Pages:
Author

Topic: NewG Bitcoin Investment Scam - Biggest Bitcoin Investment Scam in PH - page 5. (Read 815 times)

copper member
Activity: 896
Merit: 110
Ayos tong balitang to. Naging biktima talaga dito ang bitcoin. Sana wala na ulit mabiktima sa mga ganito. May katrabaho ako gusto nya sumali sa ganyang investment scheme. Sabi ko sa kanya hindi ganyan gamitin ang bitcoin. Ewan ko lang kung nakasali sya, sana hindi. Sana yung ibang schemes din na ginagamit ang pangalan ng bitcoin mahuli rin.
full member
Activity: 392
Merit: 100
ang pinagtataka ko lang guys bakit sila sasali sa isang samahan kung hindi pa nila ito napagaaralan, pinanghahawakan lamang nila ang pangako?? hindi ko maisip bakit sila naniniwala agad sa ganung kitaan. mahilig rin naman ako magsasali dati sa mga networking pero inaalam ko muna kung matatag ba ang sasalihan ko.
member
Activity: 196
Merit: 20
Masyadong malaking pera ang nakamkam ng mga scammer na ito halos umabot na ng mahigit Php900,000,000.00 plus so it means marami na talagang gumagamit ng bitcoin sa buong Pilipinas. Ito iyon link ng interview sa kanya  https://www.youtube.com/watch?v=zBEl8YEe2w0
Kaso napakababa ng magiging sintensya sa kanila kasi estapa lang, ibig sabihin anytime pwede silang makalaya dahil pwede silang magpiyansa. Nakakaawa naman mga nabiktima ng mga taong ito, grabe wala silang konsensya Pilipino kapwa Pilipino niloloko pa nila. Mga gahaman talaga sa sila sa salapi, buti nalang di ako nagiinvest masaya na kasi ako sa kakarampot na kinikita ko dito sa signature campaign, bounty etc.

Kasi nakakatakot na maginvest ngayon basta-basta, kaya guys huwag tayo maging greedy para yumaman agad ng biglaan. Dapat talaga paghirapan at pagsumikapan natin iyon kinikita natin, di baleng maliit lamang basta ang mahalaga hindi tayo nanlalamang ng kapwa natin, di tayo nangaargabiyado ng iba at higit sa lahat hindi tayo nanloloko para kumita at ipakain sa Pamilya natin.

Dapat maging wais din tayo sa pagpili ng pag-iinvest natin, hindi iyon nagsabi lang malaki ang balik agad-agad maginvest na. Matuto tayong makiramdam at maging mapanuri sa mga kompanya na pag-investan natin.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1043
Little_Mouse Campaign Management | OrangeFren.com
Kaya ayaw kong mag invest sa mga ganitong investment schemes eh. Kung iisipin mo, parang GET RICH QUICK yan na ibibigay mo lang ang pera mo tapos in X amount of days tutubo na. Yan ung sinasabi nila na INVEST, WAIT, EARN scheme which is nagiging scam talaga pagkalipas ng mga ilang buwan or taon.

Sana matuto na tau na walang INVEST WAIT AND EARN na magtatagal kaya mag ingat tau sa mga kung saan saan jan lalo na sa facebook nagpopost ng mga pictures na pangpa hype pero in the end scam lang din pala.

Lets do some deep research first before we give our money into them.

P.S. Ung nasa picture mukhang timang na walang alam sa cryptocurrency  Cheesy Cheesy
sr. member
Activity: 602
Merit: 262
Matagal na ang NewG sikat na sikat ito dahil in just a 16days sa pag invest mu ng 90k pwedeng bumalik sayo 105k easy money diba minsan advance padaw ang bigay nila sa mga investor kaya nga madami silang nahikayat na malalaking investor.

Ang bali balita bago daw mahuli si arnel ordonio kinidnap ito ng kanilang kapitan which is investor nila at kamag anak kinuha daw lahat ng laman ng wallet ni arnel bago isuplong sa batas ewan lang kung legit ba talaga ito. Kaya sa susunod wag tayo basta basta maniniwala sa mga ganito wag magpapasilaw at iwasan na.

