Pages:
Author

Topic: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH - page 3. (Read 764 times)

full member
Activity: 1344
Merit: 102
haha pinagcloudbet pala niya ang mga nakuha niyang bitcoin sa mga investors para maka doble, pagnaka doble siya ibibigay din niya yung investors ng 25% siguro at sa kanya naman ay 75%, siguro ito ang kanyang strategy pero kaya lang na LuGe tuloy.
newbie
Activity: 266
Merit: 0
Buti na lang nadala ako sa mga ganyang investment..Kung hindi yari din sana...Ung iba kasi na sumasali diyan walang idea sa crypto or sa bitcoin, itong mga promotor naman sinasamantala nila ung mga gnyang tao..Maigi na lang at nahuli na mga yan.
member
Activity: 264
Merit: 20
|EYEGLOB.NET|EYE TOKEN|
Siguro naman wala sa inyong nabiktima ng classic ponzi scheme ng mga ungasis na to? Kung sino man nakajoin dyan, habulin nyo upline nyo at kasuhan nyo na direkta. Isa sa kaibigan ko ang nasa millionaire upline ng NewG ang ngayon sising sisi sa ginawa nya. Mabuti't iba nyang kaibigan na kaibigan ko din ay nawarningan ko kagad sa risk. Now he learns his lessons.
ABS-CBN news on NewG Bitcoin Investment Scam
https://www.youtube.com/watch?v=JjAPtQ63MCY

Pinang Cloudbet ni Bitcoin Billionaire daw. LUL!
https://www.facebook.com/arnel.ordonio.9/posts/1673511899409534

The Leader of the Ponzi Scheme
P.S He looks like he knows nothing about bitcoin other than using it for gambling.


Update : Uplines listed by Complainants. Kung wala ang pangalan ng Upline mo, makipagtulungan kayo sa attorney nyo or kinauukulan.





Masyado naman silang gahaman at bitcoin pa talaga ang napa bulaanan na scam imbes na investment scam ang gamiting terms kaya pag narinig nila na btc yung iba ayaw na kahit paliwanagan dapat lng sila makulong.
full member
Activity: 546
Merit: 107
Marami kong mga kaibigan na nahulog dito sa NewG. Nahinvest sila ng 90k dahil yun na yung minimum na investment na maaari mong ipasok. Pero ilang buwan lang ay wala sila nakukuhang "payout daw". Sa tingin ko naipit lang yung mag asawa dahil ininvest nila sa bitcoin lahat ng nakolekta nila noong nasa ATH (All Time High) ang presyo ng bitcoin, dahil akala nila mas tataas pa ang bitcoin pero bigla nalang bumulusok ang presyo nito, kaya hindi sila makapagpasahod.
legendary
Activity: 1008
Merit: 1000
GigTricks.io | A CRYPTO ECOSYSTEM FOR ON-DEMAND EC
sana naman wala, kaya tayo andito kasi para malinawan tayo sa lahat if tambay kayo dito and till the end naniwala pa kayo jan sa mga yan nako ewan ko na lang. Actually kahit di ka nga maging tambay dito if you are smart enough para hindi i entrust sa iba yung future o yung tinatawag mo na hard earned money. Kasi sariling pera mo yan there's no such thing na mag iinvest ka lang at pag-gising mo hayahay buhay na. Kahit anong produkto o scheme pa yan as long as wala kang kahit anong pinunla jan at the end of the day wala kang aanihin jan kundi regrets.
sr. member
Activity: 819
Merit: 251
Tingin ko din na ito na nga ang pinakamalaking investment scam using bitcoin dito sa pilipinas kaya nadudungisan ang pangalan ng bitcoin dahil sa mga ganyang tao. Tama lang na nahuli ang dalawang couple na yan para di na makapang scam pa.
full member
Activity: 253
Merit: 100
Ang isa sa mga kakilala ko muntik ng ma scam niyan  buti na lang at na introduce ko na sa kanya ang tungkol sa bitcoin, kaya naiwasan niya ito. Karamihan dyan nag memessage sila sa facebook, at tinatanong kung alam ba nila ang bitcoin. At kapag nalaman na nila na hindi alam. Saka sila mag ooffer ng kung anu anu. Kaya para po sa mga newbie ingat po kayo. Huwag basta basta magtitiwala sa hindi trusted na tao. Ang mga scammers ay nanjan lang naghihintay lang ng tamang panahon at oras upang maging isa ka sa kanilang biktima.
member
Activity: 476
Merit: 10
Update :
There could be a possible senate hearing for the alleged involvement of ranking officials with NewG.

http://news.abs-cbn.com/news/04/13/18/senate-mulls-probe-into-alleged-p900-m-bitcoin-investment-scam

