Gusto kung maka jackpot ulit, kahit x100 lang na increase at sa tingin ko sa altcoins lang yan mangyayari. Abang abang nalang siguro muna ako kung anong mga trend ng altcoins, kasi pag bull run based sa trend na napansin ko, bitcoin first, then altcoins will follow.
- Well, honestly speaking, talagang sa altcoins lang natin yan mararanasan, kahit nga magx50 nga lang ay masaya na ako, dahil hindi ko naman kayang bumili ng higit sa isang Bitcoin, ang alternative ko lang talaga ay ang cryptocurrency at ibang mga meme coins at AI token na sa tingin ko ay pwedeng makasabay sa altcoins season o bull run na paparating.
Kaya tamang tiwala lang at may kasama naman din tayong ginawang pagreresearch sa mga coins na hinahawakan ko ngayon sa aking mga wallet at yung iba naman ay nasa exchange at ginagawa ko naman ng day trading activity.
Para hindi masayang yung opportunity natin sa bull run, kung wala tayong extra for investment, kahit yung income natin sa signature campaign pwede na ring pang invest yan. Mukhang magtatagal pa itong bull run, yung dati na akala ng iba ang impossible mag $100k ang bitcoin, parang malapit ng mangyari ito, and next naman target is $1 million per bitcoin. Mukhang darating talaga ang araw na magiging $1 na ang 1 sat.
Ngayon tamang observe lang, invest konte especially sa altcoins, then HODL... dapat kung target more is x50 or x100, doon ka lang dapat mag sell.