Kung gusto nyu ng update regarding sa newg isearch nyu ang page ng Bitcoin101 sa facebook.
newbie
Activity: 114
Merit: 0
Sadyang madaling maakit ang mga Pinoy sa mga Scams... Too good to be true ang mga pangako... Natututo lang madalas pag nababalitaan sa radyo o TV na scam yung mga ganyan...

Pwede itong maihalintulad sa  Aman Futures dati na madami ding na scam dahil mabulalas yung culprit... Malakas mambola... Kaya pag may nakita kayong ganyan, pagsabihan niyo yung mga nag iinvest, kawawa naman... Nakakasira pa sa image ng bitcoin/cryptocurrency...

Marami nyan lalong lalo na sa FB, most of them Ponzi scheme. This happened around FB I guess, kasi major players were the buggers of sim card. Alam nyo yung freenet sa pinas? Most of them ay kasali dito sa scheme. Nakita nyo rin ba yung FB post na nag tatapun sya ng tig 500php? LOL

Ang problema sa pinoy alam na nilang scam, o may hint na sila scam sinasakyan parin ika nga "Invest while its hot". Most on people on FB are promoting HYIP program, alam nilang anytime it'll close pero cge parin dahil sa katwiran na "paying" pa naman. Ang problem is yung last line of investor, yung mga nakumbinsi nila.
member
Activity: 333
Merit: 15
Dati gusto ko mag-invest sa Newg maigi na lang tama ang naging decide ko na sa iba na lang para sure na magsuccess ang sasalihan ko.
Sana naman mabalik pa ang mga pera na nascam nila kasi kawawa naman ang mga taong ninakawan nila. Embarrassed
global moderator
Activity: 2324
Merit: 1179
While my guitar gently weeps!!!
Sadyang madaling maakit ang mga Pinoy sa mga Scams... Too good to be true ang mga pangako... Natututo lang madalas pag nababalitaan sa radyo o TV na scam yung mga ganyan...

Pwede itong maihalintulad sa  Aman Futures dati na madami ding na scam dahil mabulalas yung culprit... Malakas mambola... Kaya pag may nakita kayong ganyan, pagsabihan niyo yung mga nag iinvest, kawawa naman... Nakakasira pa sa image ng bitcoin/cryptocurrency...
legendary
Activity: 3444
Merit: 1061
haha...pakinggan ninyo ito  Grin

https://www.youtube.com/watch?v=8HYWWP1QU7Q

in order for them to learn, they have to lose money first..
newbie
Activity: 1
Merit: 0
Tama ba yung dinig ko dun sa Youtube video ng TV Patrol? 15 million pesos yung nawala dun sa lalakeng in-interview at sa mga kasama niya? Yan ang nagagawa ng dumb money. May ganun silang kalaking pera pero hindi nila alam kung pano ito hawakan ng mabuti at hindi nila makita kung ang isang investment medium ba eh scam or hindi. Hindi sa sinisisi ko yung mga nawalan ng pera kasi nakakaawa sila pero isa din sila sa may kasalanan sa nangyari sa kanila. Wag na nating lokohin mga sarili natin, oo nga't nandiyan ang mga manloloko pero dapat ginagawa natin ang lahat para hindi tayo maloko. Imbes sa kung ano anong bagay sila mag invest, dapat sa knowledge/kaalaman muna sila mag invest. Kaya sila naloloko kasi kulang yung information na meron sila.
Tama po un sir ako ren po ay biktima ng groupo na yon.mahigit 27.5Million ang nawala sakin at humigit kumulang 3.6Million naman sa mga kasama ko.masakit isipin pero wala talagang safe pag dating s investment.ika nga nila invest what you can afford to lose.

Parang ang hirap paniwalaan na may mag iinvest ng 27.5milyon sa bagay na hindi sigurado lalo na sa mga investment na ganyan. Seryoso ka ba dyan sa 27.5milyon mo or typo mo lang?

Siguro yung sinasabi na 27.5 milyon eh my mga downlines na kasama. Pera ng grupo nila na sya ang upline kaya siguro ganun kalaki. Mga nag invites ng nag invites kaya dumami ang members ng group kaya ganun kalaki ang investment ng grupo na yun. Nakakapanglumo talaga yung nangyari kasi malaking pera at yung iba ang masakit dun ipinangutang pa sa pagkakaakalang kikita ng ipinangakong malaking halaga. pero nauwi lang sa lahat kaya ngayon sige habol sa mga uplines
sr. member
Activity: 518
Merit: 258
Tama ba yung dinig ko dun sa Youtube video ng TV Patrol? 15 million pesos yung nawala dun sa lalakeng in-interview at sa mga kasama niya? Yan ang nagagawa ng dumb money. May ganun silang kalaking pera pero hindi nila alam kung pano ito hawakan ng mabuti at hindi nila makita kung ang isang investment medium ba eh scam or hindi. Hindi sa sinisisi ko yung mga nawalan ng pera kasi nakakaawa sila pero isa din sila sa may kasalanan sa nangyari sa kanila. Wag na nating lokohin mga sarili natin, oo nga't nandiyan ang mga manloloko pero dapat ginagawa natin ang lahat para hindi tayo maloko. Imbes sa kung ano anong bagay sila mag invest, dapat sa knowledge/kaalaman muna sila mag invest. Kaya sila naloloko kasi kulang yung information na meron sila.
Tama po un sir ako ren po ay biktima ng groupo na yon.mahigit 27.5Million ang nawala sakin at humigit kumulang 3.6Million naman sa mga kasama ko.masakit isipin pero wala talagang safe pag dating s investment.ika nga nila invest what you can afford to lose.

Parang ang hirap paniwalaan na may mag iinvest ng 27.5milyon sa bagay na hindi sigurado lalo na sa mga investment na ganyan. Seryoso ka ba dyan sa 27.5milyon mo or typo mo lang?
newbie
Activity: 71
Merit: 0
Tama ba yung dinig ko dun sa Youtube video ng TV Patrol? 15 million pesos yung nawala dun sa lalakeng in-interview at sa mga kasama niya? Yan ang nagagawa ng dumb money. May ganun silang kalaking pera pero hindi nila alam kung pano ito hawakan ng mabuti at hindi nila makita kung ang isang investment medium ba eh scam or hindi. Hindi sa sinisisi ko yung mga nawalan ng pera kasi nakakaawa sila pero isa din sila sa may kasalanan sa nangyari sa kanila. Wag na nating lokohin mga sarili natin, oo nga't nandiyan ang mga manloloko pero dapat ginagawa natin ang lahat para hindi tayo maloko. Imbes sa kung ano anong bagay sila mag invest, dapat sa knowledge/kaalaman muna sila mag invest. Kaya sila naloloko kasi kulang yung information na meron sila.
Tama po un sir ako ren po ay biktima ng groupo na yon.mahigit 27.5Million ang nawala sakin at humigit kumulang 3.6Million naman sa mga kasama ko.masakit isipin pero wala talagang safe pag dating s investment.ika nga nila invest what you can afford to lose.
member
Activity: 336
Merit: 24
Muntik na ko mag invest jan sa newg na yan last year, buti nalang that time wala ako pera haha, good thing un at di ako nakapag join jan sa ponzi scheme na yan, kasi before hindi pa ko nag foforum kaya wala ako alam sa mga cryto before, lesson learn to sa mga nabiktima.
sr. member
Activity: 924
Merit: 265
Sa pagkakaalam ko matagal na tong newg na to e at matagal na ding pinaghahahanap ng batas ang founder na yan at ngayon lang nahuli yan . At ngayon may nakapag sabi sakin na ang bitcoin daw scam so parang nasaktan ako dun dahil tulad natin na sa maayos kumikita ang nagiging tingin satin e scammer na din , pero di naman din natin sila masisisi kasi nga kulang ang kaalaman nila sa kung ano ang bitcoin.
hero member
Activity: 1708
Merit: 606
Buy The F*cking Dip
Tama ba yung dinig ko dun sa Youtube video ng TV Patrol? 15 million pesos yung nawala dun sa lalakeng in-interview at sa mga kasama niya? Yan ang nagagawa ng dumb money. May ganun silang kalaking pera pero hindi nila alam kung pano ito hawakan ng mabuti at hindi nila makita kung ang isang investment medium ba eh scam or hindi. Hindi sa sinisisi ko yung mga nawalan ng pera kasi nakakaawa sila pero isa din sila sa may kasalanan sa nangyari sa kanila. Wag na nating lokohin mga sarili natin, oo nga't nandiyan ang mga manloloko pero dapat ginagawa natin ang lahat para hindi tayo maloko. Imbes sa kung ano anong bagay sila mag invest, dapat sa knowledge/kaalaman muna sila mag invest. Kaya sila naloloko kasi kulang yung information na meron sila.
sr. member
Activity: 518
Merit: 258
parang naririnig at nababasa ko na yang NewG na yan simula last year ah (2017) pero buti naman kahit papano nahuli na yung pasimuno ng scam na yan at para dun sa mga nascam ay sorry na lang sa inyo kasi madali kayo mauto ng mga munting bagay na ganito dahil sa konting pangako na binitawan sa inyo
legendary
Activity: 1246
Merit: 1049
Maliban sa kanya, may mga inaabangan na ngayon na makasuhan at mainit na ang ulo ng mga nakasali o nabiktima daw nila. Ang daming nagkalat na posts ng mga nabiktima umano ng Alifelong, Ads Success/Minera, and now, sinasali na ng ilan ang Coin Option sa list. May common denominator yang mga yan...ginagamit ang mining rigs ng bitcoin or other alternate cryptos para makakuha ng bibili ng codes or what sa kanila. Yung Paysbook naman e gumagamit Indigen.

and mostly yang mga nabanggit mo nangyayari ang recruitment/invite lahat sa loob ng Facebook lalo na sa mga private group.
I've actually tried to warn them, nag join ako sa maraming group, nag post at ininform sila na hindi legit ung sinasalihan nila pero wala padin. Masama pa nito ibabash ka pa ng iba na kesyo sinisiraan ko daw para ako lang kumita at ipapasipa ka pa sa admin ng group etc.

Di ko tuloy malaman kung matatawa ba ako sa kanila or maaawa lalo na dun sa halatang walang alam sa crypto, basta pasok nalang  Undecided
jr. member
Activity: 70
Merit: 3
First Decentralize Mobile Service Telecom Company
Maliban sa kanya, may mga inaabangan na ngayon na makasuhan at mainit na ang ulo ng mga nakasali o nabiktima daw nila. Ang daming nagkalat na posts ng mga nabiktima umano ng Alifelong, Ads Success/Minera, and now, sinasali na ng ilan ang Coin Option sa list. May common denominator yang mga yan...ginagamit ang mining rigs ng bitcoin or other alternate cryptos para makakuha ng bibili ng codes or what sa kanila. Yung Paysbook naman e gumagamit Indigen.
newbie
Activity: 71
Merit: 0
Kahit ako po ay na scam ren ng Investment Project ng groupo na yan.nung una akala ko po ay maganda talaga pero bandang huli ay lugi pala ang kitaan.kung napanood ninyo ung post ni Xian Gaza sa Facebook noon ay tiyak na mauunawaan ninyo po ang lahat ng ito.
legendary
Activity: 1246
Merit: 1049
Meron nyan dito sa amin na napasali dyan sa scam na yan. Nung nagkakwentuhan kami sabi nya e nag invest daw siya sa bitcoin (natuwa nga ako may makakausap nako about bitcoin dito sa amin), un nga lang may % fixed return daw na itutubo per month (nalimutan ko na kung magkano) tapos may level level pa daw. Ex. pag naabot mo ung level 1, nakapag invest k ng 50k, may additional bonus per month. Sabi ko nalang, "aahh oo alam ko yang bitcoin" tapos tinanong ako kung kasali ako sabi ko "Hindi" tas sabi ko "hindi ba yan scam, kasi wala naman atang investment na fix ang return". Sabi nya e "Wala wala, walang scam to kasi e sabi din ng pinsan ko siya kasi nag invite samin".

Hindi ko na siya pinilit na mag exit kasi tingin nya nung sinabi kong scam "kj" daw haha kasi laki na daw ng kita nya. Ayun good bye money.
Pansin ko sa scam na to at dun sa iba na laganap sa fb, ay target nila yung walang alam sa bitcoin. Mostly may referral bonus na inooffer para dumami members.

Pages:
Jump to: