Mukhang di nila kaya magpanalo kapag wala si Paul George sa line up. Malaking tulong din naman kasi talaga ang production ni Paul George sa Clippers. Maganda naman ang performance ni Kawhi at WB sa mga games nila pero natatalo pa rin sila. Pero malamang pagbalik ni Paul George sa playoffs, mag iiba ang laro nila at maganda ang magiging resulta.
Ang next game ng Clippers ay laban sa Lakers. Magandang mapanood ito dahil ito ang first time na makakalaban ni WB ang previous team nia na Lakers. Hirap manalo ang Lakers sa Clippers pero makikita natin kung nag-improve nga talaga sila ngayong wala na si Westbrook sa kanila.
Parehas na nangangailangan ng panalo ang bawat koponan para masecure yung playoff position, kung sakali kasing matalo ang Lakers baba ulit sila sa rankings samantalang pag clippers naman ang natalo baka masilat pa sila ng mga asa baba kaya talagang exciting tong magiging tapatan ng dalawang LA's, kasama pa yung factor na makikita nating WB sa ibang uniform after ma trade ng Lakers, medyo magiging maganda ang salpukan ng mga stars panigurado.
Tignan natin kung talagang solid na yung blend ng chemistry ng bagong Lakers core.
Oo parehas talaga, di pwedeng pechy-pechy lang ang kanilang laro dahil masyadong dikit-dikit ang standings nila sa West ngayon lalo na at yung mga team sa baba ay naghahabol din katulad nila. Magandang laro ito dahil dalawang home team haha, sino kaya sa dalawang LA ang makakalamang. Napakalaking bagay to at tulong sa situation nila kung sino man ang mananalo.
Sa Huwebes pa yong laro ng Clippers at Lakers, tingin ko buhos lahat to para sa dalawang team dahil dikit eh pero tingin ko rin ay lamang yong Lakers dahil kompleto sila ngayon at wala si Paul George sa panig ng Clippers. Malapit na akong maniwala na may halong malas talaga tong si Westbrook dahil kahit anong team siya mapunta ay magka-leche leche talaga ang buhay hehe.
Nakatatlong sunod na panalo na yong Lakers kaya palagay ko mananalo sila bukas laban sa Jazz dahil taas na ng kompyansya nila tsaka eliminated na tong Jazz tingin ko bigay na nila to.
Nagkataon lang siguro na walang laro ngayon, minsan lang to pero mangyayari rin.
Walang laro ang nba ngayon dahil sa NCCA National Championship daw, maari kasi ito na makaapekto sa rating kasi marami ding nanunuod neto, mahahati din kasi ang manunuod eh kaya siguro minabuti nila bigyan daan ang National Championship
ito ang report ukol sa bakit walang laro:
https://www.sportingnews.com/us/nba/news/why-no-nba-games-monday-2023-ncaa-tournament-championship/wcdvrzxzd04h4h8rf8hwnlad
Ayun pala reason kaya hindi muna magpapalaro ang NBA sabagay malaki din ang mababawas sa viewers nyan kasi yung NCCA eh talagang malakas din ang hatak nyan sa manunuod, pahinga na muna mga mananaya para mapag isipan maigi yung susunod na tayaan, tignan na lang natin ung bigayan sa susunod na game medyo may pahinga ang mga manunugal hehehe..