Pages:
Author

Topic: Newbie Welcome Thread - page 30. (Read 3003038 times)

newbie
Activity: 53
Merit: 0
January 22, 2018, 06:06:35 AM
sa mga matagal na po dito ano po ang mga advantages sa inyo ng bitcoin? para lang po dagdag kaalaman. bago lang po kse ako dto talagang dko pa po gamay to.
newbie
Activity: 1
Merit: 0
January 21, 2018, 09:19:50 PM
Hello po... bago lang din po ako.. zero knowledge pero willing to learn... ano po ba magandang gawin.. gusto ko lang muna itry 200$ na paglaruan to trade and all... ano po magandang wallet at platform to do buy and selling of crypto? salamat!
sr. member
Activity: 518
Merit: 278
January 21, 2018, 07:48:05 AM
Hello mga ka boss ok lang ba na bihira lang makapag post kasi nga bz sa work abroad eh..new bies din kasi maraming salamat sa tulong nyu lahat nga ka boss

Yes, hindi naman po required na magpost tayo araw-araw, depende nalang po iyon kung kasali ka po sa signature campaign at may kailangan kang punan na bilang ng post kada linggo. Pero gaya nga po ng sabi ni sir Dabs, kahit isang post lang isang araw ay pwede na kasi eventually magrarank up ka din naman po kahit ganyan lang ang gagawin mo. Ang importante lang talaga ay habang nandito ka ay sulitin mo yung oras na matuto ka dahil yan ang main purpose po ng forum na 'to. Yung kumita, secondary nalang po yun.



Good morning po... Newbie here... Ilang post po required para sa mga newbie per day? Thank you...

Kahit isa lang po kada araw ay pwede na.


Anong pong bitcoin wallet ang ginagamit sa canada?

Kung tiga-Canada ka po, maganda kung ang gagamitin mo po ay yung wallet na nakadirect na sa exchange nila tulad po noong QuadrigaCX at Coinsquare. Para po yang counterpart o alternative sa Coinbase ng US, na mayroon ng built-in wallet. Ngayon maliban po sa dalawang yan, pwede mo din pong subukan yung Cancoin. Kakabukas lang nila sa Canada at sa ngayon 0% pa ang fee nila.

Kung sakali naman po na ang hanap mo ay mabibilan ng hard wallet diyan, pwede mong puntahan yung website ng bitcoinWARE at sa kanila ka po umorder ng hardwallet. Matagal na din po silang seller at maganda ang reputation kaya makakasigurado ka po na hindi ka nila lolokohin kung sakaling sa kanila ka bibili. Check mo po sila dito.  



Salamat! Ang dami pala Shocked . Tanong lang, advantage po bang gumawa ng multiple wallets para diversify yung coins ko at mas maging safe? 

Depende sa preference mo po. Pwede kang gumawa ng multiple wallets for different coins at pwede din naman na iisa lang pero may support sa iba't ibang coins. Pero kung ako ang tatanungin mas gusto ko yung una kasi mas secured pagganun, especially kung hindi naman hard wallet ang balak mo po na gamitin para i-store lahat yung coins mo.
newbie
Activity: 2
Merit: 0
January 21, 2018, 01:38:27 AM
newbie
Activity: 64
Merit: 0
January 20, 2018, 11:37:08 PM
hello everyone! newbie pa rin ako kaya pasok pa din ako sa thread na to. first account ko to, ah actually second na. yung una 'unable daw to post' 'banned daw yung ip ko. meron daw evil something yun hihi, bayad daw muna ko ng satoshi.. nasa piso lang naman kaya nag send ako, pero hanggang ngaun unable pa rin.  smartbo stick yung ginamit ko dati. So nag globe ako, kaya eto na ko hihi...  Smiley



Welcome dito sa forum! Payo ko lang sayo kung ayaw mo ma banned yun is huwag kang gumawa ng kahit anong short post or shit post, kasi strikto talaga ang quality post dito.
Good day po sa lahat. Maraming salamat po sa mga post ninyo for the newbies. Newbie pa lang din po ako. Nakakatulong po lahat ng impormasyon ninyo. Maitanong ko lang po, kahit po ba sobrang taas na ng rank mo- pwede ka pa rin ba ma-banned dito sa forum? Salamat po.
sr. member
Activity: 518
Merit: 278
January 20, 2018, 10:45:17 PM
Hi mga kabayan. Pahelp ako panu yung staking? Is it necessary na gumawa ng signed signature of wallet address? Maraming salamat

Yung tungkol sa staking pwede mo po pag-aralan ang tungkol diyan dito. At kung para naman sa kung anong mga coins ang pwede mong i-stake ay check mo po itong article ni Sudhir Khatwani sa Coinsutra. Nandiyan na din po kung paano yung staking.

