Grabe talaga ang nangyayari sa bansa natin, noong nakaraang taon lang ilang beses niyanig ang Pilipinas ng malalakas na lindol, ngayon naman ay ang napipintong pagsabog ng Taal Volcano.Nagbuga na nga ito ng makapal na abo at sinasabing posibleng sumabog ito sa mga susunod na araw. Sana ay walang malubhang pinsalang iiwan ang pagaalburoto ng taal volcano at makalikas sa ligtas na lugar ang mga taon nakapalibot dito.
Nakakapanic talaga, biruin mo hindi mo alam kung ano yong mga mangyayari sa mga susunod na araw, buwan. Natutulog lang ako ng hapon kanina biglang nagising dahil nagpapanic na sa labas, bakit parang hind nabalita to, diba dapat alam na to ng PHILVOCS or talagang hindi ko lang nabalitaan, anyway, keep safe po kung need lumikas, lumikas po tayo.
Mukhang wala talagang nabalita nito bago palang mag alburoto. Malamang kung medyo malakas ang unang pagsabog nako! Desgrasya talaga.
Currently in Pasig. My relatives and friends in Region 3 at sa Ilocos told me na umabot na sa kanila yung ash cloud. Malakas kasi yung hangin at North-Northwest ang direction kaya umabot na doon lahat. May low pressure area pang nabubuo east of Samar/Leyte which might intensify the ash/mud clouds. I'm currently on standby for the next 48 hours as a volunteer should things start to get worse (kaya nakakapag forum post pa rin).
If anything pala guys, if you're within the affected area, please don't hesitate to leave your houses and take into consideration your own precious lives! Isa lang ang meron tayo niyan, at yung health hazards/risks outweighs our earthly possessions. Coordinate with your LGU teams for proper evacuation and know the next best steps para manatiling safe.
Keep this numbers in your speed dial for now just in case:
NDRRMC:
(02) 8911-5061 to 65 local 100
(02) 8911-1406
(02) 8912-2665
(02) 8912-5668
(02) 8911-1873
And of course, 911.
Marami na nga ako nakikita ngayon sa facebook yung iba lumilikas na ngayon umuulan na daw ng abo, may nakita din akong putik ang umulan paano nangyari yun?
Yung inilabas na ash/mud/rocks ng phreatic explosion ng Taal e nasuspend sa ere, at nasweep ng hangin. Precipitation also carried these dust/particulates pababa resulting into mud rain. Mga kapatid, mag-iingat palagi.