Pages:
Author

Topic: Paano mawalan o manakawan ng Bitcoins gamit ang CTRL-C CTRL-V - page 2. (Read 434 times)

hero member
Activity: 1820
Merit: 537
Nakakainis pinapahirapan ang buhay natin ng mga ganitong gawain hindi din ako pala double check ,well i do pero hindi ganun kabusisi pero
Salamat sa information na ito , malaking bagay na ma raise ang awareness yung tungkol dito at malaman yung mga bagay na pwede gawin to protect our accounts.
hero member
Activity: 1750
Merit: 589
Nabasa ko ito nung nakaraang araw at nai-share din sa isang thread dito sa lokal.



Alam ko marami kang topics about security at sa mga malware, hindi kaya maganda kung pagsama-samahin yung mga link sa iisang thread? 
On point, bilang mga Sr. member o mga mas may nalalaman pagdating sa crypto space at mga bagay na ikapapahamak ng iba katulad na lamang ng iyong topic, mangayri sana na tulungan natin silang mapadali ang paghahanap ng mga impormasyon at threads na makatutulong sa kanila, lalo na sa mga beginners o newbies kung tawagin, dahil sila higit sa lahat ang nangangapa sa kalakaran at sistema ng cryptospace. Dahil maaring magdulot ng pagkalito ito sa kanila. Napaka-essential ng mga ganitong thread lalo't ang mga baguhan ang pinaka-vulnerable sa mga bagay na kagaya nito
hero member
Activity: 1862
Merit: 601
The Martian Child


Dati may IT na nagsabi sa akin na kung pwede raw yung pag input ng mga passwords di dapat direct. Pwede raw etype ang passwords sa notepad or kahit saan then copy-paste na lang siya sa dun sa site na pag log-inan mo. Iwas raw sa mga malwares at spywares.

Pero nung nakita ko to napaisip ako na baka mas safer kung etype na kaagad yung password sa mismong website since posible rin pala na yung naka copy-paste natin ay pwedeng makuha rin ng mga hackers. O baka both ways ay pwedeng makuha na ng mga hackers. More than 10 years na yung advice ng friend ko. Ngayon nagagawan na ng paraan ng mga hackers. Siguro safest copy paste yung portion then fill up yung remaining few characters.

Nashare ko na lang din since beside sa passwords it could be wallet keys or any other vital information.

sr. member
Activity: 1400
Merit: 269
what about sa normal na pag copy paste?yong hindi ka gagamit ng CTRL-C at CTRL-V?hindi ba sya ma aapektuhan ng Malware?curious lang kasi baka mas safe gawin to pero syempre dagdag sa mga advises ng mga experts comp tech natin.

though medyo safe ako sa issue na to kasi pag nag copy paste ako ng address ay mabusisi ko talagang binabasa at kino compare ung dalawa.ewan bakit ko ugali yon siguro instinct na din or sadya lang akong siguristang tao
hero member
Activity: 2954
Merit: 796
Hindi pa naman ako pala double check ko lalo na kung madaming sesendan, kapag malaking amount saka ko lang chinecheck. Pero now na possible pala yung mga ganito better check nalang talaga and wag magdali pagsesend. Malaking pagsisisi if mangyari to. Kailangan double check since minsan hindi mapapansin na iba na pala sinesendan, inonote ko mga tips ni OP maliban syempre sa no.1 .
sr. member
Activity: 644
Merit: 255
CryptoTalk.Org - Get Paid for every Post!
Bukod sa pag double check ng few first and last digits of your btc address, I might say na maganda ring way yung step 3. Hindi rin naman diya gaanong kahassle sa tingin ko. I'll try to practice it hanggang sa makasanayan ko though medyo confident pa rin naman ako dahil I only access my wallet using my phone. Pero maganda na rin yung sure syempre, wala namang masama na gawin ang mga ganitong bagay eh.

Mga kabayan, ang mga malwares ay usually nakukuha sa mga infected links and apps so kung hindi ka palapindot ng mga unusual sites or paladownload ng apps kung saan saan then wala namang dapat sigurong ikabahala.
sr. member
Activity: 854
Merit: 257
Kaya kailangan talaga nating idouble check ang address na pag papasahan naten napansin ko rin yan dati kala ko sira lang keyboard ko pag ctrl v ko kase iba yung nalabas nag oopen pa ng ibang files pero nung nag reformat ako ayos na. Siguro nagkaroon virus yung computer ko na nag ttrigger tuwing may copy paste akong ginagawa. Madalang ko lang kaseng gamitin yung computer dahil panay cellphone nalang. Mahalaga updated yung anti virus or windows defender lang para maiwasan yung mga ganun pang yayare.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
Matagal tagal ko na din itong narinig noong 2018 pa. Sa una hindi ako naniwala kasi ang complex naman para gawin nila yun pero nung narinig ko na may nabibiktima pala sa ganyan, lagi ko nang tinitignan yung una at huli ng mga address ko kasi baka mabiktima ako, kahit na laging updated yung anti-virus ko.

Ang number one prevention talaga is tignan mabuti ang adress, wag basta basta mag sesend.
sr. member
Activity: 854
Merit: 272
Nabasa ko ito nung nakaraang araw at nai-share din sa isang thread dito sa lokal.



Alam ko marami kang topics about security at sa mga malware, hindi kaya maganda kung pagsama-samahin yung mga link sa iisang thread? 

Pabor ako sa suggestion na ‘to. Since walang childboards para sa ganitong topics ang mga local boards, mangyari sana na may iisang thread nalng para sa mga ganitong topics para organized tayo.
sr. member
Activity: 1078
Merit: 310
Magandang impormasyon ito ukol sa clipboard malwares para sa kaalaman ng lahat at magsilbing din paala ala sa kapwa natin. Dahil dito, nais ko ding bigyan ng kahalagahan ang pagkakaroon ng mabuting depensa at seguridad ng ating mga komputer o net devices sa pamamagitan ng mga sumusunod:

1. pag install ng antivirus programs at pantilihing updated palagi.
2. regular na pag scan ng malwares gamit yung antivirus at least once a week.
2. pag install ng firewall
3. paggamit ng password manager (keepass)
4. paggamit ng VPN or TOR
5. ifamiliarize at ikompara ng mabuti yung mga BTC addresses na ginagamit natin bago gumawa ng ano mang aksyon.

Ang mga hakbang na ito ay hinde guarantee na makakaiwas tayo palagi sa mga malwares pero malaki yung chance na hindi tayo maging biktima ng malwares na katulad nito. Smiley
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Yung sa suggestion na pag-iwas #1 mukhang malabo sa marami nating kababayan. Karamihan kasi gusto na windows ginagamit at hindi open sa pagexplore sa ibang OS tulad ng Linux. Yung pagcheck ng paulit ulit at ilang beses maganda ring gawin at Ipractice medyo mausisa lang o kung para sa mga nagmamadali masyadong hassle pero kung pera mo ang pinag uusapan, wag katamaran ang pag double check sa bitcoin address na kinokopya. Iwas iwas din sa mga pag download ng mga untrusted apps.
hero member
Activity: 2716
Merit: 552
I didnt expect this to be possible. Im not very technical in terms of computer science. Although, everytime na nag sesend ako ng Bitcoin or other alts sa ibang tao or nag transfer ako ng Bitcoin from exchange to my coins wallet, palagi kong chinecheck yung first 5-8 characters at last 4-5 characters ng address. Iwas-iwas na rin na mag kamali, minsan kasi pag ka paste ko may mga letra kasi sa keyboard na maaring na tap ko ng hindi ko namalayan. Out of my wildest imagination pwede rin pala ma hijack yung clipboard mo.

Anyway, thanks for sharing bro!
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
Nung isang araw lang may nabasa ako na meron nga naging biktima dito sa community na magkahintulad sa paraan na ito. Huli na nang matuklasan nya na ang BTC na napaste nya ay ibang BTC address pala. malaki2x panaman ang kanyang naisent, kaya naipost nya nalang ito sa Bitcoin Discussion nagbabasakali na maibalik ng suspect ang BTC nya. Grabe akalain mo na mangyayari yon, pagkacopy mo ng iyong Btc address, iba yung na paste. brutal itong pang-iiscam na ito kaya dapat lang talaga maishare sa ating mga kababayan para maging aware na din sila.
hero member
Activity: 1274
Merit: 519
Coindragon.com 30% Cash Back

Pero in-fairness a, bihira na ang mga reports ng nadadali ng clipboard hijacks compare nung mga nagdaang taon. Natuto na rin ang ilan.

Saka ang madalas mabiktima iyong mga rush kahit may alam na sa crypto. Kasi pag newbie di agad yan pumipindot and mostly bago sila mag-execute ng action chinecheck nila iyong box kung tama ba ang na-paste.

Basta maging vigilant lang at kahit walang alam sa crypto e makakaligtas sa mga scam attempt na yan.

Mas mainam talaga kapag nag ssend o nag ttransact ay dinodouble check muna ang address o mas mainam ay tignan ng mga ilang ulit bago i click ang send. Mas mabuti g mag lagay ng effort sa pagccheck ng address kaysa mabiktima ng ganitong modus, lalo na kung malakaing transaction ang iyong gagawin.
legendary
Activity: 2688
Merit: 1065
Undeads.com - P2E Runner Game

Pero in-fairness a, bihira na ang mga reports ng nadadali ng clipboard hijacks compare nung mga nagdaang taon. Natuto na rin ang ilan.

Saka ang madalas mabiktima iyong mga rush kahit may alam na sa crypto. Kasi pag newbie di agad yan pumipindot and mostly bago sila mag-execute ng action chinecheck nila iyong box kung tama ba ang na-paste.

Basta maging vigilant lang at kahit walang alam sa crypto e makakaligtas sa mga scam attempt na yan.
sr. member
Activity: 658
Merit: 268
bullsvsbears.io
Lately, I've been hearing a lot of problems sa ganitong pangyayari. Ibig sabihin, mas dumadami ang ganitong modus sa crypto kaya dapat mas lalo tayong mag doble ingat sa pag copy ng ating mga address kasi sa kakaunting pagkakamali lang, maaaring mawalan tayo ng malaking pera. Nakakafrustrate lang yung ganitong pangyayari kasi pinaghirapan natin 'yon tapos mawawala nalang sa isang iglap...

Pero napansin ko lang na parang ang awkward nung title, "paano mawalan o manakawan ng bitcoin...", suggestion lang na mas maayos sana kung "paano nga ba (tayo) nawawaalan o nananakawan ng bitcoin gamit ang ctrl c ctrl v"
sr. member
Activity: 672
Merit: 250
CryptoTalk.Org - Get Paid for every Post!
Grabe na talaga ang mga scammer sa crypto-space ngayon kung anu-anong paraan na ang ginagawa makuha lang ang mga valuable tokens mo at buti nalang hindi pa ako nabiktima ng bagong malware na yan kahit na matagal na akong gumagamit ng windows. napakainam talaga na ugaliin ang pag-double o triplehin pa ang pag-check ng mga address sa tuwing tayo ay magse-send ng funds.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Nabasa ko ito nung nakaraang araw at nai-share din sa isang thread dito sa lokal.



Alam ko marami kang topics about security at sa mga malware, hindi kaya maganda kung pagsama-samahin yung mga link sa iisang thread? 
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Nakita nyo ba ito? another victim of clipboard hijacker malware.

Paano ba ito nangyayari
1. Pipili ka ng Bitcoin address, at kokopyahin ito gamit ang CTRL-C.
2. Papalitan ng malwares and address at gagamitin ang address na pagmamay-ari ng hacker/scammer.
3. Gagamitin mo ang CTRL-V at mananakaw na ang pinadala mong pera.
Kahit tingnan mo ang ilang parte ng Bitcoin address, may pagkakataon na ang ilang characters ay magkakapareha and hindi mo ito mapapansin.

Paano to maiiwasan
1. Don't use Windows, pero alam natin na hindi nyo ito gagawin.
2. Tingnan at usisahin mabuti ang buong address pagkatapos ng copy/pasting, and hindi ilang characters lang. Tingnan din ang gitna. Ma trabaho ito kaya malamang hindi nyo rin ito gagawin.
3. Kaya may naisip ako: wag nyong kopyahin ang buong Bitcoin address, komopya lang kayo ng mga iilan at manu-mano nyong i type and mga natirang huling characters. Kaya kahit palitan ng malware ang hindi pa kompletong Bitcoin address, hindi ito tatanggapin ng iyong wallet at kailangan nyo pa rin tapusin ang mga natitirang characters. Pagkatapos nito ay kailangan nyo pa ring sundan ang Step 2: Tingnang mabuti kung tama ang address!.
4. Gamitin ang copy/paste para ma mapatunayan ang bahagi ng iyong address. Halimbawa gusto nyo magpadala ng pera sa address na to 1PjpEgknyKxQKXtMcYFDym8odkfohFGkui. Pagkatapos ng copy/pasting piliin ang "yKxQKXtMc" sa naka paste na address at pindutin ang CTRL-C. At pagkatapos gamitin ang CTRL-F sundan ng CRTL-V para makita ang bahaging address ay tugma sa origihinal na pinagmulan ng address. Ang siguraduhin din na ang pinagmulan ay tunay at legitimo: kahit ang email ay nagagaya rin!
5. Dagdag ko na rin ang suhestyon ni o_e_l_e_o's dito:

Any time I am sending coins from any wallet I physically place the address I know is correct directly from the source, right next to the address I have entered to send to. That usually means either holding my hardware wallet or phone up next to my computer screen, or resizing two windows on my phone or computer to put the two address physically right next to each other. Once you have two addresses which are less than inch apart, its very easy to check the entire address and not just a few characters at the start or end.

Ugaliing maging mapagmatyag
Suriin, doblehin o triplihin mabuti ang addresses bago nyo padala ang inyong pera.



Original thread: How to lose your Bitcoins with CTRL-C CTRL-V with permission from @LoyceV
Pages:
Jump to: