Sa totoo lang, hindi ako excited sa All-Star game ehh hehe, gusto ko na matapos yong para balik na yong laro at makapusta na tayo haha.
Biro lang pero madalang na lang kasi akong manood ng all star game simula noong hindi na masyadong nagdedepensahan na para bang biro or warm-up na lang yong ginagawa nila.
Panalo yong Team Giannis at ngayong ko lang rin nalaman na first time pa pala nya na nanalo laban sa Team Lebron, marahil siguro wala si Steph Curry kaya nanalo sila.
Di rin kita masisisi dyan kabayan kasi ramdam na ramdam kita, di ko na trip ang bagong format ngayon lalo na at parang puro nalang pasikat ang nangyayari. Kumbaga ay parang pinag-isa na nila ang Slamdunk contest and 3-point contest sa iisang game pero mas higit na marami ang participants dahil nga ay meron na itong main starting five at reserves.
Alam ko naman na nag-iingat lang sila dahil may mas important games pa silang kakaharapin once mag resume na ulit ang regular games dahil nga sa puntong ito ay mas lalong hihigpit ang mga laro dahil nga iilang games nalang ang natitira bago mag Play-in at playoffs. Pero kahit kunting entertainment lang naman sana, pero wala eh haha.
Di bali, sa makalawa ay makakapusta na ulit tayo. 9 games din ang gaganapin, bawing-bawi.
Hindi lang pala tayo ay may hindi gusto sa bagong format ng NBA all-star kasi may marami akong nababasa sa social media na nagpapahiwatig ng pagkakadismaya dahil din sa hindi nila nagustuhan yong laro pati nga yong coach ng kabilang team ay tinawag nyang horrible game yong all-star kaya palagay ko may mangyayaring pagbabago na naman siguro next year hehe.
Bukas balik na yong mga laro at yong totoong nagbibigay kasiyahan sa ating mga sports bettors.