Kaya sa ngayong paparating na bull run at kung kumita man kayo mas mainam maging matalino sa ating investment at wag ibuhos lahat sa bitcoin or crypto at humanap ng ibang side hustle like investment offline para kung yung dating nagbibigay ng income sayo ay nawala na ay mayron ka paring pagkakakitaan at hindi maging broke gaya ng iba nating kababayan na kumita at naubos lang din ng walang nakita sa pinagpaguran nila.
May dalawa akong plano pagkumita ako ng malaki sa crypto or sa bull run. Una ay magbibigay ako pera sa magulang ko para mas mapalaki pa nila ang kanilang weilding/glass shop. Since isa ito sa source of income ng aming pamilya, mainam na ma-maintain o mas mapalaki pa ang kinikita namin dito. At ang pangalawa ay mag-pagpapaalaga ako ng mga baboy at manok sa probinsya namin. Initial thought palang ito at I know na hindi ito magiging kalakihan sa profit unlike sa crypto makakatulong ito for other sources of income sa aming pamilya.
Tama ka rin kabayan na wag natin ibuhos lahat sa crypto at para kahit bumagsak ang market hindi masyado maapektuhan ang inyong income dahil meron kang ibang nagawang ibang investment na nagbibigay sayo ng income.
Magandang plano yan kabayan dahil tiyak matutuwa ang magulang mo pag nagkataon at naniniwala din talaga ako kapag mapagbigay ka sa iyong magulang ay doble-dobleng blessing ang matatanggap mo kaya hangad ko ang iyong tagumpay ngayong nalalapit na ang bullrun. Sa experience ko naman ekis sa baboy dahil sobrang ganid ng mga middleman at mahal feeds tsaka laganap din ang ASF dahil dyan nalugi yung baboyan at pansamantalang tumigil nako. Siguro mas mainam na muna na pag aralan mo to at magtanung tanong ka sa mga nag ba-baboy sa lugar nyo kung ok ba ang kanilang kita para di ka mapasubo diyan dahil sayang talaga ang puyat at pagod pag lugi.
Kaya sa ngayong paparating na bull run at kung kumita man kayo mas mainam maging matalino sa ating investment at wag ibuhos lahat sa bitcoin or crypto at humanap ng ibang side hustle like investment offline para kung yung dating nagbibigay ng income sayo ay nawala na ay mayron ka paring pagkakakitaan at hindi maging broke gaya ng iba nating kababayan na kumita at naubos lang din ng walang nakita sa pinagpaguran nila.
Totoo ito. Sobrang dali kasi ngayon kumita sa crypto na kahit ano siguro na bilhin mong token ay mataas ang chance na magpump since sumasabay lang ang lahat sa movement ni Bitcoin. Yung mga ganitong easy profit ay karaniwan na nagtatapos pa sa losses since nagiging greedy tayo na magchase pa ng profit sa pagpasok ng mga risky investment kapag hindi na gumagalaw ang Bitcoin at iba pang high caps token.
Kaya maganda talaga itong advise mo na magsecure lagi ng profit as play safe since madalas tayong na cacaught off guard kapag ganitong puro pump ang market. Laging may correction kaya may chance na mabura lahat ng profit sa isang bad investment.
Kaya nga given na talaga ang income lalo na pag mapagmatyag ka sa mga bagong nauuso na tokens ngayon at updated ka lagi at marunong ka mag trade malaki ang chance talaga na kumita. May mga set of friends din ako na pumapaldo sa airdrop ngayon at tiyak kikita pa sila sa aktibidad na yan dahil sa dami pa ng mga projects na nag launch ngayong paparating ang bullish season ng crypto.
Kaya once kumita talaga dapat mag secure at iwasan ang mentalidad na "ah bahala na si batman for sure kikita pa naman tayo kahit maubos tong kinita natin" dahil yan talaga ang ikapapahamak natin dahil baka ma back to zero tayo at mahihirapan pang ulit na kumita pag nawala na yung inaasahan natin.