Ask ko lang bakit ang mag teacher alam na nilang nahihirapan ang mga studyante sabay sabay pa nagbibigay ng gawain. Yes naiintindihan ko sila dahil kapag nasa school ka ay marami talagang ginagawa kaso sang damakmak na homework o project ibibigay sa inyo. Sabi nila kapag nasa college na ang isang tao pwedeng mag partime ngayon lang ako hindi naniniwala doon dahil sa mga projects pa lang ay kulang na oras mo. Baka gumanganti lang yang mga teacher na yung mga teacher na yan ay binigyan din sila ng mga gawain damay damay parang ganon.
As far as I know, that is a training for time management pero me kulang dahil hindi sila nagsisynchronize kung paano nila ibibigay ang assignment kaya ang nangyayari, may araw na walang ginagawa ang estudyante at may araw naman na tambak ng assignment ang estudyante. Ang problema sa estudyante, ang mga assignment about projects ay binibigay months or weeks before the submission, they are procrastinating kaya pagdating ng oras ayun tambak na tambak na sa gagawing projects.
About part time job, magandang gawin yan kung irregular student ka, meaning hindi ka loaded ng subjects, or ang papasukan mo ay malapit lang sa school at mayroon kang huge time break like 6 hours or more between sa dalawang subject. Mahirap yan sa regular student na kasama sa isang block section dahil fixed ang schedule nila, maliban lang kung magsishift ka ng sched ng mga subjects under the same professor. Pero kung gagawan ng paraan pwede talagang magpart time job sa college.