Pages:
Author

Topic: Non-custodial wallet na gawang Pinoy (SparkX™ review) - page 2. (Read 558 times)

legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Salamat mga kabayan sa pag open ng thread about our wallet product. Ako si Rico Zuñiga, ang CTO ng SparkPoint. Isa din akong satisfied coins.ph wallet user kagaya ng karamihan satin dito sa thread. Ang pinagkaiba lang ng wallet namin ay "non-custodial" ito. Ibig sabihin kayo ang may hawak ng private keys at hindi kami. May mga pros and cons din ito.

Isa sa mga pros nito ay kayo mismo ang may control sa cryptocurrencies ninyo. Kahit pa magsara ang aming kumpanya, marerecover niyo pa din yung coins and tokens niyo gamit ang inyong private keys. Isa naman sa mga cons nito ay ang pagiging mas technical ng approach na ito compared sa smoother and more streamlined experience ng isang custodial wallet gaya ni coins.ph.

Pagdating naman kay Changelly, iba din ang approach nila kumpara sa more traditional exchanges gaya ni Binance or Coins Pro. Si Changelly ay isang "decentralized exchange" na ibig sabihin ay di niyo kelangan mag deposit ng cryptocurrency para makapag trade. Ito ay isang peer to peer approach sa pag trade kaya namiminimize ang risk ng exchange theft.

Sa kasalukuyan naman, inaasikaso na namin ang license ng pag trade from crypto to fiat. Kelangan kasi natin mag comply sa rules and regulations ni BSP and SEC bago tayo makapag trade directly gamit ang crypto at traditional nating pera. Sa ngayon crypto to crypto lang muna ang supported ng wallet namin through Changelly. Focused din ang team namin ngayon sa pag develop ng mga practical applications ng blockchain at cryptocurrencies para hindi lang tayo limitado sa trading and speculation.

Salamat Mr. Rico

May mga karadagang tanong ako:

1. Pwede ba namin magamit ang wallet kahit hindi na kami bumili ng native token ni sparkpoint?
2. Nabanggit mo na kumukuha kayo ng license to trade crypto to fiat, does that mean magpapa-KYC din kayo kung maaprubahan man ang application sa BSP?

Yung internal exchange (if approved) ay kagaya din ba ng ginagawa ni coinsph which is sila ang may control sa conversion rate?

newbie
Activity: 5
Merit: 0
Salamat mga kabayan sa pag open ng thread about our wallet product. Ako si Rico Zuñiga, ang CTO ng SparkPoint. Isa din akong satisfied coins.ph wallet user kagaya ng karamihan satin dito sa thread. Ang pinagkaiba lang ng wallet namin ay "non-custodial" ito. Ibig sabihin kayo ang may hawak ng private keys at hindi kami. May mga pros and cons din ito.

Isa sa mga pros nito ay kayo mismo ang may control sa cryptocurrencies ninyo. Kahit pa magsara ang aming kumpanya, marerecover niyo pa din yung coins and tokens niyo gamit ang inyong private keys. Isa naman sa mga cons nito ay ang pagiging mas technical ng approach na ito compared sa smoother and more streamlined experience ng isang custodial wallet gaya ni coins.ph.

Pagdating naman kay Changelly, iba din ang approach nila kumpara sa more traditional exchanges gaya ni Binance or Coins Pro. Si Changelly ay isang "decentralized exchange" na ibig sabihin ay di niyo kelangan mag deposit ng cryptocurrency para makapag trade. Ito ay isang peer to peer approach sa pag trade kaya namiminimize ang risk ng exchange theft.

Sa kasalukuyan naman, inaasikaso na namin ang license ng pag trade from crypto to fiat. Kelangan kasi natin mag comply sa rules and regulations ni BSP and SEC bago tayo makapag trade directly gamit ang crypto at traditional nating pera. Sa ngayon crypto to crypto lang muna ang supported ng wallet namin through Changelly. Focused din ang team namin ngayon sa pag develop ng mga practical applications ng blockchain at cryptocurrencies para hindi lang tayo limitado sa trading and speculation.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Do you have any ideas about other platforms for their small community? I mean parang sort of discussion place na medyo active?
~
They have a telegram which can be seen on their website.

I tried to invite them here and sana nga may representative silang darating at sasagot.
sr. member
Activity: 896
Merit: 272
OWNR - Store all crypto in one app.
Mahirap sumugal sa bago pa, at mahirap sumugal lalo na pag funds ang mailalagay sa risk. Kahit na sabihin na malaki ang fee sa coins.ph, isa pa rin ito sa tested at trusted na site. Mas mainam siguro na antabayanan muna ang bagong wallet na ito, para malaman kung reliable ba ito o hindi.
Totoo yan hindi din naman kasi natin agad masasabi kung trustworthy yan e mas mabuti sigurong magsearch muna tayo about dito para mas mabigyan tayo ng idea kung anong klaseng wallet ba ito, wala namang masama sa pagiging mapanuri tulad sa panahon ngayon kasi maraming hackers at scammers kaya para maiwasan sila dapat maging alerto at mapanuri ka. Lamang ka din kapag may alam ka pagdating sa pagresearch kasi madali mong malalaman kung safe ba ito or hindi o kung worth it ba ito o hindi. Tignan nalang muna natin hindi naman natin inaunderestimate ang gawa ng pinoy, sadyang mas magandang mag ingat.
sr. member
Activity: 882
Merit: 301
Hindi public yung repo nila sa github, mas concern siguro sila sa competition.

bilang custodial wallet na gawang pinoy
non-custodial*

kung full control mo ba ung wallet na gamit mo.
Yan naman yata yung essence ng pagiging non-custodial wallet. Hawak mo seed phrase o kaya private keys,

Tinignan ko yung website nila, hindi safe kaya medyo duda ako dito.
Paano mo nasabing hindi siya safe?
hero member
Activity: 1274
Merit: 519
Coindragon.com 30% Cash Back
Mahirap sumugal sa bago pa, at mahirap sumugal lalo na pag funds ang mailalagay sa risk. Kahit na sabihin na malaki ang fee sa coins.ph, isa pa rin ito sa tested at trusted na site. Mas mainam siguro na antabayanan muna ang bagong wallet na ito, para malaman kung reliable ba ito o hindi.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
amo'y bago-bago pa to. Ingat-ingat sa mga mag-tatry na mga pinoy dyan. Kahit na mukhang legit sila at may partnership pa, hindi natin masasabi kung aataki pa ito o hindi. Tinignan ko yung website nila, hindi safe kaya medyo duda ako dito.

Kung ako sa inyo, antayin nyo muna mag 1 year ito at mag-antay talaga ng mga legit reviews.
sr. member
Activity: 1484
Merit: 277

Do you have any ideas about other platforms for their small community? I mean parang sort of discussion place na medyo active?

Google ratings can easily manipulated. I have examples of some applications but outside crypto kaya di ako natingin sa Google ratings as reference.

Maganda sana bro may self-reviews na lang muna sa mga nakapag try talaga or kahit representative na lang nila para safe sa mga newcomers. Na-special mention kasi sila dahil sa thread na ito and nagkaroon ng libreng promotions at views sa local community natin dito.

Just a sugggestion if you will allow, if there's no legitimate user's feedback sa mga susunod na araw iwasan na lang natin ma-bump tong thread. No need to lock baka may magpost ng legit reviews.
I think OP is spreading awareness about the new Pinoy made wallet. Tama ka na mas better na galing sa mismong company o representative nila ang mag justify ng kanilang services like coins.ph did. But I hope na hindi maging kagaya ng representative nila na si Niquie na naging inactive after ilang questions. Siguro mas mapapatibay nila ang relationship between their fellow Filipino crypto users pag may active silang support dito sa forum na handa sumagot sa mga inquiries natin.

Mas mabuti siguro kung may active telegram group din sila aside sa forum dito sa bitcointalk. Kung sa gayon mas lalong mapadali ang mga inquiries natin, kapag tungkol na sa malalim na pag uusap hinggil sa wallet services.
Kung tingin ng karamihan na manipulated yung ratings, malaking posibilidad rin na mangyari yan. Hindi naman natin kontrolado yan at wala namang close monitoring sa ganyang bagay.
Sa ngayun open parin ang thread na ito para sa mga feeback ng karamihan, personally interesado din akong sumubok sa wallet na to. Asahan nyo rin magbibigay ako ng komento tungkol dito sa mga araw na darating.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI

Do you have any ideas about other platforms for their small community? I mean parang sort of discussion place na medyo active?

