Habang may Bitcointalk may PAG-ASA!!
Naman!! Oo meron, meron talaga!!
Hindi lang naman kasi bounty ang buhay ng isang nagki-Crypto eh, ang dami-daming pwedeng matutunan sa forum na ito na makakatulong ng husto sa atin,..
Dapat mong makita ang mga sumusunod:
1. Dapat mong malaman na ang Forum na ito ay nagtuturo ng hindi kayang ituro sayo ng mga UNIVERSITY, ng AMA, ng STI at ibang Institute!
2. Ang bLockchain Technology ang isang ino-offer ng bitcointalk, matutunan mo yan dito, at kapag natutunan mo ang technology na ito, simula na ng PAGYAMAN MO!!
3. Matututo ka rin dito ng MINING, Bitcoin Mining at GPU Mining, di mo rin yan maututunan sa University na pinapasukan mo ngayon.. Sa totoo lang utang ko ng malaki sa Bitcointalk kung bakit isa akong Minero ngayon na dati ay pangarap ko lang, at ng dahil sa mga kaalamang available dito, natutunan ko ito.
4. Hindi pa tapos, Psssst.. Basahin mo pa ito.. Alam mo ba na marami ng yumaman sa Trading ng Cryptocurrency? Oo tama ang nababasa mo, marami ng yumaman at nakapagpundar ng dahil dito, Dito mo lang din yan matutunan sa Bitcointalk.
Ang dami pa kabayan, halos nandito na lahat ng Inpormasyon patungkol sa technology...
Kaya sana eh huwag lang tumingin sa mga bounty, ikaw din ang mawawalan kapatid, Inuulit ko ang BOUNTY ay isa lang sa mga REWARD na pwede mong makuha sa Forum na ito.
Sa kabuuan ay naunawaan ko ang nais ninyong iparating at sinasang-ayunan ko po kayo at naiintindihan sa inyong opinyon pero nais ko lamang magbigay ng isa pang perspektiba mula sa ninanais ninyo.
1. Sang-ayon ako dito.
2. Mahirap po kasi ang pagkatiwalaan lalo na kung sinabi mong self-study lang po ang kaalaman nyo sa blockchain at malabong makapag-trabaho ka sa mga kompanya na makakatulong sa iyong paglago Sa tingin ko, maaari kang kumita kapag nag invest ka at sa paraang pag-reresearch ng legit ng proyekto sa teknical na paraan at iyon ay pag-aralan ang kanilang blockchain implication.
3. Nangangailangan po kasi ito ng kaukulang pondo para makapag simula at madaming luha gawa ng maaari kang masiraan ng GPU kapag ikaw ay nag-sisimula palang. Ano po ba ang maipapayo nyong profitable na paraan para sa newbies para kumita sa mining? Ayos lang po bang mag start sa isang GPU?
4. Hindi lang sa bounties kundi sa sarili, iyong uunahin ang matuto kaysa mag sh*tpost. Sa paraang alam ko, mas prefer ko iyong investments at tsaka trading, ang mining kasi para sa akin ay medyong may kahirapan pero lubhang nakakatulong iyong kaalaman sa blockchain, dahil duon, nababatid ko ang kapasidad ng isang proyekto kung saan ako mag iinvest.
Wala talaga akong tyaga nung una na gumawa ng ganitong thread, pacomment comment at tanong lang ako sa mining section, pero nung nakakadalawa ako dito sa Filipino Section nakita ko na ang daming new account, at masyadong nakakapanlumo ng may isang thread na pumutok sa sa isang section an pinupuna yung isang bounty na halos Pinoy ang kasali, ang katwiran is, nandun kasi yung idol daw ng bayan (Pacman) kaya may isang foriener na nambash sa mga pinoy, kaya masakit man pero we need to face the reality na ang daming pinoy ang nagpunta dito for not knowing the the deep purpose of this forum.. Kaya kahait papano naman nagpapasalamat ako at nakaktulong tong mga ginagawa ko sa mga kapwa ko pinoy dito..
Maaari ko po bang mahingi iyong link ng post? Gusto ko po kasing mabasa.