Sa tingin ko, depende sa asawa mo, hindi rin tama na ibigay lahat ng kita mo, but dapat sabihin mo kung saan pumunta, like kung nag tabi ka for emergency fund, o nag tabi ka to reinvest in some other traditional investment or to get more altcoins or something.
Or, yung kuya ko, meron sila hiwalay na budget na magasawa for any other expenses or funding for personal projects after na allocate na lahat ng kailangan for school, for kids, for groceries, bills, kuryente, tubig, gasolina ng kotse, etc.
Also, in general, you should be paying yourself first, kasi even if you do that, na una na yung gobyerno sa withholding taxes mo at mga other salary deductions. Kung business owner ka naman, dapat nag tabi ka rin for BIR and other deductions para legal ka.
Kung grey market ka naman, eh, diskarte mo na yun, dapat meron ka cover for your regular income at extra na lang yan. Halimbawa, wala ako ni declare na income from any coins, kasi .... as far as gobyerno is concerned, meron na properly declared for taxes from regular income naman.
At halos lahat galing sa mga coins, either na gastos na, or naitabi lang nakatago for the future, so wala din kailangan declare.
Bottom line, maganda ang pag uusap ng mag asawa, hindi pwedeng ikaw ang lalaki bigay ka na lang ng bigay sa asawa mo, tama si sir Dabs, maraming babaeng hindi marunong sa pera, paano kung puro make up, puro parlor inaatupag ni Mrs. dahil nakasanayan niya yon nung dalaga siya, kaya dapat alam at parehas pa din kayong nagbbudget kahit na siya ang may hawak, ganun kasi kami ni Mrs. minsan inaupdate ko siya hindi para questionin siya at wala akong tiwala pero para na din malaman ko kung saan ba kami somosobra na gastos, para maiwasan muna.