First Discussion
Ano masasabi ninyo sa pagkawala ng tatlong main characters na sila Captain America, IronMan, and BlackWidow.
Alam naman natin lahat na si Iron Man ang panimula ng MCU. Sa kanya lahat naka centro lahat ng mga pangyayari at yung mga kay Nick Fury, kaya yung next phase ay lalong nakaka excite. Ang alam ko babalik din ng ilang scenes si Robert Downey Jr. ng mga possible flashbacks ng mga ibang scenes dun pero hindi na katulad na big scenes na.
Kay Captain America naman, masaya ko sa ending niya kasi sa wakas, natupad niya yung pangarap niya na makasama si Peggy Carter at mag katuluyan. Diba yun naman ang mga hinihintay ng iba ever since nung first film niya?
Kay Black Widow naman, nakakalungkot dahil wala na siya sa MCU at wala ng pwedeng gawin para ibalik pa pero ang hinihintay ko ay yung Movie niya na Black Widow para ma-emphasize bakit naging ganun yung character niya.
Sana lang magclick yung pamana ni Cap kay falcon na shield since sigurado siya na ang magiging leader ng Avengers nyan or si Thor kaso kasama na niya ang Guardians Of the Galaxy eh.
I think since si Falcon napakilala na na-next Captain America dahil sa spoilers, madali na siyang i-accept for that role. Hindi na ganun kahirap intindihin kung bakit siya ang possible na gumanap as leader.
Pero ngayon ang hinihintay ko ay yung kay Spiderman, kasi ever since sa ending nung Far from Home na Spiderman, sobrang plot twist eh, nakakaexcite yung mga future na mangyayari. Siya yung magiging center ng MCU ngayon at siya yung papalit kay Iron Man. Kinabahan ako kasi baka mawala siya dahil dun sa issue ng Sony and Marvel at buti nag kaayos din at nagkasundo sila. Matutuwa ang mga fans talaga, katulad ko haha. Kayo ba?