kings kung sakaling makapasok. Pero kung Suns naman makakalaban ng Clippers, magandang match up yan, pero duda ko kay Durant, kayang kaya ni Leonard limitahan si Durant kasi magaling sa defense itong si Leonard eh. Saka Booker, marami ring maka pag depensa sa kanya, at itong si Beal naman, parang naging non factor na kasi inconsistent mga laroan.
Alat yung Miami at Kings kaya lagapak yung mga tumaya sa kanila, hindi pinaporma lalo na yung laban Mavs at Kings umalagwa na sa 2nd half at hindi na pinaporma pa yung Kings bigat talaga pag maganda laruan ng buong team hindi kailangan mapagod ng mga stars saktuhan lang tapos yung mga role players talagang umaambag.
Ganda lang kasi ng ball movement ng Mavs, tapos si Sabonis di maka porma, mabibilis rin mga big man ng Dallas, kaya malaki talaga ang chance nilang mag champion since Meron mana Irving and Luka. Ito lang ha,, kanina nakita ko pinasabay dalawang big man, kawawa yung mga ataki ng Kings sa loob, malas pa naman sila sa labas.
Gafford, Lively II, Kleber, ... ito talagang tatlo mabigat rin to.