wala naman nagsabing sawayin natin yong tao dba?ang pinag uusapan natin dito ay ang katotohanan,at kung uunawain mo ang sinabi ko mas maiintindihan mo na hindi na nya karapatang gastosin ang kita nya dahil naka laan na yon sa responsibilidad.dahil kugn lahat tayo ay maniniwala sa ganyang stand ng lalaki malamang lahat ng lalaki ay magiging iresponsable.
maliwanag ko sinabi na kung hindi nya binuntis ang asawa nya or hindi nya ibinahay wala tayong pag uusapan dito,but since pinili nya yon pwes pinili nya din na gastosin sa tamang bagay ang kinikita nya..or bakit di sila magpalit sya ang mag alaga ng mga anak at mag asikaso sa bahay,babae ang mag trabaho tuital uso na ngayon yon at gawin ng babae sa kanya ang ginagawa nya.tingnan natin kung ano ang gawin nya baka masaktan nya ang asawa nya pag ginastos sa barkada ang kinikita nya tutal sabi mo eh pwede nya gastosin sa kagustuhan nya ang kinikita .
edit:
now late kona nabasa na Binata kapa,nowi know bakit ganyan pa ang panuntunan mo.anyway this is just a sharing of thoughts and stand in life kabayan.there is no personal matter here.
I don't know kung ano gusto mo patunayan o idepensa eh pareho naman tayo ng stance
. That is being responsible kapag nakapag-asawa na and that applies both sa female and male. If you read the whole context nung unang nireplayan mo sa post ko, makikita mo na sumasang-ayon ang post ko sa pagiging responsable. I just stated na kita ng lalaki may karapatan siya, and I do not agree na ibisyo ng lalaki ang pera nya. And take note: I do plan to
give all my income to my wife for family expenses kapag nakapag-asawa ako dahil kahit binata ako binibigay ko sa magulang ko ang buong kinikita ko both sa work ko at sa extra income dito sa forum kaya parang wala ring nagbago
.
ewan ko din sayo kung ano ang pinaglalaban mo,eh pilit mo pinaninindigan na karapatan ng lalaki na gastosin pera nya sa na kinita sa trabaho.
malalaman mo ang sinasabi ko pag nagkaron kana ng sarili mong pamilya kung paanong hindi mo dapat paniwalaan na karapatan mo pa ding gastosin sa gusto mo ang pera mo,not unless papayag ka na gawin din sayo ng asawa mo yang sinasabi mo.
pag nangyari na sayo ang mga bagay na yon siguro babaguhin mo na mga panuntunan mo sa buhay.
kung talagang parehas tayo ng stand,hindi mo na pagdidiinan ang karapatan ng lalaki yon dahil tulad ng sinasabi ko na wala na sya karapatan pag nag asawa na sya dahil ang perang pinagtratrabahuhan nya ay para na sa pamilya nya at hindi na para sa kanya.
~snip~
May mga nakita at nabasa rin ako nyan sa facebook regarding sa vape explosion at naibalita rin sa TV na talaga namang nakakabahala.
alternative daw ang e-cigarette (vape) sa yosi. Ngunit sabi nga, dapat ang alternative ay yung walang harm sa health.
Dito sa amin mahigpit na sa sigarilyo, wala ka ng makikitang nagyoyosi sa public places. Dati rati pati sa jeep meron eh. Kung bibili sa tindahan, sa gilild lang pwede hindi pwede sa tapat o harap. Kaya sa bahay nalang nila sila manigarilyo. Pero kawawa naman yung 2nd smoker lalo na sa mga bata.
tama lahat ng points mo mate,pano magiging alternative kung mas masama pa pala ang epekto,kaso ang problema parang may pinapaboran,bakit nai banned ang vaping samantalang ang yosi hanggang ngayon hindi pa din ganon kahigpit,andami pa ding vendor sa kalsada ,mabuti dyan sa inyo ay napapanatili ang batas pero sa karamihan sa bansa wala naman halos nagbago maniban lang sa bawal na magsindi sa tindahan na binilihan ng yosi.