Sana magkaalaman na talga kung sino yang mga na kasabwat sa ponzi scheme na ito mahirap na talga mabawi yang nawala sa mga biktima pero sana mahuli at mapanagot lahat ng may sala sa sabwatan na to. Kaya dapat alamin muna lahat ng mga bagay na sinasalihan natin bago tayo magsimulang maglabas ng pera para hindi tayo magsisi sa huli.
member
Activity: 231
Merit: 10
Ayan na nga ang sinasabi kapag mga invest-invest na ganyan. Hindi alam ng karamihan sinusugal lang din naman ang pera nila sa trading or mining. We all know na hindi laging panalo sa ganitong larangan. Bakit kaya hindi na lang pag-aralan ng mga investors yung pinasok nila sa cryptocurrency atleast yung pera na ilalabas nila sila mismo ang hahawak. Yang mga ponzi scheme na yan sobrang dami na nila at kaya dumadami pa sila ay dahil pinapabayaan lang ng karamihan. Buti na lang at may mga kapwa pinoy tayong may malasakit at nag effort para tugisin yang mga ulupong. Sinisira nila imahe ng trading lalo na ang bitcoin.
sr. member
Activity: 728
Merit: 252
Healing Galing
Update :
There could be a possible senate hearing for the alleged involvement of ranking officials with NewG.

http://news.abs-cbn.com/news/04/13/18/senate-mulls-probe-into-alleged-p900-m-bitcoin-investment-scam
member
Activity: 264
Merit: 20
|EYEGLOB.NET|EYE TOKEN|
Halos nakababa ng tingin ng iba tao sa bitcoin ang ginagawa nilang ito diba nila naisip na ikasisira ito ng mga iba pang investors na nais pumasok o matuto sa crypto since nasisira ang pangalan ni bitcoin na dawit lng sa kalokohan nila ay naguguluhan  din ang iba kung ano nga ba at paano kumita ng bitcoin.
hero member
Activity: 1092
Merit: 501
Tama ba yung dinig ko dun sa Youtube video ng TV Patrol? 15 million pesos yung nawala dun sa lalakeng in-interview at sa mga kasama niya? Yan ang nagagawa ng dumb money. May ganun silang kalaking pera pero hindi nila alam kung pano ito hawakan ng mabuti at hindi nila makita kung ang isang investment medium ba eh scam or hindi. Hindi sa sinisisi ko yung mga nawalan ng pera kasi nakakaawa sila pero isa din sila sa may kasalanan sa nangyari sa kanila. Wag na nating lokohin mga sarili natin, oo nga't nandiyan ang mga manloloko pero dapat ginagawa natin ang lahat para hindi tayo maloko. Imbes sa kung ano anong bagay sila mag invest, dapat sa knowledge/kaalaman muna sila mag invest. Kaya sila naloloko kasi kulang yung information na meron sila.

Medyo sang-ayon ako sa mga sinabi mo Sir. Maari ngang biktima sila ng mga scammer sa laki ng kanilang inilabas na pera, at eksaktong eksakto rin naman ang sinabi mo na hindi sila naging maingat. Bkit? dahil unang napasukan narin kasi kahit pano ng greediness ang mga naginvest at no.1 nga ay kulang or wala silang sapat na knowledge sa bagay na kanilang pinasok na investment scheme.
newbie
Activity: 39
Merit: 0
Calling the attention of the mod. This thread is non-Bitcoin-related but PONZI and/or SCAM so, it should be thrown into the trash can like what happened to posts related to the merit system. This thread/post gives nothing but a negative effect on Bitcoin.
sr. member
Activity: 1289
Merit: 294
''Vincit qui se vincit''
Dapat silang lahat managot pati yung close downlines na matataas ang level sa system dahil sa pag iinvite ng mga walang kaalam alam na mga investors.
Sigurado nagtatago na yang mga downlines nila dahil sa balita.
full member
Activity: 1365
Merit: 107
Sugars.zone | DatingFi - Earn for Posting
Walang mang e scam kung walang magpapa scam. Sana mamulat na ang iba na bago pumasok sa mga ganyan ay mag imbistiga muna huwag agad magpasilaw sa mga matamis na dila na kesyo kikita ka ng malaki pag nag invest ka. Karamihan ay nasilaw sa mga mamahaling kotse na pinapakita ng newg sa youtube kaya invest agad pero di nila alam isang malaking scam pala.
member
Activity: 252
Merit: 10
Mabuti nga sir na huli sila kong indi cguro marami pa ma damy sa ma nga genagawa nila pati ma nga Legit na gawain natin damay narin sa genagawa nila pa unti2x na ngayun ma nga bitcoin user dahil sa ma nga report na scam daw si bitcoin kulang lang kasi sila sa research habang tayo dugo at pawis yung genagawa natin dito araw2x na damay pa sa manga scammer
full member
Activity: 476
Merit: 108

lalaki pa talga yan dahil sa matagal na panahon na yan sa pag kakaalam ko kasi 2 years ago na yan e tpos ngayon pa na yung mga nabitkima kinalimutan na nila yan at ngayong lumabas ang issue na yan talgang mag sasampa sila ng kaso dahil dun man lang makabawi sila .
Masakit talaga isipin na kapag may investment na madaling kitaan marami ang nabibiktima na hindi naiisip ang mga consequence na gagawin, kaya dapat maging lesson learned na to sa ating lahat dahil hindi pwedeng sa madaling kitaan lagi ang mga iinvest natin walang instant dito sa mundo natin.
Kung titingnan natin walang pinag kaiba yung modus nila sa mgs naunang payramiding or networking scam bakit meron parin nagpapaloko mga mkaraang taon maraming investment scam na same na same ung style pinag kaiba lang ginamit nila ung bitcoin tsk tsk tsk sana bago tyo mag lagak ng pera isipin mna ntin kung makatutuhanan ba. isipin mo every 16 days makapag cash out ks ng 30% of your investment di kw ba mag tataka kung paano sila kumita pra may pambyad sila sa investor? nakakaawa yung mfa nabiktima kaso sila rin ang may kasalanan naakit sila ngalaking kita na walang ginagwa tsk tsk tsk.
legendary
Activity: 1148
Merit: 1097
Bounty Mngr & Article Writer https://goo.gl/p4Agsh
Kaya ang ibang tao ay nawawalan ng tiwala at interes sa Bitcoin dahil sa mga scam na ganyan. Sa totoo lang last year ko pa narinig at nabasa yang NewG na yan sa fb na nageencourage sa mga tao na maginvest at pangangakuan ng  huge ROI. Sana bago sila naginvest pinagaralan muna nila ng maigi at sa totoo lang wala naman sigurong investment na ganoon kaagad kalaki ang balik sa loob lamang ng 16days. Sana maging lesson ito sa lahat.
Actually napakaclassic ng scheme nila. Dapat talaga din itong ituro sa eskwelahan lalo na't napakacommon ng ganitong klaseng scam. At maraming pinoy pa rin ang kumakagat sa mga kagaya nun. Naging panguto nila yung pag skyrocket ng price ng bitcoin kaya tingin ng iba dahil yun dun pero hindi naman talaga. Karamihan sa investors nyang NewG wala talaga totally alam sa Bitcoin at iniasa lang sa kanila ang kanilang pera.
Nakakapagtaka nga na ang dami nabiktima nitong dalawang to. Mahirap talaga magtiwala sa mga ponzi schemes dahil ang upfront lng ang siguradong kikita dito at panandaliaan lamang. Dapat maging mas masuri ang mga Pilipino pagdating sa mga investment. At kung manghihikayat tayo ng iba siguraduhin natin na legit talaga to.
sr. member
Activity: 728
Merit: 252
Healing Galing
Kaya ang ibang tao ay nawawalan ng tiwala at interes sa Bitcoin dahil sa mga scam na ganyan. Sa totoo lang last year ko pa narinig at nabasa yang NewG na yan sa fb na nageencourage sa mga tao na maginvest at pangangakuan ng  huge ROI. Sana bago sila naginvest pinagaralan muna nila ng maigi at sa totoo lang wala naman sigurong investment na ganoon kaagad kalaki ang balik sa loob lamang ng 16days. Sana maging lesson ito sa lahat.
Actually napakaclassic ng scheme nila. Dapat talaga din itong ituro sa eskwelahan lalo na't napakacommon ng ganitong klaseng scam. At maraming pinoy pa rin ang kumakagat sa mga kagaya nun. Naging panguto nila yung pag skyrocket ng price ng bitcoin kaya tingin ng iba dahil yun dun pero hindi naman talaga. Karamihan sa investors nyang NewG wala talaga totally alam sa Bitcoin at iniasa lang sa kanila ang kanilang pera.
full member
Activity: 308
Merit: 101
Kaya ang ibang tao ay nawawalan ng tiwala at interes sa Bitcoin dahil sa mga scam na ganyan. Sa totoo lang last year ko pa narinig at nabasa yang NewG na yan sa fb na nageencourage sa mga tao na maginvest at pangangakuan ng  huge ROI. Sana bago sila naginvest pinagaralan muna nila ng maigi at sa totoo lang wala naman sigurong investment na ganoon kaagad kalaki ang balik sa loob lamang ng 16days. Sana maging lesson ito sa lahat.
Pages:
Jump to: