Sa opinion ko pwedeng ipasara ng awtoridad ang forum kasi lagi dito na aadvertise yung mga mixer at sakit din siguro sa ulo kay Theymos kung humihingi ng data yung mga awtoridad tungkol sa mga user na nagpapatakbo sa illegal na mixer.
Tama ka diyan, puwedeng puwede ipasara ang forum dahil nga nasa clear net naman tayo at may registration itong forum sa domain at puwedeng ipasubpoena ng sinoman sa US government/FBI o kung sinoman doon ang domain na yun para makuha ang details ng registration ng forum pati na rin IP address ng nakaregister. Sabi naman niya, wala daw mga request pero kung yun yung totoo mabuti naman pero kung iisipin natin, napakadaling umaccess sa forum kapag galing sa mga nasabing agencies katulad ng nangyari sa snbaad.
Sabi din ni Theymos na hindi daw ito darknet forum kaya bawal ang mga illegal na gawain.
Mas maganda ng maging safe ang kapakanan ng forum. Hindi naman iligal ang mga mixers, kaso nga lang yung funds na minimix sa mga services na yan ay galing sa iligal kaya parang nagiging iligal na din dahil nagiging partaker sila.
Alam ko malaki ang rewards sa signature campaign ng mga mixers. Panigurado may mangilan ngilan din ang hindi sasang ayos sa desisyong eto ni theymos. Pero siguro ay talagang pinoprotektahan nya lang ang forum para hindi ipasara ng gobyerno. Salamat sa info OP
Rewarding talaga siya kapag titignan mo ang rates nila pero wala din namang magagawa kahit maging hindi sang ayon sa desisyon niya. May point naman siya para lang sa safety ng forum at karamihan sa lahat sa atin dito.