Mako-consider bang defamation kung totoo yung info? Naalala ko yung story tungkol sa loan app na inilalagay sa virtual puntod yung mukha nung mga may utang. Hindi ko lang na-follow kung napatigil sila or even nademanda.
What if nag-agree yung mga mangungutan na nakapublic yung payment forms (maybe naka Google docs or something)?
Ang pagkakautang ay nasa pag-uusap ng dalawang partido, ang umutang, nagpautang at minsan naman ay may guarantor. Kung may naging problema man sa usapan ng dalawang partido, may tamang lugar at ahensiya para pag-usapan iyan. Totoo man o hindi ang pinagkakalat ng isang tao, ito ay nabibilang pa rin sa paninirang puri. Kung mapapansin mo ang mga post sa FB, kung sino man manukso sa iyo tungkol sa iyong kapintasan ay maari mo itong kasuhan. Kapareho rin iyan ng pagpapakalat na ang isang tao ay may malaking pagkakautang.
Mayroong mga umuutang kapag time ng bayaram tumatakbo at kapag tinanong mo kung mayroon na ay parang sila pa yung inutangan kung magalit wagas . At kung sa kamag anak naman ay parang mas maganda mangutang sa ibang tao dahil sa utang na loob na mangyayari pero hindi naman lahat pero hindi lahat ng mga magkaka mag-anak ay nagtutulungan.
Kapag kamag-anak kasi, last ka sa priority list kung may mga iba pang mga kailangang bayarang inutangan. Ang assumption kasi eh since kamag-anak ka eh pwede ka namang pakiusapan. Minsan bago sabihing walang pambayad sayo eh naibayad na muna sa iba. At least mukhang ganun ayon sa mga narinig ko.
Tama yan, maraming kamag-anak ang nagkaroon ng utang sa amin noong kasagsagan ng pagtaas ng BTC, hanggang ngayon hindi pa sila nakakabayad, kaya inisip ko na lang na good as given na lang ang pinautang, kamag-anak naman. Pero kapag ibang tao syempre ibang usapan na iyan kahit na mga matalik mo pa silang kaibigan. Pero syempre hindi mo rin naman mapilit kaysa magkaroon ka pa ng kaaway. At least kung sakali tayo naman ang mangailangan, maari nila tayong matulungan. Tandaan natin na hindi sa lahat ng oras ay maginhawa tayo at darating at darating ang oras na kakailanganin natin ang ating kapwa.
2 words. WAG MAGPAUTANG.
Ito na lang ang isipin ninyo. Kahit sino pa yan kamag anak or kapatid or kaibigan. Wag na wag kaung magpapautang dahil base sa experience ko, marami talagang mga pinoy ang hindi nagbabyaad ng utang. Mas maganda na ung makarinig ka ng salita sa kanila na kesyo ganito or kesyo ganyan kaysa mawalan ka ng pera.
Naranasan ko na ring nagpautang once pero di na rin bumalik ung bayad at recently ung loan dito na naging default loan
. Dahil sa dalawang ito na nangyari sa akin, di na ako nagpapautang kailanman. Paraan para maiwasan ka ng mga nangungutang? Wag mong ipahalata na may pera ka sa kanila or marami kang pera
Nasasabi mo iyan dahil hindi ka pa nangangailangan pero kung naranasan mo na ang mga bagay na hindi mo kayang resolbahin mag-isa, doon mo malalaman ang kahalagahan ng mga nakapaligid sa atin. Para sa akin di bale ng mawalan ng pera, pera lang iyan, basta maayos at mabuti ang samahan ng isa't-isa. Kikitain pa rin naman natin ang pera lalo na kung ang pinapautang naman natin ay iyong mga sobra na sa panganga-ilangan natin. Hindi kayang palitan ng pera ang mga concern ng mga taong natulungan natin sa mga panahon na nangangailangan sila. Katulad ng ng sinabi ni Dabs, hindi man sila nakabayad sa atin as long as wala tayong sinabi sa kanilang masama, sa pakiramdam nila ay indebted pa rin sila sa atin, na kung may pagkakataon ay willng silang tumulong sa atin hindi man sa salapi pero sa serbisyo.