Off-topic, kamusta ang preparation nyo guys para sa 2019-NCoV? May nahahanap pa ba kayong supplier ng N95? Kasi walang makita dito sa Manila. Puro surgical mask lang yung meron kami sa bahay. Sabi sa TV hindi naman daw siya nakaka-protect kasi lulusot lang sa gilid.
Baka gayahin ko na lang yung lalaki sa China na may suot na bote sa ulo LOL.
Dito samin parang hindi naaalarma ang mga tao sa ncov wala naman akong nakikitang naka face mask, di gaya nung pgputok ng taal marami ang naka face mask dahil sa ash fall. Kadalasan naman ng nakikita ko ang suot na face mask yung ordinary lang na cotton, yung ginagamit sa mga garments na pabrika. May nakita ako sa internet na pwede gamitin alternative yung cap ng bra ng babae parang n95 din daw yun.
Madaming naka-mask dito sa Manila. Nakita ko sa news kahapon yung mga tao na kulang na lang sirain yung pintuan ng supplies store. Nakakatakot. No choice, mukhang tiis lang muna sa surgical mask kung lalabas. Siguro panyo na lang kung nasa bahay kung lalala pa to.
It's not that simple, meron politics involved. Why will you ban someone just because they come from a particular region or city? Lahat ba ng galing doon ay infected?
It's discrimination, and could be seen as racist.
Siguro, ang tamang paraan is lahat ng galing sa Wuhan, would first pass a medical screening before being allowed to move anywhere. Pag dating dito sa pinas, screening din just to make sure na walang signs or symptoms of infection. Hindi pwede outright ban na walang rason, o basta lang.
Then again, he could do just that, wala naman sya re-election na haharapin in the future.
Tama, sandali na lang naman term nya, hindi naman to magagamit against sa kanya sa re-election... unless he's planning to ask the Chinese for support to install Sara.
Hindi naman makikitang unreasonable action ang travel ban, we wouldn't be the first country to do so against them. Besides hindi naman tayo hihinto bumili sa kanila ng products, since ang goods eh through cargo ships naman na pwedeng disinfect na lang and then quarantine sa port hanggang mamatay yung virus sa mga containers. Kung tutuusin nga tayo pa ang lugi sa travel ban dahil hihinto yung pasok ng pera pero pera natin palabas kasi kukuha tayo ng items sa kanila.