For Casio watches, pag nakalagay anywhere "Tough Solar" then solar powered sya. Kung nakalagay "Multiband 6" or "MB6" or even MB5 (older watches), then atomic time sync capable sya, kaso walang signal sa Pilipinas. The closest signal would be coming from Japan, medyo out of range tayo.
Also, maraming peke na G-Shock, o peke na Casio, so ingat lang. Any watch below P4000 full retail price for brand new, mag duda ka na, for those that are both Atomic and Solar. Meron cheaper watches that are not Atomic or not Solar.
Thanks for this information sir, check ko yan. Actually hindi naman sa akin yung Gshock watch kundi dun sa kaibigan ko. Nabili nya yun sa taga ron sa kanila na dating OFW sa Japan. But I'm not sure kung sa Japan din binili yung watch.
Follow up question na rin po kung pano naman malalaman kung hindi peke yung Gshock?
I'm not an expert, pero usually tingnan mo yung case back, dun makikita kung peke o hindi. Usually maganda ang pag ka stamp o engrave kung legit. Halos lahat made in Japan, pero some are made in Thailand, orig pa rin yun and quality checked by the company.
Sa front o face ng watch, see if the fonts look nice, kasi kung peke, madalas panget at halata, o mali mali ang markings, like yung mga nakalagay na Solar, pero walang indicator ng battery charge.
Kung galing Japan yan, 99% sure ako na legit yan, kasi dun naka base ang company, hahabulin nila lahat ng peke. Karamihan ng peke galing ibang bansa.
Granted, meron mga legit Casio watches that are defective, pero meron warranty and papalitan nila o ayusin o something.
There are legit watches that have been modded, usually with after market parts, like yung iba meron bull bars. G-Shock na, naka bull bar pa. O ginupit ang strap kasi mahaba.. o pinalitan ang strap. O ni dye ng ibang kulay yung bezel. O meron screen protector (parang sa cell phone) ...
Hindi na yan kailangan, pero ... ganun ang ibang tao. G-Shock na nga, meron pa screen protector ... hahahaha.
Ang ibibigay ni Santa sa aken ay yung GW-M5610-1. It's the only G-Shock that you will ever need. Ang tanong is if it's the only one you will ever want. Meron mga watch enthusiast and watch forum, grabe, mga dalawang dozena ang mga relo nila na G Shock ... that's not including the rich ones who have Rolexes and Omegas and other mechanical automatic analog watches.