Doon naman po sa ikalawang tanong mo kung necessary ba na mag-sign ng message ay hindi naman po. Pero maganda na din na gumawa ka ng signed message para at least kung sakaling macompromise o may maghack ng account mo, sabihin natin dito, ay pwede mo siyang maretrieve. Download ka lang ng wallet na pwede ka magsign ng message tulad ng Electrum o kaya Multibit at gawa ka doon. O kaya pwede din sa Blockchain.info ka magsign ng message. Bukod pa diyan, pwede din sa mga hard wallet kung mayroon ka. Sa mobile, pwede mo siya gawin sa Mycelium.
sr. member
Activity: 518
Merit: 278
January 20, 2018, 10:10:34 PM
hi. good day! ano pa po ba yung maganda and legit na wallets as of now coins.ph yung ginagamit ko. thank you!

Maraming magandang wallet pero lahat yan dedepende nalang sa kung ano ang preference mo. Mayroon mga tinatawag na client. O ito yung mga original option na ginagagmit na storage. Ang pinakauna nito ay yung Bitcoin Core (Bitcoin-Qt). Ito yung dinevelop ni Wladimir J. van der Laan, base sa code na ginagawa mismo ni Satoshi. May mga advantage yan kapag gagamitin mo. Una. Ikaw na mismo yung nagpapatakbo ng node. Ikalawa. Hindi ka nakasandal sa mga third-party tulad ng ibang wallet. Hawak mo ang private key, at pwede mo siyang i-store gamit ang iyong personal hard drive. At ikatlo. Sa lahat ng storage na pwede mong gamitin, ito ang sinasabi na pinaka-secure. Ngayon kung may mga advantages mayroon din siyempre na mga disadvantages. Una. Kung mabagal ang internet mo at wala ka masyadong disk space sa hard drive mo, hindi siya magiging applicable na gamitin. Sa latest nalang nitong version, halimbawa, ay kakain na siya ng halos 145 GB disk space. Imagine kung ilang oras mo iyon idadownload sa strength ng internet connection natin dito sa Pinas. Baka abutin ka ng ilang araw bago mo siya matapos. Ikalawa. Ang Bitcoin Core kasi ay nagamit ng encryption kaya kung nakalimutan mo ang passphrase ng wallet mo, hindi muna siya magagawang iretrieve, puwera lang kung marunong ka magbrute force para makuha mo yung passphrase mo. Ikatlo. Dahil client nga siya at nakainstall sa gamit mong computer, hindi mo magagawang maaccess ang coins mo sa ibang computer kung sakaling kailanganin mo.

Ngayon maliban sa client, mayroon din tinatawag na modified client. Mas kilala ito sa tawag na desktop wallet. Katulad din siya halos noong Bitcoin Core, subalit ang kaibahan lang, mas light siya. Hindi masyado kumakain ng space sa hard drive kumbaga. Ang ilang halimbawa po niyan ay yung Multibit, Electrum, Armory, Exodus, Jaxx, mSIGNA, Copay, at Green Address.

Ang ikatlong wallet o storage na pwede mong gamitin, maliban sa mga naibigay ko na, ay yung tinatawag online o web wallet. Kapag sinabing online, hindi yan kailangan i-install at hindi siya standalone program tulad ng client at modified client. Sa online wallet, kahit anong computer pwede mo siyang maaccess basta mayroon kang internet. Isa pa sa kinagandahan nito ay dahil hindi nga siya nakalagay sa hard drive, kung sakaling masira ang computer mo ay maari mo pa din siyang maaccess. Pero siyempre, may downside din yan. Una. Nakasandal ang ganitong klase ng mga wallet sa mga third-party kaya malaki ang risk na pwedeng mahack at mawala ang ii-store na coins sa kanila. Kung pamilyar ka sa phishing sa cryptocurrency, kalimitan target niyan ay mga online wallets kasi madali silang manakaw. Kung nagkamali ka ng  na-type nalang, halimbawa, na domain at phishing yung site na nailagay mo. Kapag nag-login ka sa site na yan, pwede ng makuha o malaman noong hacker yung password at email mo at nakawin ang laman ng wallet mo. Iyan ang isa sa drawback kapag gagamit ka ng online wallet. Ngayon para sa online wallet, ang ilan sa mga pwede mong gamitin na ganyan para i-store ang bitcoins mo ay yung Coinbase (exchange), Blockchain.info, BitGo, Coin.Space, Coinapult, BTC.com, at Counterwallet. Pwede din yung mga wallet sa mga exchanges. Maikukunsidera din ang mga iyon na online or web wallet.

Kung sakali naman na wala ka palaging access sa computer mo, pwede ka naman magdownload ng mobile wallet at ito ang gamitin mo. Pero katulad sa online wallet, konting ingat din sa paggamit nito dahil vulnerable din siya na mahack. Ang ilan sa magandang mobile wallet na gamitin ay yung Coinomi, Mycelium, Copay, Electrum, Jaxx, Breadwallet, Airbitz, Samourai Wallet, BitPay, at Bither.

Ang ikaapat na wallet na pwede mong gamitin na alternative sa Coins.ph ay yung tinatawag na paper wallet. Gawa ka lang ng public address at private key mo at lagyan mo lang ng bitcoins yung public address mo at tsaka mo i-print. Pwede mo yan lagyan din ng QR code at once na maprint muna, itago mo sa lugar kung saan safe siya. Ngayon kung tatanungin mo kung paano gumawa niyan ay punta ka lang sa website tulad ng BitAddress at sundan mo lang yung step na tinuro dito sa CoinDesk.

Ngayon ang panghuli at ikalimang pwede mong gamitin na storage para sa coins mo ay yung tinatawag naman na hardware wallet. Sa ngayon mayroon lima na sikat na hardware wallet at ito ay ang mga sumusunod: Trezor, KeepKey, Ledger Nano S, OpenDime, at  Digital Bitbox. Kung pipili ka sa lima na yan, piliin mo kung ano yung preference mo sa isang hard wallet. Gusto mo ba na maganda ang design niya, malaki ang screen, mababa ang presyo, then KeepKey ang pipiliin mo. Kung gusto mo naman na maganda din yung design, maraming coins na sinusuportahan, madaling gamitin, mababa ang presyo, at maganda ang reputation ay Ledger Nano S ang bibilin mo. Doon sa iba, pwede mong i-search nalang yun para makita mo talaga at mapaghambing yung features nila.

So I think, ito na lahat yun. Kung hahanap ka ng alternative sa Coins.ph, ikunsidera mo yung mga binigay ko para madami kang option na pagpipilian.

Sana nakatulong sa'yo ito.
newbie
Activity: 112
Merit: 0
January 20, 2018, 07:53:36 PM
Magandang umaga sa lahat! Isa din po akong newbie...kso newbie na nabiktima ni The Pharmacist.huhuhu...grabe sya sa  red trust n binigay nya sa akin...actually madami dami n kmi...panay pinoy. Pag pray ko nlng. Anyways, laban pa din...tuloy kahit panay bounty nlng...salamat po sa thread na ito.
member
Activity: 280
Merit: 60
January 20, 2018, 06:58:48 PM
Hello po. Tanong lang po mga kaibigan, bakit po nade-delete yung recent posts ko? Tingin ko naman po wala namang violation ng rules since binasa ko po muna yung mga rules and regulations ng forum. Maraming salamat sa sasagot mga kaibigan.  Smiley
Depende kung saan ka nag post, its possible minsan mismong thread ang na dedelete.
Or minsan maikili or out of topic ang post no kaya ba dedelete. Maganda gawin mo if may kausap ka i qoute mo yung post nila tapos saka ka mag reply.
Minsan naman sa mga ANN Thread hindi na necessary ang pag post na joined ka na sa airdrops or bounty nila. So basa basa muna pinaka maganda bago ka ma post ng reply.
newbie
Activity: 1
Merit: 0
January 20, 2018, 03:25:44 AM
Hi mga kabayan. Pahelp ako panu yung staking? Is it necessary na gumawa ng signed signature of wallet address? Maraming salamat
newbie
Activity: 75
Merit: 0
January 19, 2018, 12:44:24 PM
Salamat po at mayroong section na ganito para sa mga newbies na katulad ko. 
May tanong po ako.   Ano po ba kaibahan ng trading _buy and sell lng ba sya?  Sa investment naman saan po pwede mag-invest?  Kapag investment matagal po ba ang return hintayin pa na tumaas ang value ni bitcoin?

Thanks!
newbie
Activity: 2
Merit: 0
January 19, 2018, 12:01:17 PM
Hello po. Tanong lang po mga kaibigan, bakit po nade-delete yung recent posts ko? Tingin ko naman po wala namang violation ng rules since binasa ko po muna yung mga rules and regulations ng forum. Maraming salamat sa sasagot mga kaibigan.  Smiley
newbie
Activity: 98
Merit: 0
January 19, 2018, 05:14:35 AM
Tanong ko lang po, tama po ba ang pagkakaintindi ko  in the correct order  (1) set up a wallet, (2) deposit funds to said wallet, (3) use those funds (CAD) or BTC for purchasing other coins. Nalilito  pa rin po kasi ako? meron po ba dito gumagamit ng coinbase wallet?
hero member
Activity: 2996
Merit: 580
Hire Bitcointalk Camp. Manager @ r7promotions.com
January 18, 2018, 11:58:20 AM
Hello sa inyong lahat na mga newbie welcome kayo sa forum magbasa basa lang at mainam na basahin niyo muna ito https://bitcointalksearch.org/topic/to-all-newbies-feeling-newbie-read-this-before-opening-a-new-thread-2412546

Hi po sa lahat...baguhan lang po ako dito,I just want to learn and to gain a bitcoin.
Sana po,makapasok ako sa campaign.. Thanks po sa lahat.
Wag mo muna isipin ang campaign dahil marami kang pwedeng matutunan dito sa forum kapag naging masipag ka sa pagbabasa.
newbie
Activity: 28
Merit: 0
January 18, 2018, 07:46:27 AM
Hi po sa lahat...baguhan lang po ako dito,I just want to learn and to gain a bitcoin.
Sana po,makapasok ako sa campaign.. Thanks po sa lahat.
jr. member
Activity: 77
Merit: 7
January 18, 2018, 06:17:28 AM
Newbie Question ; Pwde po ba ko makareceive ng BTC  kahit d pa verified ung coins.ph wallet ko?
Sa tingin ko naman ay pwede kang maka receive ng bitcoin kahit hindi verified yung coins.ph mo kasi may mga kakilala akong nag bibitcoin na hindi verified yung coins nila.
newbie
Activity: 16
Merit: 0
January 18, 2018, 04:49:17 AM
Newbie Question ; Pwde po ba ko makareceive ng BTC  kahit d pa verified ung coins.ph wallet ko?
newbie
Activity: 129
Merit: 0
January 18, 2018, 04:21:25 AM
hi. good day! ano pa po ba yung maganda and legit na wallets as of now coins.ph yung ginagamit ko. thank you!

Pwede mo rin subukan ang bitbit.ph at buybitcoin.ph... Kung may account ka sa isa sa mga nabanggit, meron ka na rin agad sa isa.
newbie
Activity: 43
Merit: 0
January 18, 2018, 03:55:06 AM
Hi Everyone,

Good day mga Kabayan!

I am Rafael from Cavite, a digital marketing professional and advisor for a couple of blockchain projects. I am also the Asia Pacific Leader of the Blockchain Advisory Council, a global group that specializes in helping startup projects launch and complete their ICO.

Napansin ko lang, some of my previous replies got deleted, my apologies if may mga nabreak akong rules.

Looking forward to contribute dito Wink
newbie
Activity: 76
Merit: 0
January 18, 2018, 03:47:51 AM
Newbie pa din ako. Dami ko pa gusto matutunan. Dahil sa thread na to, alam ko madami ako matututunan about sa bitcoin. Sa mga masters dyan, bigyan nyo ko tips sa pagbibitcoin hehehe. Unang gusto ko matutunan pano ba mag rank-up dito sa jr. member? Thanks!

https://bitcointalksearch.org/topic/to-all-newbies-feeling-newbie-read-this-before-opening-a-new-thread-2412546
Pages:
Jump to: