Sa pagkakadiscuss ng developer, soon to be pa ang option na ito. Sa ngayon it function as multi cryptocurrency wallet muna. Pero in line na sa development ang mga iyan once namagkaroon ng license ang sparkpoint from the authority.
Isa sa mga pros nito ay kayo mismo ang may control sa cryptocurrencies ninyo. Kahit pa magsara ang aming kumpanya, marerecover niyo pa din yung coins and tokens niyo gamit ang inyong private keys. Isa naman sa mga cons nito ay ang pagiging mas technical ng approach na ito compared sa smoother and more streamlined experience ng isang custodial wallet gaya ni coins.ph.
Pagdating naman kay Changelly, iba din ang approach nila kumpara sa more traditional exchanges gaya ni Binance or Coins Pro. Si Changelly ay isang "decentralized exchange" na ibig sabihin ay di niyo kelangan mag deposit ng cryptocurrency para makapag trade. Ito ay isang peer to peer approach sa pag trade kaya namiminimize ang risk ng exchange theft.
Sa kasalukuyan naman, inaasikaso na namin ang license ng pag trade from crypto to fiat. Kelangan kasi natin mag comply sa rules and regulations ni BSP and SEC bago tayo makapag trade directly gamit ang crypto at traditional nating pera. Sa ngayon crypto to crypto lang muna ang supported ng wallet namin through Changelly. Focused din ang team namin ngayon sa pag develop ng mga practical applications ng blockchain at cryptocurrencies para hindi lang tayo limitado sa trading and speculation.