Author

Topic: [Paliwanag] Kahalagahan ng Custom Trust List (Read 227 times)

sr. member
Activity: 728
Merit: 254
March 26, 2020, 10:53:15 PM
#9
Bump
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
@carlisle1,@finaleshot2016 - thanks hehehe talagang na surprised lang ako kasi hindi naman mga pinoy yang nag add sa kin. Anyway, siguro marami talagang nag iikot ikot na mga member at natututong gamitin na rin tong new custom trust list at binubusisi nila isa isa ang kanilang idadagdag. Marahil na nakikita nila ang mga contributions ng bawat member sa community at ito ang dahilan kung sino ang gusto nilang isali sa listahan nila.
hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
For those who wanted to see kung sino sino ang mga nasa custom trust list ng bawat member, makikita nyo ito dito, gawa ni @Loyce, Trust List for all users. Search nyo lang ang name nyo sa listahan ang i click ang trust list. May mga i add na ako sa custom trust list ko, makikita nyo dyan kung sino sino. Ang nakakagulat lang may nag trust na din pala sa kin kahit dalawa.  Grin. At so far wala pa naman ang distrust sakin. hehehe.
congratulations kung ganon kabayan.mapalad ka at may nag add na sau sa trust list nila so malamang pag nagpatuloy yan madadagdagan na ang DT sa linya nating mga Pinoys
At so far wala pa naman ang distrust sakin. hehehe.

As long as hindi ka naman shit dito sa forum, no one will distrust you,
absolutely correct mate and checking hes account i'm sure he's not a shit here  Cheesy
Quote
obviously lahat naman tayo dito sa local is okay but not equal at some points pero we still do understand each other.  Cheesy
 trust.
and thats the very important thing na tayong mga kapwa pinoy ang maghatakan pataas sa kahit anong kadahilanan{syempre wag lang sa kasamaan dahil hindi na tama yon}
sr. member
Activity: 882
Merit: 301
Kakabasa ko lang yung thread ni LoyceV na Trust list mistakes: (accidentally) adding the wrong users Baka meron din sa inyo dyan nagkamali sa pag-add kay Darkstar_ Hindi kasi masyadong napapansin minsan yung "_" sa bandang hulihan.


The more DT we have, no more violators at mas magiging maayos ang ating local board, even maximum shitposting can be tagged of a red trust.
What will you consider as maximum shitposting? Marami ako nakitang red trusted dati for spams o shitposts pero binalik din sa neutral.

Meron na din pala tayong anim na DT.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
September 29, 2019, 08:25:57 AM
#5
At so far wala pa naman ang distrust sakin. hehehe.

As long as hindi ka naman shit dito sa forum, no one will distrust you, obviously lahat naman tayo dito sa local is okay but not equal at some points pero we still do understand each other.  Cheesy

Hoping na if may magdi-distrust man sa kapwa pinoy, they should have indicated any valid reason for distrusting. Agree ako don sa gamitin ang trust list para mas maging coordinated tayo at kung sino yung gusto niyong mag-lead sa mga cases at violations dito sa local natin. The more DT we have, no more violators at mas magiging maayos ang ating local board, even maximum shitposting can be tagged of a red trust.

legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
September 29, 2019, 04:16:09 AM
#4
For those who wanted to see kung sino sino ang mga nasa custom trust list ng bawat member, makikita nyo ito dito, gawa ni @Loyce, Trust List for all users. Search nyo lang ang name nyo sa listahan ang i click ang trust list. May mga i add na ako sa custom trust list ko, makikita nyo dyan kung sino sino. Ang nakakagulat lang may nag trust na din pala sa kin kahit dalawa.  Grin. At so far wala pa naman ang distrust sakin. hehehe.

Siguro it's about time na tayong mga Pinoy eh dapat gamitin at pang laruan yan. Iilan ilan palang yata satin ang gumagamit nito.
asu
legendary
Activity: 1302
Merit: 1136
Paano ba na giging DT1 ang isang user or member dito sa forum?
Yung custom trust ba ang kailangan para maging DT1 ilan ba dapat na myembro ang dapat na iadd ka sa custom trust bago maging DT1?

Sa ngayon kasi hindi ko parin talaga naiintindihan kung paano sila nagiging DT1 kasi kung ilagay mo ang isa user sa custom link masaali sya sa DT1 pero kung titignan mo sya as a newbie hindi sya DT1 it means nasa account mo lang sya DT1 tama ba? e paano naman maging DT1 globally?

theymos decision kung sino ang ilalagay niya sa DT1. May criteria for choosing para sa mga magiging DT1.

Criteria para sa pagpili:
- Dapat maging online for atleast 3 days.
- Dapat ang trust list mo ay may naka include na 10 users, entries para sa mga distrust ay hindi counted.
- Dapat mag post for atleast 30 days.
- Dapat magkaroon ka ng atleast 10 people na trusted ka na merong atleast 10 merit earned bawat isa, hindi kasama yung merit sent mo sakanila.
- Dapat magkaroon ng atleast 2 people na trusted ka na merong atleast 250 merit earned, hindi kasama yung merit sent mo sakanila.

And if you’re wondering more take some time to read here DefaultTrust changes.
legendary
Activity: 1638
Merit: 1046
Paano ba na giging DT1 ang isang user or member dito sa forum?
Yung custom trust ba ang kailangan para maging DT1 ilan ba dapat na myembro ang dapat na iadd ka sa custom trust bago maging DT1?

Sa ngayon kasi hindi ko parin talaga naiintindihan kung paano sila nagiging DT1 kasi kung ilagay mo ang isa user sa custom link masaali sya sa DT1 pero kung titignan mo sya as a newbie hindi sya DT1 it means nasa account mo lang sya DT1 tama ba? e paano naman maging DT1 globally?
sr. member
Activity: 728
Merit: 254
Ang Bitcointalk ay mas malaki kaysa sa iniisip natin. Maraming tao dito mula sa buong mundo. Ang ilan sa mga ito, ay nandito upang malaman ang tungkol sa bitcoin at cryptocurrency sa pangkalahatan, ang ilan ay para sa trading o makipag-kalakalan ng mga goods, currency at ang ilan ay narito para kumita ng pera sa pamamagitan ng bounty. Bukod sa mga ito, may ilang mga tao na nandito para mang scam ng pera ng mga tao. Kapag tayo ay makikipag-trade paano natin hahatulan ang isang user kung dapat natin pinagkakatiwalaan ang taong iyon o hindi? Upang matulungan kang mahimay ang mga ito, ang mga tao ay nagbibigay ng feedback batay sa kanilang nakaraang mga trade, karanasan. Maaari nating mahanap ang ilang valid feedback habang ang ilan ay hindi valid, bogus. Kung ang isang tao ay nagbigay ng positibong feedback sa user at ikaw ay ang unang gumawa ng habang upang makipag-palitan, maaari kang ma-scam dahil hindi mo alam kung valid o hindi valid ang feedback. Narito ang pangangailangan upang magkaroon ng custom trust list. Habang nag-susurf ka sa bitcointalk, may palitan, palitan ng mga kalakal o coin o pera, kailangan mong iligtas ang iyong sarili mula sa posibleng scam o fraud at ang custom trust ay makakatulong sa iyo na gawin ito.

Sa paglikha ng custom trust list-
1. Pumunta sa trust setting.
2. Isama ang username/userid ng taong nag-iwan ng valid feedback sa iyong opinyon.
                 a. Sa pagsama ng isang tao sa iyong trust list, i-type ang username o userid sa kahon. Kapaag isasama mo ang
                     isang tao sa iyong trust list, tandaan na gamitin ang tamang username. Maaaring may                      
                     ilang mga tao na may halos parehong username. Para maiwasan ang isyung ito, maaari mong gamitin ang userid.          
                 b. Para sa pagbubukod sa isang tao na hindi nagbibigay ng valid feedback (sa tingin mo), gumamit ng tilde (~) bago
                     ang kanyang username.
3. Mag-update ngayon. Maaari mo ring itakda ang depth level na mahalaga rin dahil kung magdadagdag ka ng isang tao sa iyong custom trust list at kung ang iyong depth level ay naka set sa 1, pinagkakatiwalaan mo ang custom trust list ng user na iyon. Kung ikaw ay nag-set ng depth level 2, pinagkakatiwalaan mo ang maraming user. Maaari monh silipin ang thread na ito para sa mas mahusay na pag-unawa sa depth level.

Ano ang mga benepisyong iyong matatanggap kung ikaw ay gumagamit ng custom trust list-

1. Ligtas na palitan, ligtas na surf, Masayang ending
  Kung lumikha ka ng custom trust list, makikita mo lamang ang mga feedback na iyon sa anumang profile ng user na naiwan ng iyong custom trust list. Maaari mong suriin ang iba pa
sa feedback ng mga tao sa pamamagitan ng pagbisita sa untrusted feedback. Kung nais mong magsagawa ng isang kalakalan o palitan ng mga kalakal o ano pa man, kung nakakakita ka ng negatibong feedback sa profile ng user na naiwan ng isang tao mula sa iyong custom trust list, maaari kang magkaroon ng ligtas na deal/palitan sa taong iyon. At sa parehong oras, kung nakikita mo ang positibong feedback na natitira sa iyong custom trust list, maaari kang magkaroon ng ligtas na pakikitungo/palitan sa taong iyon. Bukod pa dito, magkakaroon ka rin ng ligtas na pag-browse. Halimbawa, kung ang isang tao ay gumagamit ng masamang software/URL na maaaring ikompromiso ang iyong data kung nag-click ka. Ngunit kung nakikita mo ang trust points (hindi posible paminsan-minsan dahil ang marka ng trust ay hindi nakikita sa lahat ng seksyon) at malaman kung ang isang tao mula sa iyong trust list ay iniwan na ng negatibong feedback, tiyak na hindi mk iki-click ang link na iyon. Magkakaroon ka ng ligtas na kalakalan at ligtas na pag-surf.

2. Ang panghuhusga ay mapapadali
  Ipagpalagay na hindi mo pa binuo ang isang custom trust list at ang iyong depth level ay nakatakda sa 2, ibig sabihin ay nagtitiwala ka sa feedback ng mga tao na nasa DT1 at nagtitiwala ka rin sa mga feedback na nasa trust list ng DT1. Kaya, batay sa kanilang feedback, maaari mong makita ang iskor ng isang tao ay 100 at kung sa tingin mo ang user na pinagkakatiwalaan ay maaaring mali sa ilang mga punto. Ang iyong paghuhusga sa user na iyon ay mali ngunit kapag gumagamit ka ng custom trust list, magkakaroon ka lamang ng eksaktong paghatol.

3. Tulungan ang forum
  Habang ikaw ay may ligtas na pangangalakal/pag-browse, responsibilidad mong masiguro ang ligtas na palitan para sa iba pang mga tao. Kung kasama ka ng isang tao sa kanyang trust list at ang kanyang depth level ay nakatakda sa 2, siya ay nagtitiwala din ng feedback mula sa mga tao sa iyong trust list. Kaya, dapat mong idagdag lamang ang mga taong iyon sa iyong trust list na pinagkakatiwalaan mo sa kanilang feedback.

4. Pagpili sa DT1
  Ang pagpili ng DT1 na miyembro ay sinuman na maisama sa trust list ng ibang pang mga tao. Nangangahulugan na responsable tayo sa pagpili ng DT1 na miyembro. Samakatuwid, dapat nating isama ang mga taong nag-iiwan ng valid trust upang matiyak na hindi tayo magkakaroon ng masamang DT1 na miyembro.

5. Ang Custom trust list ay kinakailangan para sa pagsasama ng DT1
  Sa bagong mga pagbabago, ang sistema ng trust ng bitcointalk ay naging mas desentralisado. Bago ito, ang DT1 na miyembrk ay isinasama lamang ni theymos nang direkta bagaman batay sa kanilang trust sa forum. Ngayon, sinuman ang makakatugon sa pamantayan, ay mapapaloob sa DT1 maliban sa mga scammer o isang taong na may masamang reputasyon. Samakatuwid, para mapasama sa DT1, dapat mong gamitin ang custom trust list.

Ang ilamg mga criteria na dapat mong mapanatili sa pagpili ng mga taong gusto mong mapasama sa iyong trust list- ni suchmoon.
1. People you've traded with are not necessarily good candidates. You have to trust person's judgement as well.
2. Review the feedback sent by people you're including/excluding. (You've mentioned this a little bit)
2. Never include people who ask to be included. Perhaps exclude them instead. Be skeptical about inclusions suggested by other users (possible shilling).
3. Don't include people merely based on their merits or if you like/agree with their posts.
etc

Including wrong people in the list would negate any advantages and might make it far worse than just leaving the settings at DefaultTrust.

Sa palagay ko ay mayroon na kayong maliit na kamalayan tungkol sa paglikha ng isang custom truat list. Higit ko kayong hinihikayat na gumamit ng custom trust list.
Tandaan, mayroong malaking diperensya sa pagitan ng pag-iwan ng feedback at custom trust list.

Source: https://bitcointalksearch.org/topic/explained-importance-of-custom-trust-list-5096348

Jump to: