Nasiraan na din ng bait yon, for sure alam pa din nya ang ginagawa niya kaya no choice na siya at gusto nya yong ganyan pinupuri din siya. Anyway, nasa Bible naman po yan, maraming mga darating na kunwari propeta, magpapanggat na sila si Cristo, nasa Bible po yan kaya hindi na ako nagtataka. Sa ngayon, need nalang natin isave yong mga taong naniniwala sa kanila para magising sa katotohanan.
Kaya nga nasa Bibliya nakasaad ang mga katangian ng bulaang propeta at ang gawa ng diablo, ang problema lang marami kasi sa mga kababayan natin ang hindi nagbabasa o magbasa man ay hindi nakakaunawa sa mga sinasaad doon sa Bibliya. Nagkaroon pa rin ng maraming followers si Pastor Quiboloy pero nasasaad din naman kasi sa Bibliya na marami ang ililigaw nitong bulaang propeta na ito kaya magexpect tayo na dadami pa ang ililigaw ng mga bulaang propetang ito. Sana hindi mapabilang ang ating sarili at mga kamag-anak at kakilala sa mga maliligaw ng mga bulaang propeta.
Ano mang rehiyon yan ang mahalaga ay ang paniniwala mo sa poong may kapal at hindi sa mga nagsisilbing tagapamalita nya o tagapagpakalat ng salita niya.
Pero mayroon akong tanong sa aking isipan na hindi ko mahanapan ng sagot, ayaw ko din itanong sa pari baka, naitanong ko na ito sa iba na palaging nagsisimba.
Sino ba talaga ang gumawa ng BIBLIYA? salita ba ito lahat ng AMA? kung ganon bakit mayroon LUMA at BAGONG TIPAN?
``` Sana maging maayos na ang lahat at wag na mag alburoto ang Bulkang TAAL o anumang bulkan sa mundo, upang maging okay narin ang lahat ng tao.
( ang pagsabog ng bulkan o anumang problema na dala ng bagyo ay hindi parusa ng DIYOS. Natural lang ang pagsabog ng bulkan sa tagal ng kanyang pamamahinga, kung ito ay di sumasabog naging bundok nalang dapat ito. ang bagyo rin ay kasama sa ating buhay.)