Google ratings can easily manipulated. I have examples of some applications but outside crypto kaya di ako natingin sa Google ratings as reference.

Maganda sana bro may self-reviews na lang muna sa mga nakapag try talaga or kahit representative na lang nila para safe sa mga newcomers. Na-special mention kasi sila dahil sa thread na ito and nagkaroon ng libreng promotions at views sa local community natin dito.

Just a sugggestion if you will allow, if there's no legitimate user's feedback sa mga susunod na araw iwasan na lang natin ma-bump tong thread. No need to lock baka may magpost ng legit reviews.
I think OP is spreading awareness about the new Pinoy made wallet. Tama ka na mas better na galing sa mismong company o representative nila ang mag justify ng kanilang services like coins.ph did. But I hope na hindi maging kagaya ng representative nila na si Niquie na naging inactive after ilang questions. Siguro mas mapapatibay nila ang relationship between their fellow Filipino crypto users pag may active silang support dito sa forum na handa sumagot sa mga inquiries natin.
legendary
Activity: 3122
Merit: 1398
For support ➡️ help.bc.game

Do you have any ideas about other platforms for their small community? I mean parang sort of discussion place na medyo active?

Google ratings can easily manipulated. I have examples of some applications but outside crypto kaya di ako natingin sa Google ratings as reference.

Maganda sana bro may self-reviews na lang muna sa mga nakapag try talaga or kahit representative na lang nila para safe sa mga newcomers. Na-special mention kasi sila dahil sa thread na ito and nagkaroon ng libreng promotions at views sa local community natin dito.

Just a sugggestion if you will allow, if there's no legitimate user's feedback sa mga susunod na araw iwasan na lang natin ma-bump tong thread. No need to lock baka may magpost ng legit reviews.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
So far, mataas naman ang ratings sa google play but I can't tell kung users ba talaga yung mga nagbibigay ng matataas na review or mga kasamahan or promoters din nila. Kung sakaling may interesado subukan yung wallet, please post your review here.

Wag kayo basta basta magpapaniwal sa rating nila, gaya ng ibang project meron din silang mga ways to promote and boost their ratings and halata naman sa mga reviews nila na hindi it makatotohanan. Lahat ng makikita nya "Love the appearance" o "such a wonderful wallet" o mga iba pang linyahan na ganyan. Hindi naman sa hinuhusgahan ko sila and proud Filipino ako pero obvious naman eh pag-nakakita ka ng ganitong review na walang sinasabing cons ito ay mga nabayadan or padded reviews lang para mag-mukhang maganda sa app store.

legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/

If you read the comment section first, makikita mong nabanggit na ni @target yung ANN nila kahapon pa https://bitcointalksearch.org/topic/m.52907572

Quote
~ kaso medyo mabagal lang ang usad
Paanong mabagal ang usad?
sr. member
Activity: 1372
Merit: 261
Base sa aking reaserch meron na silang announcement thread dito sa Bitcointalk.

https://bitcointalksearch.org/topic/ann-sparkpoint-ecosystem-reinventing-digital-payments-building-a-better-future-5100581

Sila daw ay completely registered na sa SEC,  Tingnan nyo nalang po sa kanilang Ann Thread,  At mukhang nga legit sila kaso medyo mabagal lang ang usad
We have successfully completed the company's registration to the Securities and Exchange Commission under our main company, SPARKPOINT INNOVATIONS INC. - in which Sparkpoint Ecosystem will be operating under.

legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
~
I noticed dun sa website nila that they are lacking a contact number which is very important for verification of their service at kung may mga issues sa wallet nila.
You mean gusto mo sila tawagan? I'm not sure if that is really necessary kasi may naka-set naman ng paraan para makontak sila. Siguro they can add a live chat support.
hero member
Activity: 2086
Merit: 501
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Mukhang alanganin mag install ng mga ganito tol, Opinion ko lang. Dahil pera yung nakataya dito baka madaali pa tayo. Sapat na muna yung coins.ph kung sa mobile wallet lang naman wala na yatang makakatalo sa kanila. Kahit ganon yung taas ng kaltas sa convertion nila, hindi na ako magdadalawang isip magdeposit ng aking Bitcoin dahil alam ko na walang masamang mangyayari dito, dahil matagal na sila.
Pero maganda na rin na naibahagi mo ito dahil kung sakaling merong may gustong mag try ng wallet na ito, pwede nilang i post dito yung pros and cos base sa kanilang experience.
Same views kabayan pagdating sa mga new service specially sa mga wallet na likhang pinoy.Di naman sa sinasabi na wala akong tiwala
pero di mo talaga maiiwasan na magdalawang isip na gamitin kasi meron nang mas nauna sa kanila plus pinagkakatiwalaan na ng libo libong
pinoy sa bansa pag dating sa local wallet.Oo malaki ang fee nila pero nagagawa nila i cater ang kanilang users ng walang problem.
Ilang taon na rin running pero di naman masama i try ang wallet na to pero need talaga maka sigurado.

Ang habol kasi natin ay malessen ang fee na kung saan mas kikita tayo ng malaki. Yung coins.ph kasi is reliable na pero ang laki kasi pagmageexchange ka sa mga token kaya minsan mas mainam nalang na di palitan kasi nga ang laki lang ng malulugi mo kung magtetrade ka mismo sa coins.ph.
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
This would be great kung aasikasuhin nila ang marketing ng kanilang project.  Mas maganda ang mga options sa wallet niya kesa sa coins.ph but the problem is the integrity since bago pa lang sila.  Kahit ako nagdadalawang isip akong gamitin itong wallet nila but probably for curiosity baka idownload ko na rin at magbigay ng feed back tungkol sa experience ko sa wallet nila.

I noticed dun sa website nila that they are lacking a contact number which is very important for verification of their service at kung may mga issues sa wallet nila.
hero member
Activity: 2814
Merit: 553
Sa ngayun, we can't conclude any judgement yet in fairness for this wallet, kasi wala pa dito sa comment section ang nakapag try na gamitin ang service nila. Infact, this company has partnership with Changelly na isa ring known and trusted exchange na may halos 5 star rating ( sa tingin ko wala naman siguro makaka kuha ng perfect 5 na ratings kasi bawat exchange ay may kanya-kanya talagang issues. )

Sigurado majority sa atin ay hindi na mag ririsk na lumipat sa ibang wallet kasi mas subok na natin yung Coins.ph.

Antabayanan nalang natin in the future pag may mga gustong sumobok at makuha natin kanilang mga feedbacks. Marami din kasi supported na crypto yung wallet nato eh lalo na't included pa mga erc20 tokens.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
They should update first their Terms of Service and Privacy Policy that's the most important thing na basahin ng isang user sa kanilang service or wallet man. Up to this day, that hasn't been issued yet that's on my view the crucial part if ever may mangyari mang delays sa kanila or may mga error sa service nila.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
~
~

As a crypto wallet and not an exchange, bakit kailangan i-regulate ng SEC or BSP?
~

Gusto pa rin ata ng SEC na maningil ng tax sa kanila dahil business pa rin naman sila kung maituring.
Wala naman problema dun at dapat naman talaga mag-comply sila sa SEC as a business entity. Ang point ng argument is kung bakit kailangan i-regulate since it's a crypto wallet lang.

Quote
Eto ata ang ANN thread nila dito sa forum https://bitcointalksearch.org/topic/ann-sparkpoint-ecosystem-reinventing-digital-payments-building-a-better-future-5100581 nandyan information nila pati sa team members. Listed daw sila sa p2pb2b at hotbit.  Silent masyado ang team na ito.  Grin
Maganda sana kung i-limit natin yung discussion about sa wallet. Okay naman isama sa usapang yung kumpanya at yung development team pero huwag na sana yung native token at kung saan nakalista o yung iba pang produkto nila.

legendary
Activity: 2282
Merit: 1041
Nakareceive ako ng PM sa telegram about nitong Spark dati, hindi ko pinansin dahil karaniwang PM sa telegram scam.

Not bad for a crypto wallet made by Pinoy pero ang gusto ko lang malaman kung regulated sila ng SEC or BSP kasi doon tayo mas nakakasigurado kung legal ang isang companya, so far hindi ko mahanap sa website nila.

As a crypto wallet and not an exchange, bakit kailangan i-regulate ng SEC or BSP?

Tungkol naman sa registration ng kumpanya sa SEC, madali lang sana ma-search yan pero under maintenance kasi yung public inquiry http://www.sec.gov.ph/online-services/search-registered-companies/

Jump to: