Dami din dismayado na mga pro-privacy sa bagong policy pero wala din naman sila maitutulong kung sakaling paimbestigahan ang buong forum at kasuhan ang admin nito. May mga suggestion din ako nabasa tungkol sa workarounds pero malamang hindi din magtagal.
~
At ang isa sa kinakatakot ko eh , baka sa mga susunod na araw pati lahat ng Gambling businesses na walang KYC implementation and mga exchange ay ma banned na din or tayo mismong mga gumagamit ng mga service na yon ay ma banned din.
Meron pa ba walang KYC na casino? Pati freebitco.in ay meron na din yata. Pagdating sa mga DEX, hindi naman yata fully anonymous mga transaction na dumadaan sa kanilang mga servers kaya may paraan pa din ang mga awtoridad na ma-trace. Hindi na nila kailangan ng complete seizure kagaya ng sa mixers.
Karamihan na mga casino ngayon sa crypto gambling ay meron ng mga kyc na iniimplement sa totoo lang. Konti nalang ata yung walang kyc na iniimplement, at oo tama ka din sa sinabi mo sa Dex.
Ngayon, tungkol naman sa mga inanunsyo ni theymos ay wala naman tayong ibang magagawa kundi tanggapin kung ano ang desisyon ni @theymos. Meron pa naman sigurong magandang opportunity na darating sa atin sa forum platform na ito.
Baka in future di na tatanggapin yung mga No KYC platform na yan dahil pwede silang ma gamit ng mga kriminal na gusto mag mix ng kanilang illegal na funds.
Kaya para sa ikaayos ng lahat at ma iwasan mawala ang forum mas mainam na siguro na yung mixer campaign ang mawala para mabawasan talaga ang mga illegal na gawain dito sa forum. Although malungkot na balita talaga ito sa mga nasa mixer campaign pero laban lang for sure in future may mga campaign pa naman na magbubukas kaya isipin nalang natin kung may nawala man for sure may panibagong papalit diyan.
Ngayon tingnan nalang natin talaga kung ano ang epekto nito in long run kapag napasara na talaga ang access ng mga mixers sa forum na ito.
- Hindi malabong mangyari yan, alam mo naman ang gobyerno, pag may pagkakataon silang makaatake ay aatake talaga ang mga yan, dahil pakiramdam nila nilalamangan sila, sa halip gusto nila karamihan na mga officials ng government ang siyang nanlalamang ng iba.
Saka normal nalang din naman yung mga casino na meron KYC sa ngayon sa totoo lang, kaya hindi na yan big deal sa akin. Tanggapin narin natin ang ganyang kapalaran sa hinaharap para sa casino dito sa field ng crypto gambling business industry. Ngayon sa bagay na pangunahing paksa ganun din, tanggapin narin natin ang katotohanan, talagang ganun kesa naman wala na tayong mapakinabangan sa platform na ito sa huli, diba?